Master of Soul Thor returns to recording scene after 8 years




After more than eight years ay muling nagbalik sa pagiging recording artist ang singer na si Thor.

Noong 2004 pa nakilala si Thor dahil sa kanyang mga hit singles noon na “Believe In Me” at “Wonderland”. Ang Warner Music pa ang nag-release ng kanyang self-titled debut album.

“My real name is Ettore Dulay. I was born in Panabo City, Davao del Norte. I was a choirboy back in Davao and I started singing professionally at age 19.

“After graduating college in Ateneo de Davao University, sinubukan ko ang suwerte ko sa Manila.

"I had a band called Extreme Mix and we provided back-up vocals sa mga sikat na R&B singers that time na sina Luke Mijares and Jay-R,” kuwento pa ni Thor nang makapanayam namin siya sa kanyang album launch na Master of Soul sa The Music Hall at Metrowalk in Pasig City last January 28.

Dumating na sa puntong nagsawa na si Thor sa pagiging back-up at naglakas loob itong magkaroon ng solo career.

Na-impress naman sa kanyang talent ang isang producer at nabigyan nga siya ng kanyang solo album in 2004. Nasundan pa nga ito ng isa pang album in 2007 titled Duets With Thor.

Sa kanyang huling album ay naka-duet ng singer ang mga bina-back-up-an lang niya noon na sina Jay Durias, Luke Mijares, Jinky Vidal of Freestyle, Nina, Juris at iba pang mga sikat na OPM singers.

Doon na nagsimula ang journey ni Thor sa pagiging solo artist at naging in-demand siya sa mga music bars sa buong Metro Manila.

Dumating ang time na bigla na lang nawalan ng mga gigs si Thor dahil sa pagbabago ng panlasa ng Pinoy pagdating sa music. Ilang taon din na naging inactive si Thor hanggang sa dumating ang bagong pagkakataon na ma-revive ang kanyang singing career via The Voice of the Philippines in 2013.

“I became part of season one of The Voice of the Philippines.

“Sinubukan ko lang siya talaga dahil parang make or break na ito. Kung wala pang mangyari, I can go back to Davao ang start a new life.

“Wala naman akong masyadong ini-expect that time sa pagsali ko sa The Voice.

“Gusto ko lang subukan ulit ang suwerte ko,” ngiti pa niya.

Hindi nagkamali si Thor sa pagsali sa The Voice dahil siya ang kauna-unahang contestant na nakakuha ng four-chair turner mula sa mga coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Apl de Ap at Bamboo Manalac. Ito ay dahil sa kanyang rendition ng “I Have Nothing” ni Whitney Houston.

“I ended up on Team Apl and eventually nakapasok tayo sa Top 8.

“It was a one-of-a-kind experience joining the The Voice kasi bumalik yung passion ko as a singer.

“The show opened new opportunities for me kaya sobrang malaki ang utang na loob ko sa The Voice for this new career that I have,” diin pa ni Thor.

Pagkatapos ng The Voice, muling bumalik sa music scene si Thor. Isa sa pinaka-proud niyang ginawa ay ang mag-interpret ng song ni Popsie San Pedro sa Philpop noong 2014 titled “The Only One”.

Kinuha rin si Thor bilang vocal coach ng programang ASAP at sa Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN.

Nag-front act din si Thor para sa Girl On Fire World Tour ni Alicia Keys noong 2014.

Dahil sa kanyang talento, kinuha siyang maging isa sa mga artist ng Cornerstone Music na pinapamahalaan ng talent manager na si Erickson Raymundo.

Bilib si Erickson sa husay ni Thor at pinabalik niya ito sa pag-record ng album. Ito na nga iyong Master Of Soul.

Kasama sa album ni Thor ang original single na “Paano Ko Sasabihin” at mga cover versions niya ng “Kung Maibabalik Ko Lang”, “Bakit Kung Sino Pa”, “There’s No Easy Way To Break Someboday’s Heart” at “I Have Nothing”.

“If not for Mr. Erickson Raymundo, wala ako ngayon sa stage na ito at kumakanta.

“He was the one who said to me to give recording another shot.

“Ako kasi, masaya na ako sa nangyari sa akin after The Voice. Nagkaroon ulit tayo ng mga gigs, nag-guest na ako sa ilang mga concerts and happy ako as a vocal coach.

“But there was more than that pala. There was this calling na balikan ko ang recording at heto na nga.

“I pray that people will once again support ng recording comeback at promise, they will enjoy Master of Soul, lalo na sa mga mahilig mag-senti at mag-throwback sa mga music of the ‘80s.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN