Kean Cipriano releases solo album; has Callalily disbanded?

by Rose Garcia
Jun 4, 2021
After 15 years, Kean Cipriano finally releases a solo album titled Childlike, which sounds very different from the usual "hugot" songs of his band Callalily.
PHOTO/S: @kean on Instagram

Out na ang solo album ni Kean Cipriano na pinamagatang Childlike sa ilalim ng sarili niyang label, ang O/C Records.

Nilabas niya ito noong May 14, 2021 sa iba't ibang digital platforms.

Kuwento ni Kean sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Itong album na ito, itong Childlike, three years siya in the making.

"Simula nang mag-start kami ng label, ang O/C Records, parang plano ko talaga na mag-release ng album.

"Pero dahil nasa executive side ako ng business, na-stall siya. Inuna naming i-release iyong ibang artists.

“Ang laking proseso, pero now, hayan na siya, hayan na iyong buong album.”

KEAN ON CALLALILY

Nilinaw naman ni Kean na intact at hindi disbanded ang grupo niyang Callalily kahit na may solo album na siya ngayon.

Pero bakit sa loob ng 15 taon, ngayon lang niya naisipang mag-release ng solo album? Dahil ba sa conflict of interest ito sa kanyang banda?

“No naman, no naman,” saad niya.

Continue reading below ↓

“May mga ginawa akong effort before, pero hindi talaga siya ako. Kasi nga, dahil nasa isang mundo ako na, you know, the business side of music.

"Na you have to listen to your management, makikipagkita ka halfway sa kanila na, ‘Ah, ito ba iyong dapat na gawin? Ah, okay, ito ba iyong bebenta?’ Pati iyong branding, imaging, all that.

"So kailangan ko rin mag-submit sa mga ginawa ko noong time na iyon."

Malaking bagay na sarili niyang kumpanya ang O/C Records.

Dagdag ni Kean, "Now that I have my own record label, sabi ko, bakit hindi ko i-release ang mga gusto ko talaga?

“Kasi ano na ito, e, kung meron magsasabi sa akin na parang hindi okay ang ginawa ko, wala na akong pakialam."

Ilan sa mga naging hits ng Callalily ay ang "Magbalik," "Stars," "Pasasalamat," "Sanctuary." At bagamat masaya siya naging successes ng Callalily, iba pa rin siyempre na may sarili siyang achievement as a musician.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kean, “Gusto ko lang talagang gumawa ng music na gusto ko at magiging proud ako. Kasi, to be honest, whenever I heard the song that we made before, especially the hit songs na nagawa namin, may feeling ako na parang naki-cringe ako.”

Mabilis niyang ipinaliwanag kung bakit.

Dugtong niya, “It’s not that I don’t like it, I love it. Ano siya, kumbaga, it changed my life nang todo, iyong mga kantang iyon.

“Pero alam ko lang din kasi ng mga times na iyon na kailangan kong mag-kompromiso at siyempre, nasa stage ako na bata ako. At siyempre, banda, e, kailangan niyong mag-complement sa isa’t-isa.

“Pero itong time na ito, gagawin ko lang ang gusto ko at mapaparinig ko siya, kung may tambay man.”

Continue reading below ↓

KEAN'S SOLO ALBUM

Ipinarinig ni Kean sa isang listening party kamakailan ang siyam na track sa Childlike. Kapansin-pansing iba ang tunog nito sa kanyang banda.

Ayon sa producer-songwriter, his new songs tell so much about himself—his hope, dreams, adventures, love, and insecurities.

“Hindi ako nag-compromise sa kahit na anong aspeto. Hindi ko siya inisip na kailangang mag-release ako ng songs na dapat bebenta or commercial or hit song for this.”

Sabi rin niya, “I think, for the past 15 years ko to my band, Callalily, I’m happy that it achieved a certain degree sa career namin.

“Ano lang, kumbaga, it’s refreshing din para sa akin na gumawa ng something na hindi ko kailangang sumunod sa kung ano iyong na-establish namin na tunog.

“Well, I mean, being in a band for fifteen years or magsi-sixteen na this year, I’m happy na may na-achieve na certain brand or certain distinct, certain sound ang banda. I need to collaborate with my bandmates, of course."

Continue reading below ↓

Para sa kanyang solo album, he had more freedom at hindi raw siya nakaramdam ng pressure.

Sa pagpapatuloy ng singer-actor, "Dito sa album na ito, hindi ko kailangang isipin na magbalik iyong sound or malapit doon. As much as possible, gusto kong ipakita kung ano iyong—kumbaga, ito iyong pop culture ko. Ito iyong literal na kung saan ako nanggagaling as a musician.

“Iyon din kasi ang feel ng album, it’s actually very flirty. It’ somewhat horny. Basta, malandi iyong album. Iyon lang ang masasabi ko.

“Medyo nagkaroon ako ng break. Iyong banda rin, na-establish niya iyong medyo hugot song or commercially-appealing songs. Ito, totally hindi ko siya inisip. Kaya Childlike rin ang title ng album.”

To elaborate on the album title, dugtong ni Kean, “Nakuha ko iyong pakiramdam na para akong naging bata ulit which is so hard to feel again, na maging ‘raw’ again. Iyong parang nagsisimula ka muli.

Continue reading below ↓

“At this time in my life na 33 na ako, mahirap ibalik ang pagiging raw. Pero, na-feel ko sa album na ito na para akong bata ulit, iyong pakiramdam na kaya ko siyang patugtugin nang patugtugin nang paulit-ulit.”

CHILDLIKE's TRACK LIST

Sa siyam na songs, anim ang sariling komposisyon ni Kean. Isa na rito ang “Took Me Out” na, ayon kay Kean, ay isang praise song.

Sinundan na ng iba pang mga orihinal na kanta tulad ng “Eye Contact,” “Make My Fly,” “Tonight I Break Some Promises,” “Later When I’m Drunk,” “Tangina,” at “Walk on Water.”

Kuwento ni Kean, “May isang track na sinulat ng isang artist na kilala ko from way back at nasa Hong Kong na ngayon. Iyong isa naman, isang song na ni-release namin before with Nadine Lustre, pero ginawan ko siya ng version ngayon."

Ang kantang “Sa Ibang Mundo” ang tinutukoy ni Kean.

“Iyong isa naman, sinulat ng isa naming artist, si Martin Riggs, isa sa mga una kong na-discover na artist. So iyong collaboration dito sa album na ito, matindi rin, but I produced all the tracks.”

Continue reading below ↓

Ang contribution ng misis niyang si Chynna Ortaleza ay ang kantang “Sulyap,” na siya ang sumulat at kumanta.

Nakumpleto ang album sa panahon ng pandemya, kumusta ang process?

“Mahirap siya,” mabilis niyang sagot.

“Mahirap siya to create kasi minsan, nagpapasahan na lang kayo ng file. Hindi kayo nagkikita face-to-face, e, minsan doon nabubuo ang magic.

“Wala iyong, ‘Ang ganda ng nangyari! High five!' Walang gano’n. Pero dahil nga lahat ay nag-a-adapt sa bago nating mundo, nagawa siya.

“Iyong ibang track dito, na-record na prior to pandemic. Pero iyong iba, talagang pasahan ng files. Okay rin, kumbaga, may bragging rights ka na, na-record ko ‘ito, e, ito iyong sitwasyon natin.”

RECOMMENDED ARTICLES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 15 years, Kean Cipriano finally releases a solo album titled Childlike, which sounds very different from the usual "hugot" songs of his band Callalily.
PHOTO/S: @kean on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results