Regine Velasquez aware her "voice is not the same as before"; not giving in to insecurities

by Rommel Gonzales
Feb 11, 2021
Regine Velasquez: "As you get older pala, you get insecure, you feel the insecurity na because, of course, you're not the same anymore, and my voice is not the same as before..."
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram

Maituturing na isang icon at haligi ng showbiz industry si Regine Velasquez.

Sa estadong ito ng kanyang buhay, mayroon pa ba siyang kinakatakutan?

"Asawa ko lang," pagbibiro ni Regine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media noong January 26, 2021 sa mediacon para sa kanyang na-postpone na digital concert, Freedom.

Seryosong sagot naman niya sa tanong, wala raw siyang kinakatakutan noong kabataan niya.

Aniya, "Hindi, siguro... actually when I was younger mas wala akong kinakatakutan. Di ba ganun pag bata ka, kasi feeling mo invincible ka, e.

"Alam mo iyon, when you're younger, we all think we can do anything and everything, and you know, I was the same.

"Kaya iyong mga kanta ko noon parang... hindi ko pinapraktis, pero sige lang, banat lang ako nang banat."

Now 50 years old, kahit pa ang dami niyang hit songs at sold-out concerts, aminado ang Asia's Songbird na malaki ang ipinagbago ng kanyang sarili, maging ang kanyang boses.

Continue reading below ↓

Pagpatuloy ng Kapamilya star, "...as you get older pala, you get insecure, you feel the insecurity na because, of course, you're not the same anymore, and my voice is not the same as before.

"My body is not the same, my face, everything is not the same, so you feel now all the insecurities. And that's normal.

"Siguro, sa akin lang is to accept what I have become now."

Tanggap niya ang mga pagbabago, at hindi niya hinahayaang makaapekto ang mga ito sa kanyang trabaho.

"And, I mean, I worked so hard, more than thirty years I've been in this business so I should be a litte bit of... ma-proud naman ako sa sarili ko nang konti, alam mo iyon?

"Kasi parang meron naman din akong na-achieve."

HOW REGINE VELASQUZ TAKES care of her voice

Kilala bilang belter na kayang i-sustain ang matataas na notes, paano pinangangalagaan ng Songbird ang kanyang boses?

Continue reading below ↓

"By just using it!

"You know after I gave birth I had such a hard time singing because you know, when you're a woman, you go through changes, our body goes through changes, you know.

"We have hormones to deal with and that affects the voice, and emotionally also it affects us. And when you're emotionally affected by all these things that are happening, kasama iyong boses mo.

"Maarte yung boses, e. But I have to just remember that it's a muscle, it's part of our body, it's a muscle, that if you keep using it, then it will be okay, you know. Kasi the more you use it, the more you stretch it, mas nagiging powerful siya."

Kaya naman, taun-taon ay may concert ito. Bukod pa rito ang weekly performances niya sa ASAP Natin 'To.

Ang sabi pa ni Regine, "And, of course, experience has a lot to do with it also, being able to be given the chance to actually perform onstage, iba yung experience, e, iba yung naibibigay sa iyo, iba yung naituturo ng experience sa iyo. And that's it!

Continue reading below ↓

"Na-realize ko nga recently lang na all I have to do really is just keep singing. And now I'm not having such a hard time singing.

"Minsan-minsan, because of my acid reflux minsan medyo hirap, pero parang hindi ko na lang pinapansin. Basta kanta lang ako nang kanta."

Kaya ang maipapayo niya sa mga katulad niyang singers, "If you have the talent for singing, just use it. Keep using it and it'll stay with you forever.

"That's all you have to do, that's how you preserve it.

"And, of course, the right technique, trying to take care of yourself, eating the right food, mga ganun lang naman."

Kahit nga raw wala siyang concert o show, hindi siya tumitigil sa pagkanta. Ito rin ang payo ng asawa niyang si Ogie Alcasid.

"Sabi nga ng asawa ko, 'Huwag kang humintong kumanta.' If you wanna lie low, you can lie low, but don't stop singing. If you don't wanna do concerts anymore because maybe there will come a time that you will be tired of it,' siyempre age has a lot to do with it, nakakapagod din talagang mag-concert.

Continue reading below ↓

"But he said for me not to stop singing. Sing pa rin, kahit hindi na concert, kahit mag-recording lang, iyong mga ganun.

"At saka nowadays kasi ang daming platform, puwede kang kumakanta-kanta lang kahit saan-saan," at muling tumawa ang Asia's Songbird.

"So iyon lagi ang pinapayo niya sa akin, just don't stop singing. 'Tsaka sayang naman, this is God's gift to me, and I'm supposed to share it with everyone."

Na-postpone ang Freedom concert ni Regine na dapat sana ay mapapanod via livestreaming sa February 14 (8 pm, Manila time). Nagkaroon raw kasi siya ng contact sa isang COVID-19 patient, kaya kailangan niyang sumailalim sa quarantine.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez: "As you get older pala, you get insecure, you feel the insecurity na because, of course, you're not the same anymore, and my voice is not the same as before..."
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results