Finally, Maris Racal's collab single with Rico Blanco is out: "It's very special"

by Rose Garcia
Jun 25, 2021
Maris Racal on single "Sandali": "...hindi rin naman about hating men. Reminder lang sa mga babae na stay beautiful and make it end the relationship na kaya nila."
PHOTO/S: @mariesteller on Instagram

Espesyal kay Maris Racal ang bago niyang digital single.

Ang "Ate Sandali" ay collaboration nila ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco. Unang proyekto rin ito ni Maris sa ilalim ng label ni Rico na Balcony Entertainment

Pahayag ni Maris, “Siguro I can say that it’s very special kasi, my younger self, 17 years old, would thank me kasi, matagal ko nang gustong makatrabaho si Rico.

“And now that it came true and also, ito iyong mga songs ko na matagal ko nang gustong i-release, I can say that it’s very special.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Maris sa pamamagitan ng online mediacon para sa kanyang single noong June 23, 2021.

Nagkataon rin daw na tapos na ang kontrata niya sa dati niyang label kaya naging posible ang pagpu-produce ni Rico sa single niya at sa kanilang collaboration.

Sabi rin ni Maris, “That time kasi, matagal ko nang gustong makipag-collab kay Rico. Siguro at that time rin, tapos na iyong contract ko with my last label.

Continue reading below ↓

"And then, I also want to grow as well kasi, gusto kong maka-work ang iba’t-ibang tao sa studio, and I really believe that with Rico, ang dami niyang maituturo sa akin in terms of music and choices sa mga music. Hindi lang ako limited sa sarili ko, like so far, ang dami ko rin natutunan, grabe.”

MARIS RACAL ON NEW SINGLE

Ayon kay Maris, may apat na taon na nang isulat niya ang "Ate Sandali."

Kuwento niya, “Nakakatawa iyong story ng 'Ate Sandali.' Kasi at that time, broken-hearted kami ng ate ko.

“Hindi yata siya aware sa story ng song na ito, pero she was one of my inspirations. Ang dami lang kasi na sunud-sunod na decision.

"So sa song na ito, masasabi kong women empowering siya, but more on a friendly-advice sa lahat ng girls who are in a relationship na medyo toxic at paulit-ulit iyong cycle na hindi maganda.

Continue reading below ↓

“Iyon iyong song, iyon iyong lyrics, at hindi rin naman about hating men. Reminder lang sa mga babae na stay beautiful and make it end the relationship na kaya nila.

“Kasi, palaging sinasabi sa mga girls na marurupok. Kasi, ganoon din ang description ko sa sarili ko at sa ate ko. So parang pinapalakas ko lang din ang loob ko.”

Natatawa na nga lang daw siya kapag pinapakinggan niya at napapaisip kung bakit siya nakasulat ng ganoong lyrics.

Just to give you an idea, heto ang chorus:

"Ate/ Wag kang magpadala sa landi
Hindi ka mabilis madali
Kung ayaw ka niyang pusuan
Huwag mo nang subukan
Ah-ah-ah-ah"

Matagal lang niyang hindi ginalaw ang kanta.

Aniya, “Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Parang nasa notebook lang siya. Kasi the past years, parang hindi ko siya type at all. Ang gusto ko kasi, classic, driven, acoustic so, hindi ko siya type.

“Then last year, pandemic happened, one of the few things talaga that saved me is K-pop and then, along with that, Lady Gaga, music ni Ariana Grande.

Continue reading below ↓

“So parang whenever I watched the music video, parang nadadala ako sa ibang mundo.”

December 2020 raw nang maramdaman niyang gusto na niya itong gawin.

Six months later, ni-release na ni Maris ang digital single kasabay ng music video nito.

Makikita raw ang malaking pagkakaiba ng huling music video niya para sa kanyang single na “Not For Me.”

Dito sa "Ate Sandali" ay ipinakitang kaya rin niyang mag-rap.

“Sa music video, nag-decide ako na gusto ko ng colorful,” saad niya.

“Kasi, bago iyong sa Ate… literally iyong last music video ko na ‘Not For Me’ iyong title was black and white. So gusto ko na maiba talaga. Gusto ko ng colorful, I wanna wear Filipiniana, modern Filipiniana.”

MARIS RACAL ON WORKING WITH RICO BLANCO

Ngayong nasa Balcony Entertainment na siya, ano pa ang mga puwedeng abangan sa kanya at mga future collaboration din nila ni Rico?

“Siguro iyong mae-expect nila sa akin for now sa Balcony, itong 'Ate Sandali,' ang first single ng mini-album ko.

Continue reading below ↓

“And I’m very, very excited kasi, iba-ibang sound iyong album. Hindi lang siya pare-pareho, may variation din.”

May plano rin kaya na mapanood sila ni Rico na magkasama sa concert o kahit sa isang online jamming?

“Not us together,” sabi ni Maris.

“Of course, he wants me to focus on my own, my career, and build it on my own as well. Baka kapag nandiyan siya palagi sa picture, baka hindi ako mag-grow as a solo artist.

“So for now, the only thing we talk about when it comes to concert is iyong launching ng album, ganyan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on single "Sandali": "...hindi rin naman about hating men. Reminder lang sa mga babae na stay beautiful and make it end the relationship na kaya nila."
PHOTO/S: @mariesteller on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results