Anne Curtis, James Reid, other celebs react to French dance duo Daft Punk’s split up

by Jet Hitosis
Feb 23, 2021
Anne Curtis, James Reid, Daft Punk split up
Actress-TV host Anne Curtis (left) and actor-record producer James Reid (right) are among the Filipino celebrities who posted their reactions on social media on February 23, 2021 following the split up of French electronic dance duo Daft Punk (center) after 28 years of global success.
PHOTO/S: @annecurtissmith, @james on Instagram

Ikinalungkot ng ilang Filipino celebrities ang pagkakabuwag ng French electronic dance duo na Daft Punk makalipas ang 28 taon ng matagumpay nitong career.

Taong 1993 nang binuo sa Paris ng kapwa French musician-songwriter-DJ na sina Guy-Manuel de Homem-Christo at Thomas Bangalter ang Daft Punk.

Nakilala sa kanilang computerized vocals at sa pagsusuot ng robot headgear at gloves, bihirang magpa-interview ang Daft Punk.

Mailap din sila maging sa live guestings.

Sa nakalipas na halos tatlong dekada, tumanggap na ng napakaraming Grammy Awards ang duo, na kinikilalang isa sa most influential acts sa dance history.

Mga kumbinasyon ng funk, techno, disco, rock, at synthpop ang kanilang musika.

Ang Daft Punk ang nagpasikat ng mga kantang “Around The World,” “One More Time,” “Digital Love,” at “Get Lucky.”

DAFT PUNK BREAKS UP AFTER 28 YEARS

Nitong Lunes ng gabi, February 22, inanunsiyo ng Daft Punk ang pagkabuwag ng duo sa pamamagitan ng isang eight-minute video na napanood sa kanilang YouTube channel.

May titulong “Epilogue” ang video, kung saan makikitang si Thomas ang piniling huwag nang magpatuloy sa journey nila bilang music duo.

French dance duo DAFT PUNKThomas (left) and Guy-Manuel (right) of Daft Punk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma naman sa media ni Kathryn Frazier, publicist ng Daft Punk, ang pagreretiro ng duo.

Hindi sinabi ni Frazier kung bakit nabuwag ang Daft Punk dahil wala na itong ibinigay na iba pang detalye.

ANNE TAGS FRIENDS WITH DAFT PUNK’S HIT SONG

Ngayong Martes, February 23, nagkani-kanyang post sa kanilang Instagram stories sina Anne Curtis, James Reid, Luis Manzano, Georgina Wilson, at Sarah Lahbati bilang reaksiyon sa pagkabuwag ng French music duo.

Si Anne, 36, ipinakitang nasa Spotify playlist niya ang ilang kanta ng Daft Punk.

Para sa Story ni Anne tungkol sa kantang “One More Time,” tinag ng actress-TV host ang ilan niyang kaibigan, kabilang sina Luis, Cheska Garcia-Kramer, Danica Sotto-Pingris, Antoinette Taus, at Liz Uy.

Caption ni Anne (published as is): “Reminds me of our youth! So many good memories come with this song!

“We won’t stop-ah! You can’t stop-ah!”

anne curtis smith reacts to daft punk split up

Sa isa pang Story, sinabi ni Anne na ang “Digital Love” talaga ang “ultimate fave” niya sa lahat ng Daft Punk songs.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“…and a staple on my ipod playlist and will remain a staple on my feel good playlist!”

Tinag ni Anne ang Daft Punk sa mensahe niya—na nasusulat sa French—para sa duo: “Merci pour la musique @daftpunk.”

Sa English, ang sinabi ni Anne sa Daft Punk ay “Thank you for the music.”

anne curtis smith thanks daft punk for their music

ONE OF JAMES'S "GREATEST INFLUENCES"

Itinuturing naman ni James na "greatest influences" ang Daft Punk sa kanyang musika.

Sa Instagram, ibinahagi ng Filipino-Australian actor-singer ang litrato ng French duo.

Caption ni James: "1993-2021 [crying face emoji]

"@daftpunk has been and still is one of my greatest influences. #daftpunkforever"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LUIS, GEORGINA, SARAH REACT

Si Luis, 39, ini-repost ang Story ni Anne tungkol sa Daft Punk hit na “One More Time.”

Sang-ayon si Luis kay Anne na maraming memories ng kanilang kabataan ang iniuugnay nila sa nabanggit na hit song ng Daft Punk.

Sabi ni Luis: “SOBRAAAAA”

luis manzano reacts to daft punk split up

Si Georgina, 35, nasa Instagram Story ang litrato ng Daft Punk na magkatabi sa pagkakaupo.

Makikita ang isang broken heart emoji sa gitna ng duo.

georgina wilson reacts to daft punk split up

Si Sarah, 27, ipinost ang isang makulay na art card para sa Daft Punk.

May one-word caption iyon na “MERCI,” French word na ang ibig sabihin ay “thank you.”

sarah lahbati reacts to daft punk split up

MORE GUIDE STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-TV host Anne Curtis (left) and actor-record producer James Reid (right) are among the Filipino celebrities who posted their reactions on social media on February 23, 2021 following the split up of French electronic dance duo Daft Punk (center) after 28 years of global success.
PHOTO/S: @annecurtissmith, @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results