Karylle, Parokya Ni Edgar, Rico Blanco, Sponge Cola, MYMP, Sitti to headline Rock That Love concert in Abu Dhabi

The Rock That Love concert will be held on February 13 at du Arena, Yas Island, Abu Dhabi.



PRESS STATEMENT:

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magaganap ang kakaibang Filipino concert sa UAE na tinaguriang Rock That Love ngayong darating na Araw ng mga Puso.

Ayon sa pamunuan ng Zoom Artistic, na siyang bumuo ng konsepto at producer ng event, ang concert ay laan para sa daan-daang libong Pilipinong nakatira hindi lamang sa UAE, kung hindi gayundin sa mga mahilig sa Pinoy music sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kakaiba ang naturang event na gagawa ng kasaysayan sa Middle East bilang kauna-unahang concert na gaganapin sa February 13 sa du Arena, Yas Island, Abu Dhabi, kung saan mga sikat at naglalahikang dayuhang international artists pa lamang ang nakapagtatanghal, katulad ng The Rolling Stones, Justin Timberlake, at Kanye West.

Isang malaking karangalan na maihanay ang pangalan ng mga Pilipinong magtatanghal sa mga nabanggit na kilalang foreign artists.

Kabilang sa magpapaligaya at magbibigay aliw sa kanilang mga tagahanga ang Parokya Ni Edgar, Rico Blanco, Sponge Cola, MYMP, Sitti, at Karylle. Bukod sa pagtatanghal, may mga palaro at iba pang recreational activities na tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya.

Ayon kay Amgad A. Wahba, Zoom Artistic General Manager: “Ang concert na ito ay bahagi ng kagustuhan naming makapagbigay aliw sa mga Pilipino dito sa Middle East, kung saan malaki rin ang naibahagi nila sa paglago ng mga bansang nandito sa panig na ito ng mundo. Alinsunod na rin sa pamantayan ng Zoom Artistic, kami ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga at importansya unang una sa tao, sunod lamang ang negosyo. Hangad namin ang concert na ito ay makapagbigay ng lubos na kasiyahan sa mga Pilipino.”

Ang Rock That Love ay bukas din para sa ibat-ibang lahi na tiyak na magugustuhan ang performances ng mga sikat na Pinoy artists sa concert na ito. Kilala sa buong mundo ang mga Pilipino bilang mahuhusay na mga mang-aawit.

Ang Zoom Artistic ay isa sa pinakasikat na event producers sa Middle East, North and South Africa, Europe at Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga mauunang bibili ng mga tickets, AED145 (FanZone) at AED55 (General Admission) ang presyo; matapos ang ilang araw ay magiging regular price na ito.

May mga limitado ring VIP tickets na may espesyal na pribilehiyo para sa mga may hawak nito. Maaring bilhin ang tickets sa www.ticketmaster.ae. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official website ng event sa www.rockthatlove.com or sa facebook page nito: Rock That Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN