Myrtle Sarrosa's concert finally pushing through: "Walang audience"

by Nikko Tuazon
Nov 26, 2020
Myrtle Sarrosa concert, Myrtle Sarrosa
Former Pinoy Big Brother housemate turned Kapuso talent Myrtle Sarrosa will sing on her 8th anniversary virtual concert titled MYRTLE: Still Love Me this Saturday, November 28, 2020.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram

Laking tuwa ng Kapuso talent na si Myrtle Sarrosa dahil sa wakas ay matutuloy na ang kanyang first major concert sa November 28, 2020, Saturday.

Mapapanood ang MYRTLE: Still Love Me sa ticket2me.net

Nitong Lunes, November 23, ginanap ang digital press conference ni Myrtle kung saan ibinahagi nito ang mga performances na dapat abangan ng kanyang mga fans.

Ayon kay Myrtle, perfect ang titulo ng kanyang 2016 song "Still Love Me" para sa kanyang virtual concert.

Paliwanag nito, "Iyong 'Still Love Me' kasi is one of the songs that I wrote back in 2016 for my Now Playing album.

"Sa album kasi na iyon, I wrote all of the songs together with Jonathan Ong and Brian Lotho. So all the songs, I wrote.

"'Tapos iyong 'Still Love Me' kasi, iyong story niya is, would you still love me despite all the changes?

"And since it's my 8th year sa industry, naisip ng director namin parang, 'Maganda iyong title ng song na ito, maganda iyong lyrics niya. Why don't we title your concert as Still Love Me since this is your 8th year in the industry?'

Continue reading below ↓

"And sa lahat ng changes, from management to... kasi ako, you've seen me in cosplay, acting, and then performing, singing, songwriting. 'Tapos nag-aral ako, nag-student ulit.

"So parang people still love me despite everything that I did in my career, may it be good choices and bad. So iyon iyong naging title."

Continue reading below ↓

MYRTLE'S FIRST MAJOR CONCERT

April dapat gaganapin ang kanyang concert sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan City, ngunit dahil sa pandemya ay na-postpone ito.

Very involved si Myrtle sa planning stage lalo't ito ang kanyang first major concert.

Aniya, "Siguro seventy perecent of the songs, more than half of the songs, compositions ko."

Aminado si Myrtle na hindi siya kumportableng katahin ang sarili niyang mga kanta sa stage. Ngunit natutuwa ito dahil malaki ang tiwala ng production team niya sa kanya.

Bahagi ni Myrtle, "Nung nag-start kami, iyong goal talaga, iyong gusto talaga ng production team and everyone, they wanted to hear me sing my songs.

"'Tapos ako pa mismo iyong parang, 'Ay talaga ba? Sure kayo gusto niyo pakinggan iyong mga songs na sinulat ko?

"Kasi before, parang medyo... iyong confidence ko sa sarili kong writing, I was a little bit scared to perform it live..."

Patuloy nito, "Pero they really believed in me and then sabi ko, 'I wil do my best for this.'

Continue reading below ↓

"Almost all the songs, except for one to two songs, ako talaga iyong pumili from my album and from my favorite songs na pinapakinggan during the pandemic.

"So very involved talaga ako and iyong team ko, from my managers to my styling team, dun sa mga pinili naming kanta sa line-up."

Bukod sa kanyang mga kanta, may mga covers din na gagawin si Myrtle.

"Meron din kaming mga K-pop covers 'tapos meron din kaming mga TikTok, mash-up ng iba't ibang nag-trend sa TikTok so masaya iyong magiging dance numbers namin."

Bukod sa kanyang mga performances, excited din si Myrtle na makita ng kanyang fans ang mga outfits na kanyang susuotin sa concert.

"Iyong concert na ito is not just focusing on sexy, but it's more on style, look, fashion. Because fashion-wise, ito ata iyong pinaka-stylized na concert na gagawin ko.

"It's not just about cosplay but it's about having that certain look and fashion na trinanslate ng stylist ko na si Jannostyles. Sobrang ganda ng mga looks namin dito."

Continue reading below ↓

CHALLENGES

Marami ring pagsubok ang dumaan kay Myrtle at sa team nito bago natuloy ang kanyang virtual concert.

Bukod sa pagkaka-postpone dahil sa pandemya, isa sa mga major challenges na kinaharap ni Myrtle ay ang magperform sa stage nang walang tao.

Kuwento nito, ""Bawal iyong magkaroon ng physical audience so... In advance kasi, na-book na iyong venue, iyong Teatrino.

"So supposedly, dapat ano talaga siya physical concert that was supposed to happen last April.

"So ngayon, we're pushing through with the concert. Sa Teatrino pa rin pero this time around, walang audience.

"So iyong pinaka-challenge for this is performing without the cheers of the crowd na talagang... Sa akin kasi iyon iyong fuel ko kapag nagpe-perform ako... Iyong energy mo kasi talagang nanggagaling sa audience e.

"So ngayon, the challenge is to perform without having those people in front of you and to perform thinking na they're watching you in front of the screen."

Continue reading below ↓

Problema sa Internet din ang kanilang inisip kaya napagdesisyunan nila na gawin na lang taped as live ang kanyang concert.

Bukod sa mga ito, ang manpower din ang isa sa mga problema na kanilang kinaharap.

Aniya, "Kailangan namin i-limit talaga iyong tao sa venue so lahat ng tao dapat nakapag-swab test, lahat healthy.

"And kailangan iyong isang tao, multiple work iyong gagawin e para to make it happen. Iyon iyong naging challenge sa amin, iyong parang hindi lang isa iyong trabaho mo, pero marami."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate turned Kapuso talent Myrtle Sarrosa will sing on her 8th anniversary virtual concert titled MYRTLE: Still Love Me this Saturday, November 28, 2020.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results