Ian Veneracion reveals A Love To Last stint made him love doing concerts: “Kumapal na yung mukha ko kumanta in public.”

by Jet Hitosis
Mar 22, 2021
Veteran actor Ian Veneracion (in photo) says he feels "so welcome in the music industry" because singer-songwriter Ogie Alcasid has been very supportive of him as a concert performer. Ogie and Ian will share the virtual concert stage via Virtually Yours, KilaboTitos on Friday, March 26.

Tuluy-tuloy ang concert performances ni Ian Veneracion kahit na may pandemya.

October 2020 nang huling mapanood kumanta nang live ang 46-year-old actor-singer nang magkaroon siya ng guest appearance sa APOLLO all-digital concert ni Daniel Padilla.

At sa Biyernes, March 26, 8:00 ng gabi, muling sasabak si Ian sa virtual concert stage.

Sa pagkakataong ito, kasama ni Ian ang veteran singer-songwriter na si Ogie Alcasid, 53, sa digital concert nilang Virtually Yours, Kilabotitos.

Kung aminado si Ian na isa si Ogie sa mga music artists na iniidolo niya sa industriya, kumpiyansa naman si Ogie sa music artistry ni Ian.

Sa katunayan, si Ogie ang nag-produce ng sophomore major concert ni Ian, ang IAN: In Color, noong July 2019.

Ang entertainment at artist management agency ni Ogie na A Team ang producer ng Virtually Yours, Kilabotitos.

IAN THE MUSIC ARTIST

Sa press conference ng Virtually Yours, Kilabotitos kamakailan, sinabi ni Ian na naging maginhawa ang pagpasok niya sa music industry dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng mga beteranong tulad ni Ogie.

Continue reading below ↓

“I felt so welcome in the music industry,” sabi ni Ian.

Paliwanag ni Ian, bagamat likas sa kanya ang hilig sa musika, mas nakilala siya ng publiko bilang isang aktor.

“As you know, I’m an actor naman talaga,” sabi ni Ian sa entertainment press.

“I’m just trying out music because it’s something that I really love and something that I’ve enjoyed my whole life.”

Ayon kay Ian, matagal na siyang kumakanta at tumutugtog ng musical instruments, pero hindi raw niya ito ginagawa sa publiko.

“It used to be just for me, not for public performance. It took me a long time to have confidence to actually perform in front of live audience,” aniya.

“KUMAPAL NA YUNG MUKHA KO KUMANTA IN PUBLIC”

Pagbubunyag ni Ian, umalagwa ang kanyang pagiging musikero nang gawin niya ang Kapamilya teleseryeng A Love To Last.

Pinagbidahan ni Ian ang A Love To Last katambal ang aktres na si Bea Alonzo. Umere ang serye noong January 2017 hanggang September 2017.

Continue reading below ↓

“It’s because of A Love To Last, yung show namin ni Bea noon,” pag-amin ni Ian.

Para sa teleserye, kinanta nina Ian at Bea ang “A Love To Last A Lifetime,” ang soundtrack ng serye na orihinal na inawit ni Jose Mari Chan.

Nag-perform din sina Ian at Bea sa Love Goals: A Love to Last Concert sa Kia Theatre ng taong iyon.

“Napa-recording ako noon, napa-piano, and guitar, and stuff. Na-enjoy ko talaga.

“And I’m happy now. Ngayon nga, kumapal na yung mukha ko na kumanta in public!” natatawang sabi ni Ian.

Dagdag ng actor-singer, “Kasi dati hiyang-hiya talaga ako, [pero ngayon], I’m really enjoying it.”

IAN & OGIE: THE KILABOTITOS

Para sa Virtually Yours, KilaboTitos, sinabi ni Ian na repertoire na pang-“Tito” ang inihanda nila ni Ogie.

Tipong “reminiscing about the past” daw ang tema ng kanilang concert, na tatampukan ng musika ng dekada ’60 hanggang ’90.

Kabilang sa mga aawitin nina Ogie at Ian ang kanta ng The Beatles, The Police, Hall and Oates, nina Stevie Wonder, Michael Jackson, at iba pa.

Continue reading below ↓

Ogie Alcasid, Ian Veneracion in Virtually Yours KilaboTitosOgie and Ian

Dahil sa COVID-19 pandemic, isang taong ipinagpaliban ang Kilabotitos concert nina Ogie at Ian, na unang naka-schedule noong March 2020.

Gayunman, tuloy na tuloy na ang concert sa Biyernes, at mapapanood ito sa streaming website na KTX.ph.

Sa website rin makakabili ng etickets: PHP800 para sa General Admission, at PHP1,200 naman para sa VIP, kung saan mapapanood din ang behind-the-scenes ng concert.

Continue reading below ↓

Ang Virtually Yours, KilaboTitos ay presented ng A Team at Frontrow, kasama ang Katinko, PLDT, Pascual Lab, Potencee, C-Lium, Ascof Lagundi, Oracare, Conzace, BugisPH, at Fernandos Bakeshop.

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Ian Veneracion (in photo) says he feels "so welcome in the music industry" because singer-songwriter Ogie Alcasid has been very supportive of him as a concert performer. Ogie and Ian will share the virtual concert stage via Virtually Yours, KilaboTitos on Friday, March 26.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results