Arnel Pineda "almost zero" income; rises above his woes with a Christmas song

by Jerry Olea
Oct 20, 2020
Arnel Pineda's message for fellow Filipinos: "Gusto ko na iyong mga makakarinig ng kantang ito, malaman nila na kahit sa maliit na paraan nila, e, puwede silang maging Santa Claus, o maging kaibigan ng isang nangangailangan, lalo na sa panahong ito."
PHOTO/S: CTTO

Sandamukal na raket ang nawala kay Arnel Pineda sa paglaganap ng COVID-19 pandemic.

"Almost zero ang ano ko... I think, I’m, like, 95% affected," malungkot na pag-amin ng lead singer ng bandang Journey.

Base ito sa audio file na in-email sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Oktubre 19, Lunes ng hapon.

Natigil ang regular na kita ni Arnel mula sa mga concert ng Journey dahil mahigpit na ipinagbawal ang mass gathering kontra pandemya.

Patuloy ng 53-year-old singer: "Tapos, iyong mga show sa States this year and for next year, completely cancelled na.

"Baka mag-resume kami ng tour mga early 2022 pa. Iyong impact sa akin, talagang malaki.

"What more sa mga low-income na kapwa natin musikero, mga singer na nandito sa Pilipinas?

"Ganoon na nga kaliit, tapos, nawala pa. Mas matindi sa kanila."

a christmas song

Sa kabila ng hirap na dulot ng pandemya, na-inspire si Arnel na i-remaster ang komposisyon niyang "This Christmas," na noong 2013 o 2014 pa niya nabuo.

Continue reading below ↓

Celebrity guest siya sa isang corporate event nang maisipan niyang mag-compose ng isang kanta base sa kuwento ng youth choir na napanood niya.

"May nauna sa aking mga performer. Choir sila, mga bata, galing squatter’s area. Inipon sila para mag-perform doon...

"I was so impressed doon sa galing nila. Naisip ko noong time na iyon, 'Grabe, o! Hindi sila napigilan ng hirap ng buhay para i-own iyong talent nila.'

"Ganoon sila kagaling. So, bigla na lang pumasok sa akin iyong idea ng melody habang kumakanta sila ng Christmas song. Nagsimula na doon.

"Sila ang pinagmulan niyon, iyong choir na iyan na nakasama ko sa event."

Ire-release ang remastered version ng "This Christmas" sa iba’t ibang digital platform sa Nobyembre.

Konti lang ang nabago sa tono nito, pero mas makabuluhan ang lyrics dahil sakto ito sa dinadanas na hirap ng sitwasyon dulot ng paglaganap ng COVID-19.

Paliwanag ni Arnel, "I wanna make sure na makaka-relate talaga lahat sa lyrics. Hindi lang dahil I was moved by their performance, kundi gusto ko ring maramdaman ng mga tao iyong sinasabi ko at ma-inspire sila.

Continue reading below ↓

"Gusto ko na iyong mga makakarinig ng kantang ito, malaman nila na kahit sa maliit na paraan nila, e, puwede silang maging Santa Claus, o maging kaibigan ng isang nangangailangan, lalo na sa panahong ito.

"At gusto ko ring ipahatid through this song, na iyong mga nahihirapan naman, na hindi sila nag-iisa. At meron silang choice para i-improve iyong sitwasyon nila kahit pandemic.

"So, iyon na nga ang pag-iingat sa sarili—para maipagpatuloy nila ang buhay nila, hindi sila magkasakit. Iyong mga ganoon."

PANAWAGAN AT PAKIUSAP

Naantig din daw kasi ang damdamin ni Arnel sa mga natutunan at naobserbahan niyang hirap ng mga kapwa-Filipino na apektado ng pandemya.

Lahad niya: "I got inspired na i-redo ito at i-release, kasi, the [past] seven months, nakikita ko sa balita, at pag lumalabas ako, nakikita ko iyong mga kababayan natin.

"Tina-try nating mag-move on lahat, e. Tina-try natin, ilang beses...

"At ang daming NGOs [non-government organizations] diyan, na tina-try nilang mai-share ang blessings nila sa mga nahihirapan."

Continue reading below ↓

Hindi rin daw maiwasang malungkot ni Arnel sa pagtaas ng ibang mga bilihin gayong hirap na nga ang taong-bayan.

"Hindi na ako magbabanggit ng pangalan, marami ring nagte-take advantage na mga negosyante.

"Na sana, alam ko, nahihirapan sila, pero sana, mas maramdaman din nila iyong paghihirap ng consumers.

"Na sana, iano nila iyong prices nila, para naman ka-afford-afford lalo na sa sitwasyon ngayon..."

Hiling ni Arnel, "I hope na matapos na itong pandemic, para lahat tayo, makapag-move on."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnel Pineda's message for fellow Filipinos: "Gusto ko na iyong mga makakarinig ng kantang ito, malaman nila na kahit sa maliit na paraan nila, e, puwede silang maging Santa Claus, o maging kaibigan ng isang nangangailangan, lalo na sa panahong ito."
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results