Michael Pacquiao, hindi pressured na sumikat: "I only did this because I love it."
Aug 15, 2020

Sa loob ng limang araw mula nang i-upload ng Wish 107.5 ang "Hate" performance video ni Michael Pacquiao, 18, nakakuha na agad ito ng higit pa sa limang milyong video views sa YouTube.

Instant internet sensation ang pangalawang anak ni boxing champ at senador na si Manny Pacquiao.

Sa kabila ng iniaatang sa balikat niyang pressure at expectation dahil anak siya ng isang sikat na personalidad, wala namang intensyong sumikat nang husto si Michael.

Gusto lang daw niyang i-share ang kanyang musicality at maka-inspire ng ibang tao, ayon sa kanyang PEP Exclusives interview with Jimpy Anarcon and Bernie Franco.

"For me, I don't really felt pressured. Like, I really have to be a professional, I have to be really good, and impress everyone, gano'n.

"I only did this because I love it, you know.

"I would share my music to everyone because I want to share my talent with people. And hopefully, inspire and motivate other people to do what they wanna do and share their talents as well.

"And I can see it also, when people are thanking me and people are saying I helped them and stuff. So, I feel blessed and grateful for that," sabi pa ni Michael.

Panoorin ang kanyang buong PEP Exclusives interview para makilala pa nang husto ang baguhang rapper na ito.

Tingin namin ay may real talent si Michael. Pero hindi namin kayo pinangungunahan. Kayo ang maghusga.

FOR RELATED STORY, CLICK HERE:

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!

Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/

Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts

Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results