Martin Nievera admits: "Dati, crush ko si Regine. But I think, we're better off as friends."

Martin Nievera admits: "Dati, crush ko si Regine. But I think, we're better off as friends."


Nagkasama-sama na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha at Regine Velasquez sa mga shows o concert nila dito at sa ibang bansa, pero, sa Valentine’s concert pa lang nila na Ultimate magaganap na silang apat talaga ang magkakasama.

Pero sabi nga namin kay Martin nang makausap namin siya sa Luxent Hotel noong January 30 sa pocket presscon nila, sa rami na ng major concerts na ginawa nila dati, paano pa nila nakakaisip ng bagong offering para sa mga manonood?
“You’re right, Lani and I shared the Las Vegas trip. Regine and I shared many stages here and abroad. Gary and I, just last year but never the four of us. And Regine and Gary, Lani and Gary so it’s gonna be interesting to see how we put all together in one show,” pahayag naman ni Martin.
Dugtong pa niya, “Most people are predicting, kanya-kanyang hits, kanya-kanyang songs. But no—yung peg namin sa sound, maraming harmony, kunwari kumakanta si Regine, kaming tatlo, nagba-back-out. Halos lahat ng songs sa show, kasama kaming apat or duet, para iba naman. Para sulit ang ticket price niyo. Hindi yung halo-halo. Para makita niyong may konting effort naman.”
Sa February 13 & 14 ang Valentine’s concert nila sa MOA Arena at napaka-positibo na ng feedback sa pagsasama nilang ito.
“Actually, ang dami ng bumibili ng ticket, wala pa yung ticket,” saad niya.
Naniniwala ang Concert King na kapag nakita ng manonood na may bago sa puwede nilang ibigay, nagiging interesado ang mga ito.
“I think, lahat ng mga concert ticket buyers, OPM lover, nandoon pa rin sila. Pero, nao-overshadow ng social network, piracy. You have to give them something to want more. If you can’t keep feeding them good music, good show, concept that are better than the one before, kailangan may reinvention palagi.
“And this is one way of doing that, yung magsama-sama ang apat. I mean, everyone can do that, there’s Lea Salonga, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla. Wala kaming binibigay na kaming apat ang pinaka-okay, pinaka-best, no.”
Sabi pa niya, “Ito ang ultimate challenge to put four artists on stage na magkakasama ba silang apat? Imposible! So, that’s where you’re wrong. The impossible became possible, ‘di ba?”
Mula sa titulo ng concert nila, Ultimate, may ultimate challenge na magkasama sila sa stage at siguradong ang mga manonood, titingnan pa rin kung sino talaga ang pinaka-magaling sa kanilang apat.
“Hindi, puwedeng i-hashtag ang competition. Maganda ang competition, tulad ng McDonald's na katabi ng Jollibee. McDonald's needs Jollibee and Jollibee needs McDonald's.
“I need Gary. I don’t think I would be in demand or as in demand or has been, kung wala si Gary. I don’t know if he feels the same, but competition is very healthy.
“Lani and Regine are being compared all the time, that’s good. That’s healthy competition. Hindi yung sinisiraan mo. Nothing will go from hatred, nothing will go from inggitan. Meron kaming mga sariling fans but I think our fans have seasoned the way with us.”

SHARING TIPS WITH EACH OTHER. Dati raw, nag-aaway ang mga fans nila ni Gary. Pero ngayon, daw nagyayakapan na. Kung meron man daw, sa social media, pero, karamihan naman nagtatago sa mga fictional na pangalan.
Ayon pa kay Martin, “May nagsasabi pa na mas magaling si Gary sa ganyan o mas magaling si Martin, fine. At least, they are talking about us. As long as we know, where we stand with each other and we know we’re good friends, we compliment each other.
“I know where he’s better than me and I know, where I’m better with him.
“You know in ASAP, sa backstage, ako ang nagbibigay ng advice. Like, you know, kapag magbi-break ka ng commercial, you say like this or kapag magtatanong ka sa artista, you don’t say, I have a question for you, just ask the question.
“Gary has never been a host, I have always been the host. I’m not saying I’m the best, but I have a little years behind me than Gary so, he would be foolish not to listen to me.
“Now, in the form of productions or what music to attack, he’s the expert. I should listen to him.”
Bago ang Valentine’s Day ay magdiriwang muna si Martin ng kanyang kaarawan sa February 5.
Pero, hindi raw siya mahilig magpa-party.
“I don’t like celebrating, I can’t eat. I don’t enjoy. Beso-beso, yakap-yakap, tanggap ng gifts, biruan dito, biruan doon. I don’t need. I don’t enjoy. I pay for everything but I don’t get to enjoy it.”
Pero dahil ang kakambal daw niya, si Vicki ay nasa bansa ngayon, may party raw sila.
“Sa mga invitation, sinasabi ko, come to my sister’s birthday. Yung mga kakilala ko, sinasabi nila, ‘di ba, birthday mo rin? She cannot celebrate Filipino style kasi, e, nandito na siya.”

Pagdating sa personal na buhay, okay naman daw ito, hangga’t-maaari, gusto niyang maging pribado lang.
“I try to keep my personal life clean and as private as possible.”
Pagkatapos ng paghihiwalay nila ng dating asawa na si Pops Fernandez, nagkaroon siya ng panibagong relasyon, pero, mula noon, parang ginawa niyang pribado na talaga.
“Because kawawa naman yung babae, whoever I’m seeing, as long as I’ll gonna marry her, I won’t talk about her.”
May plano naman siyang magpakasal?
“No,” mabilis niyang sagot.
“I’m not good at marriage. I have no idea or I think, marriage should come to you, you shouldn’t come to it. I used to be good at it, I don’t know, I don’t know if it’s possible.
“I don’t know, it’s not in my vocabulary.”
Aminado naman si Martin na nakakainggit ang tatlong kasama niya ngayon sa Ultimate concert na lahat ay happily married.
“Ako lang ang hindi married sa four…”
At saka niya isinunod ang rebelasyon na, “Actually dati, crush ko si Regine. But I think, we're better off as friends. Sometimes ganun yun, e.”
Sa isang banda, wala na ba yung wildest thought na baka naman bandang huli, sila rin naman pala ni Pops talaga ang para sa isa’t-isa?
“I used to think that all the time, but she’s giving me all the reason to believe that there’s no way. I’m talking back then ha… but now, we’re not talking about those things, we’ve moved forward.
“And when you move forward especially here in showbiz, you do heal faster.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Aminado si Regine Velasquez na siyang mawalan ng boses kung bigla siyang sumpungin ng kanyang sakit na acid reflux.

Ito lang umano ang inaalala niyang aberya sa gaganaping Ultimate Valentine concert nila nina Martin Nievera, Lani Misalucha, at Gary Valenciano na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 13 at 14.

Wala umano kasi itong pinipiling pagkakataon kung kailan umaatake ang naturang sakit.

“I always have an attack. It never goes away. It’s been two years [since I’ve had it].

“That’s why they call it a singer’s nightmare kasi ‘pag type niya kasi any day it can be triggered by stress.

“Minsan kahit wala naman ako ginagawa. Before Bet Ng Bayan, wala naman ako ginagawa pero I have [an onset of acid reflux].

“So, I’ll just work around it. Kung maging malat ako, e, di malat ako. I’ll still perform,” pahayag ni Regine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Luxent Hotel noong January 30.

Ayon sa webmd.com, ang common symptoms ng acid reflux ay heartburn o “burning pain” sa tiyan na posibleng umabot hanggang sa lalamunan.

Nagdudulot din umano ito ng pag-ubo, pagkamalat, at chronic sore throat.

Paliwanag naman ni Regine ukol dito, “Yung iba, they think na wala naman ‘yan, acid lang ‘yan.

“But try drinking pure acid, that’s how it feels, masakit, sometimes you can’t sleep.

“And you can’t do anything about it but just to manage it. No operation, nothing. Wala kang magagawa.

“I’m taking medication but sometimes medication do not work when it’s already there. You wait [until it subsides].

“So prayers na lang. I pray that day sana I will not have an attack.”

Sa kabila nito, siniguro ng Asia’s Songbird na bigay-todo ang gagawin niyang performance para sa Ultimate Valentine concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang concert ang music icons ng bansa na sina Regine, Lani, Martin, at Gary.

Sa loob ng 27 taon niya sa industriya, nakakaramdam pa ba ng pressure si Regine?

Sagot niya, “I’m trying not to be pressured by the whole thing.

“Normal lang naman ma-pressure pero ayoko kasi baka mag acid reflux ako.

“I just want to enjoy it. It should be enjoyed kasi baka hindi na ito mangyari ever or matagal pa [maulit].”

Kaya naman sinisikap ni Regine na makapagpahinga ng husto upang maging handa siya sa para sa darating nilang concert.

Matatandaang sa kalagitnaan ng Silver concert ni Regine ay kinailangang ihinto ang show.

Ito ay sa kadahilanang wala sa tamang kondisyon ang boses si Regine, sanhi ng kanyang pagkakasakit noon.”

READ: Regine Velasquez cuts Silver concert short after losing voice; vows to do better in free concert before yearend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN