Kim Chiu video nails dance cover of ITZY's "Not Shy"

by Julie E. Bonifacio
Sep 8, 2020
Kim Chiu on doing "Not Shy" dance cover: "Mukha lang siyang nakakapagod. Pero nung ginawa namin, sobrang naha-happy ako. Kasi, sobrang K-Pop fan ako. So, sobra akong na-happy na sinayaw ko yung mga sayaw nila, ganun."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nag-trending si Kim Chiu kamakailan lang dahil sa kanyang dance cover ng “Not Shy,” ang sikat na kanta ng K-Pop girl group na ITZY.

In-upload ang dance cover ni Kim sa kanyang official YouTube channel na Kim Chiu PH noong September 4. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong halos 480,000 views.

Ang ITZY ay five-member girl group mula sa JYP Entertainment, at nag-debut sila noong February 2019. Ang mga miyembro ng ITZY ay sina Yeji, Lia, Ryujin, Chaeryoung, at Yuna.

Nagpapasalamat si Kim dahil maraming nanood at naka-appreciate ng kanyang “Not Shy” dance cover.

“Sobra rin akong thankful na, at least, inaabangan nila yung mga ginagawa ko.

“E, natutuwa sila sa mga efforts ng mga shini-share ko sa kanila. So, natutuwa din ako.

“Siyempre, lumipat na kasi tayo ng platform, lalo na ngayong 2020. Ang daming nangyari, di ba?

“So, papunta na tayo sa social media platform na lahat. So, yun.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim via Zoom meeting noong Linggo, September 6.

Bakit siya nagdesisyong gumawa ng dance cover ng isang K-Pop song?

Tugon ni Kim, “Naisip ko lang kasi puro K-Pop yung napapanood natin ngayon, e.

“So, why not gawin yung mga sayaw nila? Kasi, ang ganda.

“‘Tapos yung mga damit nila, yung mga makeup nila, parang, ‘Gawa tayo ng dance cover.’ Parang katuwaan lang.

“So, para mag-enjoy ako. Para mag-enjoy ako. Hahaha!”

Ginawa niyang lahat ng parts ng limang miyembro ng ITZY. Hindi ba siya nahirapan o napagod?

Saad ni Kim, “Mukha lang siyang nakakapagod. Pero nung ginawa namin, sobrang naha-happy ako. Kasi, sobrang K-Pop fan ako.

“So, sobra akong na-happy na sinayaw ko yung mga sayaw nila, ganun.”

WHY “NOT SHY”?

Sa dami ng K-Pop songs na pwede niyang gawan ng dance cover, bakit ang kanta ng ITZY na “Not Shy” ang napili niya?

Continue reading below ↓

May mga nagsasabing nang bagay sa kanya ang title ng song sa dami ng mga pinagdaanan niyang isyu ngayong pandemic at sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Not shy kasi ako! Not shy ako!” natatawang sabi ni Kim.

Pero ang totoo, ayon kay Kim, dahil sa bunutan kaya niya piniling gawan ng dance cover ang “Not Shy.”

“Ano, nagbunutan po kasi kami,” pagri-reveal niya. "Binunot ko yung ano… tatlo kasi yung gusto ko na K-Pop girl group—BLACKPINK, Twice, ‘tapos ITZY.

“E, ‘yon yung nabunot ko. Parang katuwaan lang din na, ‘Ano kaya yung una? Ibunot na lang natin para fair.’

“Para hindi ano… kasi kung ako ang papipiliin, BLACKPINK na talaga. Sure na.

“Pero parang katuwaan lang, binunot ko. ITZY yung nabunot ko.

“And, 'not shy' ako na mag-dance cover, at gawin yung lima!” natatawang sabi ni Kim.

Dahil lima ang miyembro ng ITZY, limang magkakaibang looks din ang ginawa ni Kim para sa dance cover.

Continue reading below ↓

“Oo, sinabi naman nila sa akin yung concept. Sabi ko, kung anuman diyan yung mapili ko, ako lahat ‘yan.

“So, pasalamat na rin ako na hindi yung Twice ang napili ko, kasi nine sila. Hahaha!

“Nine sila, so papa’no ko gagawing nine ang sarili ko. So, yun.”

Request ng netizens ay sunod na gawin ni Kim ang cover naman ng kanta ng BLACKPINK with Selena Gomez, ang “Ice Cream.”

“Oo, bunutin ulit natin. Bunot ulit ako!” tawa niya. “Pero baka matagal pa yun.”

FIVE KIMS

Sa limang characters na ginawa niya sa “Not Shy,” may favorite ba siya?

“Ano, yung blonde,” pag-amin ni Kim.

“Kasi, hindi ko lubos maisip na magba-blonde ako ng buhok habang sumasayaw. So, natuwa naman ako.

“Saka yung isa doon, yung naka-bangs. Ayoko talaga mag-bangs kasi hindi bagay sa akin.

“Pero dahil naka-bangs yung isang member doon, so binangs ko na yung sarili ko.

“Ayoko ng bangs. Hindi kaya ng hitsura ko ang mag-bangs.”

Continue reading below ↓

Kanino naman siya pinakanahirapan?

“Yung naka-white. Yung nakaganyan na buhok,” sabay muwestra niya na nakataas ang dalawang kamay sa taas ng ulo.

“Kasi, yung sapatos ko noon, ano, matigas, na mataas yung heels.

“Pero sabi ko naman sa team ko, ‘Fashion or comfort?’ Kasi, hindi ko talaga siya masayaw.

“Sabi nila, ‘Fashion. Fashion tayo.’ Sabi ko, 'Sige na nga. Pipilitin natin.’

“Sobrang sakit talaga ng paa ko. Yung talampakan ko gumanoon [tumaas]. ‘Tapos yung heels nandyan,” sabi ni Kim habang dine-demonstrate ang nakatingkayad na left hand niya.

“So, ang sakit ng dito. So, tiniis ko na lang. Hehehe!”

Tiis-ganda fashion?

"Oo, hahaha! Pero, maganda naman [lumabas]”

Thirteen hours daw kinunan ang music video.

“Isang araw lang, 13 hours. Mukha lang siyang matagal, mahirap. Pero mabilis lang naming ginawa. Nakakatuwa.

“After that, hindi pa… nasa cloud nine pa ako kasi nagawa ko yung lima.

“Pag-uwi ko, masaya pa ako. Pero nagising ako tanghali na. Napagod din pala ako. Hahaha!”

Continue reading below ↓

Ang nag-conceptualize ng “Not Shy” dance cover ni Kim ay ang Chapters Video Production.

Ang executive producer nito ay si Joanne Angeles. Make-up by Jake Galvez, hair by MJ Rone, wardrobe stylist by Adrian Concept, at nails by Mimi Que Reyes.

Ang Porsche car na ginamit naman sa video ay mula sa reel-and-real boyfriend ni Kim na si Xian Lim.

Continue reading below ↓

U TURN

Samantala, nag-resume na muli si Kim ng shooting para sa U Turn, isang horror movie mula sa Star Cinema.

Nang nakausap ng PEP.ph si Kim ay nasa hotel siya kung saan sila nagsu-shooting.

Kuwento ng Kapamilya actress, “Naumpisahan na namin 'to hanggang sa inabot kami ng quarantine.

“Matagal na rin, naka-twelve days na. ‘Tapos ngayon, five days ulit. Five days na lang.”

Kasama ni Kim sa U Turn sina JM de Guzman at Tony Labrusca.

May plano bang isali sa Metro Manila Film Festival sa December ang U Turn?

“Hindi na ata kami aabot. But, oo, dito na kami naka-lock-in, dito na kami sa hotel. Hanggang Friday kami rito,” sabi ni Kim, na di nagbabago ang masayang mood.

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on doing "Not Shy" dance cover: "Mukha lang siyang nakakapagod. Pero nung ginawa namin, sobrang naha-happy ako. Kasi, sobrang K-Pop fan ako. So, sobra akong na-happy na sinayaw ko yung mga sayaw nila, ganun."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results