Richard Yap hopes to do action scenes in his upcoming project

Richard Yap on what he wants to achieve this 2015: “I’m hoping to do more things this year. Hoping to do things that people have never seen me to do. Hopefully, it will be a lot of surprises to a lot of people.”


Isa sa kapansin-pansin kay Richard Yap ay ang bagong look nito. Ayon sa 47-year-old actor, nagustuhan lang daw niya na palitan ang mahigit sa dalawang taon na niyang hairstyle.

Nakita si Richard ng PEP at ibang members of the press noong January 21 sa Blackbird restaurant, Makati City kunsaan ginanap ang launch ng pabangong ipinangalan sa kanya ng isang isang bansag na direct-selling company.

Paliwanag pa ni Richard, “I just got tired of my old hair that I’ve been supporting for the past two, three years so I felt na it’s time for a change.”

Parte rin ba ito ng kanyang paghahanda para sa kanyang susunod na teleserye?

Tugon ni Richard, “Not really, we’ll be doing another teleserye [next month].

“But nothing’s been finalized yet, so we’re still finalizing the cast…”

Sa ngayon, wala pa munang ibang detalyeng binigay si Richard sa press tungkol sa kanyang upcoming project ngunit ayon sa aktor, mas seryoso ang teleseryeng kanyang kabibilangan.

Aniya, “Well, we might be doing a little bit more serious this time.

“But not too serious, you know.

“Just a little bit more than [Be Careful With My Heart].

“And we might be doing a little bit more action, maybe… hopefully…”

Dagdag pa niya, “We’ll try a little bit of everything.”

Umaasa si Richard na marami siyang magawa ngayong 2015, lalo na ang mga bagay na hindi pa nakikita ng mga tao sa kanya.

Sabi niya, “I’m hoping to do more things this year.

“Hoping to do things that people have never seen me to do.

“Hopefully, it will be a lot of surprises to a lot of people.”



CONCERT WITH AI-AI. Kahit na naka-bakasyon, naging busy rin si Richard sa kaliwa’t kanang concert sa pagbubukas pa lang ng taon. Nitong nakaraang January 16, isa si Richard sa mga special guests ni Toni Gonzaga sa kanyang Celestine concert tour sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, pinaghahandaan naman niya ang kanyang susunod na concert dahil makakasama siya ni Ai-ai delas Alas sa AI ♥PAPA concert na gaganapin sa February 12.

Muling mapapanood ang dalawa na magkasama sa isang proyekto matapos silang magtambal sa Kapamilya drama series na My Binondo Girl.

Hindi pa alam ni Richard ang kanyang mga gagawin sa concert ngunit sinabi nitong siguradong kaabang-abang ang mapapanood ng kanilang mga tagahanga.

Sabi niya, “I don’t know what her plans are but we actually haven’t had the chance to rehearse yet.

“We’ll know when the show is there."

Handa naman kaya siya sa mga gagawin sa kanya ni Ai-ai sa concert?

“We know each other so I don’t think na I’ll be surprised."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN