Nasser Amparna releases "Tamang Panahon" 6 years after writing it for AlDub

by Rose Garcia
Mar 18, 2021
The "Tamang Panahon" for Nasser Amparna to release the song he wrote for AlDub is 2021, six years after the tandem of Alden Richards and Maine Mendoza was born.
PHOTO/S: PR

Base sa title ng kanyang bagong album na Right Time, naniniwala si Nasser Amparna na nasa tamang panahon ang lahat ng nangyayari.

"Pakiramdam ko, right time kahit na pandemya," nakangiti niyang pahayag nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"“Dapat talaga last year ito, but everything halted, parang tumigil… so sabi ko, 'Okay, it’s not the right time to release the music. Nagkakagulo ang mundo. Hindi mo alam ang mangyayari,'" dagdag niya.

Bago ang pandemic, habang siya ay nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Singapore bilang lab specialist, nakapagrecord si Nasser ng ilang Original Soundtracks (OST) ng mga Thai at Korean drama na umere sa GMA-7.

Ilan sa mga na-record niya ay ang “Your Love” ng Princess Hours, “Through the Rain” ng Ways of Life, “The One that you Love” ng Mr. Sunshine, “Chasing Cars” ng I Am Not A Robot, at ang OST ng BL serye na Gameboys.

Naging abala din siya sa pagpaplano para sa kanyang album.

Continue reading below ↓

Aniya, "“Plinano po namin ito, 2019, umuwi ako sa Philippines at nagkaroon din ako ng mini-concert sa SM Edsa.”

Matapos ang ilang buwan, noong November 2020, napagdesisyunan na raw na ituloy nila ang album at iri-release nga ng February. Kaya nag-record na lang daw siya sa loob ng kuwarto niya sa Singapore.

Ayon pa kay Nasser, “Ang goal po kasi namin, makapagbigay kami ng saya, inspirasyon. Na kahit na may ganitong situwasyon, every day or kung anumang araw, puwedeng maging tamang panahon sa iyo if you’re in your right mind, right perception.”

Kari-release lang ng kanyang album noong March 5, 2021.

NASSER AMPARNA'S "TAMANG PANAHON" SINGLE WAS INSPIRED BY ALDUB

Mismong si Nasser ang sumulat ng carrier single niya na "Tamang Panahon." Love song daw ito na pang-masa at masarap pakinggan.

Taong 2015 pa raw niya ito isinulat na ang naging inspirasyon niya ay ang phenomenal love team na “AlDub” nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Continue reading below ↓

“Inspirasyon ko noon is AlDub. Kung makikita niyo yung papel ko, nandoon yung timeline kung ano ang sinasabi ni Alden kay Maine.

“'Tapos, minessage ko noon si Alden sa Facebook. Sabi ko, 'Bro, meron akong song para sa inyo ni Maine.' I got inspired by AlDub na tamang panahon at hindi pa sila nagkikita noon. 'Tapos sabi ni Alden, maganda siya.”

Nag-submit din siya nang magkaroon ng pa-contest ang Eat Bulaga! para sa AlDub.

Pero ayon kay Nasser, “Siguro sa sobrang dami ng nag-submit, hindi napansin ang song ko. Kaya sabi ko, siguro hindi talaga iyon ang tamang panahon.

"Itinago iyong song, parang na-shelve. Wala pa ako sa Curve Entertainment noon.

"Hanggang sa dumating ang pagkakataon na nag-reach out sa akin ang Curve Entertainment through Tito Joey Abacan [GMA-7 executive]."

NASSER AMPARNA ON PINOY POP

Sa mga hindi nakakaaalam, si Nasser ay dating kilala sa pangalang Jang Seung Ri bilang lider ng P-Pop group na “Down To Mars.” Pero nang ma-disband ang grupo nila, nagbakasyon si Nasser sa Singapore.

Continue reading below ↓

Pero hindi raw niya akalaing na dito na siya magtatrabaho sa loob ng pitong taon.

Hindi na rin daw niya inaasahan na magkakaroon siya ng second chance sa mainstream music industry.

Ayon kay Nasser, “Noong time na ma-disband kami, parang for almost first two years na nag-stay ako sa Singapore, tahimik lang po ang buhay ko.

"Pero, hindi ako tumigil sa pagkanta. Hindi ako nakakanta sa mga places dito dahil iyong working visa ko, iyong employment ko ngayon. Pero iyong YouTube ang naging platform ko.

“Sabi ko nga, kapag hindi ka pala tumigil sa passion mo, magkakaroon ng bunga, darating at darating ang tamang panahon.”

Ano ang maipapayo ni Nasser sa mga bagong P-Pop o bumubuo ng mga Pinoy Pop group ngayon, bilang isa ang Down To Mars na pioneer ng ganitong genre?

Aniya, “Sana aralin nila ang XLR8 at Down To Mars kung ano iyong pagkukulang namin dati. At makikita nila iyon, kasi open to the public naman ang buhay namin as Down to Mars and XLR8.

Continue reading below ↓

“Ang advice ko lang sa kanila, kung papasok sila sa pagiging boy band nila, work harmoniously, huwag solo. Kasi, kapag nag-solo ka at feeling mo ay ikaw ang pinakamagaling, mag-solo ka, huwag kang mag-grupo. At huwag kang mabubulag sa spotlight as solo, magiging kabuwagan na iyon ng grupo niyo.”

At sabi pa niya, “Lastly, stay away from the perception na K-Pop wannabes kayo. Patunayan niyo at mag-incorporate kayo ng kultura natin. Mas maganda kung makikilala ang P-Pop as P-Pop talaga, Pinoy Pop.”

NASSER AMPARNA ON LIVING IN SINGAPORE AMID COVID-19 PANDEMIC

Sa March 19, magkakaroon si Nasser ng virtual album launch concert at 8 p.m. sa kanyang YouTube channel na Nasser Amparna.

Sakaling matapos na ang pandemya, mananatili pa rin ba siya sa Singapore at pauwi-uwi lang ng Pilipinas, o magpu-full time na siya sa pagiging recording artist?

“Palagi akong ine-encourage ng mga taga-GMA at mga taga-Curve na umuwi na ko kasi, 'you have a career here,'” lahad niya.

Continue reading below ↓

“Pero ako naman, ang mindset ko, slowly but surely. My mom is aging, maraming kailangang maintenance, maraming kailangang pagka-gastusan. Hindi lang iyong parents ko, kapatid ko rin.

“It’s a very challenging decision for me. Kumbaga, passion or family mo or reality. And na-realize ko rin na I’m not getting any younger. Maraming batang sumisibol and I had my time. Blessing na lang din talaga sa akin na tinatangkilik pa rin ang pagkanta ko at naa-appreciate pa rin ako ng GMA at mga tao.

“Siguro, I’m being practical na rin. Gusto kong mag-fulltime, pero babalansehin niyo po kasi, so, sacrifice pa rin tayo.”

Para kay Nasser, kahit na mahigit isang taon na siyang hindi nakakauwi ng Pilipinas at nakakasama ang kanyang pamilya, itinuturing pa rin niyang “blessing” na nasa Singapore siya ngayong may pandemic.

“Sobra-sobra po,” saad niya.

“Nagbabasa naman tayo ng mga news sa mga nangyayari at alam nating ang daming nangyayari sa Pilipinas ngayon.

Continue reading below ↓

"Dito kasi sa Singapore, sobrang safe at nasa tao rin naman po. Sobrang disiplinado ng mga tao rito. Sumusunod talaga sila sa mga protocols at alaga talaga sila ng gobyerno nila.

“Hindi lang mga locals, hindi lang mga Singaporeans, pati rin po mga foreign workers, inaalagaan nila rito. Kaya nga po libre rin ang vaccine namin dito.”

Working visa lang daw ang status niya sa Singapore sa loob ng ilang taon. Bilang graduate ng Pharmacy sa University of Santo Tomas ay licensed pharmacist siya sa Pilipinas, at ngayon naman ay nagta-trabaho naman siya bilang lab specialist sa Singapore,

Maipapayo niya ba sa mga Pinoy ang magpabakuna—kahit na ang brand ng vaccine ay ang galing sa China na sinasabing may 50.4% efficacy rate lang?

Ayon kay Nasser, “I’ll [say this] as a pharmacist. Whatever vaccine is at hand, pwede mo siyang gamitin. Whatever vaccine is available.

"Kasi, the vaccine itself, kahit anong vaccine pa iyan, meron at meron iyang side effects. Like sakit sa ulo, you’re gonna have fever, body ache, kasi effect ng vaccine iyon.

Continue reading below ↓

"But like for example, hihintayin mo ang Pfizer, out-of-stock ang Pfizer ngayon, hihintayin mo pa iyon, ie-expose mo iyong sarili mo. Iyong sa Sinovac, takot ka dahil 50% lang ang efficacy, pero iyong 50% na iyon will protect you from getting the worst effect ng COVID.

"So, might as well, take it kesa sa wala.”

Sabi pa niya, “Iyong sa Pfizer kasi, hindi rin naman pwedeng mag-mass produced, mahirap.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The "Tamang Panahon" for Nasser Amparna to release the song he wrote for AlDub is 2021, six years after the tandem of Alden Richards and Maine Mendoza was born.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results