Xian Lim happy that his second album is going gold after his first went platinum

With his two records selling well and after proving his talent for dubbing in the British animated movie Paddington, Xian Lim admits there is an area in his career as an artist he is not ready to explore yet, which is moving to sexy, daring roles. "Not now, para sa akin hindi, hindi pa talaga," he says.



Boses ni Xian Lim ang ginamit sa British animated movie na Paddington kung saan tinig niya ang magbibigay buhay sa karakter ni Paddington Bear.

Masaya naman ang aktor dito dahil ine-enjoy niya talaga ang pagda-dub.

“Nakakatuwa din dahil it’s very different from what I am doing.

"Tulad ng ibang Star Cinema movies na nagagawa ko, hilig ko talaga ang mag-dub, yun ang mga nae-enjoy ko talagang gawin.

"Sabi nga nung dubbing supervisor na si Tita Pet, sa kanya lang talaga ako nagpapa-supervise, nakakatuwa ang passion ko for dubbing.

"Nakakatuwa din na may dumating na ganitong blessing na very sakto kasi love ko ang mag-dub, so heto na.

"I am a bear, Paddington Bear, dapat abangan nila, February 11 yun.”

Kung si Xian ang magbibigay boses kay Paddington bear, nauna na ring nabalita na si Kim naman ay si Mulan sa calendar ng Disney Southeast Asia for 2015. Bagay na para kay Xian ay bago para sa kanila.

“Oo nga, e, it’s something different that people should look out for.

NOTHING SEXY. Nang tanungin si Xian kung kaya ba niyang gumawa na ng mga sexy, mature and daring roles, sinabi nitong hindi siya nagsasarado sa posibilidad pero sa ngayon ay hindi pa talaga siya handa.

“Ay, not now, para sa akin hindi, hindi pa talaga.

"Siguro hindi ko pa masyadong ma-imbibe yung thought na yun.

"I mean, to do it kailangan 100 percent na sigurado ka.

"Mayroon pa akong apprehension na kaya ko ba talaga ito?

"Siguro in the future, 'di mo rin naman masabi.”

Nung Linggo sa ASAP XX ay pinagkaloob kay Xian ang platinum award para sa album niyang So It’s You.

Masaya namang binalita sa amin ng actor/singer na papunta na rin ng gold ang kanyang second album under Star Records titled XL2.

“I’m very excited dahil dahil sa hirap ng mga promotion na ginagawa namin... now it’s hard to sell CDs because of so many factors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga fans, supporters for buying and supporting So It’s You.

“I’ve always wanted it pero 'di ko naman ini-expect.

"Siyempre nandun yung wish na sana dumating ako sa point na ganito, but the feeling is really great to have the award.

XL2, the album, is out now. Malapit na rin siyang mag-gold so tinotodo namin yung promotion, mall tours din for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN