XOXO may nakakatawang kuwento tungkol sa pagkaka-eliminate nila sa The Clash
Sep 15, 2020

Mula sa pagkaka-eliminate sa The Clash season one, naging mga miyembro ng all-girl singing group na XOXO sina Mel Caluag, Lyra Micolob, Dani Ozaraga, at Riel Lomadilla.

Sa kanilang PEP Live appearance, kasama sa napag-usapan ang kani-kanya nilang istilo sa musika at pag-awit.

Pero hindi sinasadya, naungkat din ang mga naging dahilan ng pagkaka-eliminate nina Dani at Riel sa The Clash.

Dahil daw ito sa mga inawit nila sa nasabing Kapuso reality singing competition.

Si Dani, nabanggit na English talaga ang mga piyesang sanay siya. Pero kapag pinapakanta siya ng Tagalog, napupunta siya sa bottom position ng singing contest.

Nagkatawanan tuloy ang mga singers dahil sa nabanggit ni Dani na, "nabo-bottom ako."

Si Riel naman nang tanungin ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon kung ano ang favorite song sa dalawang kinanta nito sa The Clash ay lalong nagkatawanan ang XOXO members.

"Wala po akong choice, e. Dalawa lang... Kasi kung tatanungin nyo po ako, yung isa pong kanta, do'n po ako natanggal, wag na po yun!" natatawang sagot ni Riel.

Panoorin ang masayang tsikahan nila sa video na ito.

Para sa kumpletong PEP Live interview ng XOXO, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=N-yLc2-QkAI

HOT STORIES

Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes
Director: Kim Justine Gan

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us! Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results