Darren Espanto dedicates song to Cassy Legaspi: "Nagagandahan kasi ako sa kanya at ang bait-bait niya."

Darren Espanto dedicates his song "Count On Me" to Cassy Legaspi.



Sobrang saya ng The Voice Kids runner up na si Darren Espanto dahil natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng album.

"Masayang masaya po at very thankful sa MCA Universal kasi binigyan nila ako ng album," kuwento ng 13-year-old singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via phone patch sa DZBB 594 Walang Siyesta last February 16.

"Dream come true po sa akin yung album ko, kasi noon ko pa talaga dream na magkaroon ng album at sariling mga kanta.

"At dahil sa pagsali ko sa The Voice of the Philippines Kids natupad yung pangarap ko sa tulong ng ABS-CBN at MCA Universal kaya nagpapasalamat ako sa kanila.

"Ang album ko po ay all originals, bale first in the Philippines ang casing niya.

"Para po siya Komiks under MCA Universal, available na siya sa lahat ng record bars sa buong Pilipinas.

"Magugugustuhan siya ng mga fans dahil bukod sa parang komiks siya, madami akong pictures dito.

"Meron ding little standee of mine sa loob ng album.

"Bale 8 tracks siya with one bonus track kaya 9 lahat siya at all originals album po siya.

Ano ang favorite na kanta ni Darren sa kanyang album?

"Halos lahat paborito ko po, pero yung dalawa yung pinaka panorito ko yung carrier single ko na 'In Love Ako Sa 'Yo' at 'Stuck.'"

Kanino niya ide-dedicate ang kantang 'In Love Ako Sa 'Yo'?

"Siguro sa mommy ko na lang since bata pa ako at hindi pa puwede ma in love.


CRUSH ON CASSY. Aminado si Darren na may crush siya kay Cassy Legaspi, ang daughter nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Sa katunayan, dedicated ang kantang "Count On Me" kay Cassy.

"Crush lang muna kasi bata pa kami tsaka na yung love pag malalaki na kami.

"I dedicate the song 'Count on Me' sa kanya.

"Everytime na kailangan niya ng tulong at kaibigan, Count on Me, nandyan lang ako lagi."

Ayon sa young singer, balak niya subukan ang pag-arte.

"Siguro po sa future, alam ko meron pong inaayos pero ayoko po munang ikuwento baka kasi hindi pa matuloy.

"Pag okay na po, saka ko na lang ikukuwento pag tuloy na tuloy na.

"Pero mas gusto ko munang makilala bilang singer, tapos in the future ita try ko naman yung acting or musical play."

Kung papiliin siya ng loveteam partner, gusto ni Darren na ipareha siya kay Cassy.

"Nagagandahan kasi ako sa kanya at ang bait-bait niya.

"Alam po ni Tita Carmina [Villarroel] dahil tina-tag siya ng mga fans sa post."

Sa katunayan, sina Darren at Cassy ay binansagan bilang CassRen loveteam ng kanilang mga tagahanga.

Ang mga musical influences ni Darren ay ang mga singers na sina Michael Jackson, Beyonce, Whitney Houston at Bruno Mars.

Paano ba inaalagaan ng The Voice PH runner up ang kanyang boses?

"Practice lang araw-araw. Bawal po ang matatamis.

"Bawal din yung mga mani kasi nakakagasgas ng boses."


Noong December 2014, nagkaroon ng major concert si Darren kasama ang fellow contestants mula sa The Voice PH Kids.

(View photos: Juan Karlos "JK" Labajo cries at concert; Mitoy jokingly refers to The Voice Kids boys as "One Direction")

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN