Jaya wants Basil Valdez to join her 2015 concert

Jaya is already preparing for her birthday concert to be held by March 2015.



Noong 2014, nag-celebrate si Jaya ng kanyang 25th anniversary at naging usap-usapan ito dahil sa panonood ng K-pop star na si Sandara Park.

Ito ay nagsilbi rin bilang isang birthday celebration ni Sandara habang nandito siya sa Pilipinas.

(View photos: Sandara Park celebrates 30th birthday at Jaya concert)


Sa pagsisimula ng taong 2015, ano ang aabangan ng mga tagahanga ni Jaya mula sa kanya?

“Magbu-bold ako!” biro ng Soul Diva.

“I think I’ll be having more shows. Sa March meron kaming pinaplano.

“Naka-set na kasi ‘yong date, but nakabinbin siya.

"Gusto namin na isabay ‘yong album with ‘yong shows kasi ‘yong March, birthday month ko.

"And my manager thought, 'Sige after ng 25 years [anniversary niya sa showbiz], ituloy na natin sa birthday mo.'

“Hindi talaga ako mahilig mag-celebrate ng birthday through mga show-show na ganyan.

“Kaya magkakaroon ako ng concert. For two nights po ‘yon.

“And I think what we’re doing, ‘yong album na gagawin is going to be given to those who will watch the show.

“So you’ll buy a ticket, but you’ll also get a free CD.”

Sa March 21 ang birthday ni Jaya, pero hindi pa siya sigurado kung ‘yong concert niya ay gagawin sa 27 at 28 ng buwan na iyon.

May venue na kung saan gaganapin ang kanyang concert?

“Opo. Pero i-hold ko muna kasi hindi ko sure… baka ilipat sa iba.”

Sino ang possible guests niya sa kanyang concert?

“Ako, wish guest ko talaga, si Mr. Basil Valdez.

“Ang dami ko kasing naiisip for the show… may isang number na sayaw lang at wala akong kakantahin.

“So I’m thinking of who to guest for the dance number, ipaplano muna namin."

Gusto raw niya talagang makasama si Basil dahil isa raw ito sa mga iniidolo niya sa local entertainment.

“Kasi nga ‘yong boses ko, mababa, 'di ba? So lahat ng napapakinggan ko no’ng '70s, lalaki.

“But isa pa lang siya. Of course, marami pang ibang puwedeng i-include sa show pero for now, siya ‘yong isa sa mga naiisip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN