"Ulap" singer Rob Deniel shrugs off comparison to JK Labajo

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2021
Baguhang singer na si Rob Deniel, interesado na pasukin ang showbiz bukod sa paggawa ng bagong OPM songs.

Si Rob Deniel ang 17-year-old singer na nasa likod ng hit song na "Ulap."

Literal na hindi kilala si Rob ng mainstream media, pero popular na popular ang kanyang kanta sa social media.

Sa YouTube, ang "Ulap" ay may 22M views sa SuperbLyrics channel. Sa hiwalay na channel ni Rob, mayroon itong 9.3M views sa unofficial music video at 1.3M views sa official music video. Umani na rin ito ng 21.8M streams sa Spotify at press time.

Kaya ngayong Huwebes ng hapon, Hunyo 3, hinarap ng Viva Records si Rob sa entertainment press sa pamamagitan ng virtual media conference.

Nagsimula ang hilig ni Rob sa musika noong 12 years old ito dahil ibinili siya ng gitara ng kanyang ama. Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang singing at songwriting career niya.

May interesting trivia si Rob tungkol sa "Ulap" na nabuo lamang sa kanyang cellphone nang makaramdam siya ng pagkabagot habang nasa loob ng kuwarto niya.

Continue reading below ↓

"'Ulap' was made out of boredom in my room. I was pretty chill and had nothing in my head. I was just writing words that I wanted to say," kuwento ni Rob.

ON COMPARISON WITH OTHER SINGERS

Ikinukumpara ng ibang tao ang "Ulap" sa "Buwan," ang hit song ni JK Labajo noong 2018.

Pero hindi apektado si Rob.

Sabi niya: "Sobrang dami ng comparison kasi ganoon na rin nagwo-work ang industry ngayon.

"Like, kapag may inilabas kang song, lagi silang mag-iisip na may kapareho ka na hindi naman maiiwasan.

"Ang gusto ko lang, magpakatotoo.

"It’s an honor naman na yung idols ko rin is ma-compare din ako pero gusto ko rin lumayo at gumawa ng sariling personality."

At dahil boses lamang niya ang naririnig ng publiko, hindi alam ng mga kaklase at teacher ni Rob na siya ang composer at singer ng "Ulap."

Nagulat na lamang sila nang malaman na kasalamuha lamang nila ang nasa likod ng tagumpay ng nabanggit na kanta.

Continue reading below ↓

OPEN TO JOIN SHOWBIZ

Malaki ang posibilidad na maging artista si Rob dahil sa kanyang matinee-idol vibe at nagpakita rin siya ng interes na umarte.

Aniya, parang masaya sa showbiz kaya gusto niyang subukan ang acting kapag natapos na ang kanyang mga song composition.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapareha, sagot ni Rob, "Sino ba? Wala akong maisip."

May nagbanggit sa pangalan ni Claudia Barretto.

Napasabi si Rob ng "puwede" kaya natawa ang entertainment press.

Ipinu-promote ngayon ni Rob ang single niyang "Ang Rosas."

Sa June 18 naman ang release ng "Darling," ang kanyang bagong single na payo niya sa sarili dahil sa mga pinagdaanang karanasan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baguhang singer na si Rob Deniel, interesado na pasukin ang showbiz bukod sa paggawa ng bagong OPM songs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results