KathNiel, BGYO, among Kapamilya artists who still get projects despite ABS-CBN franchise cancellation

by Jerry Olea
Oct 2, 2021
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kathniel
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are among the Kapamilya stars who still have projects despite the non-renewal of ABS-CBN broadcasting franchise.
PHOTO/S: ABS-CBN PR

Nag-lie low ang mga pelikula ng mga Kapamilya dahil sa pandemya at kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kapuso na si Bea Alonzo, pero wala pa tayong balita kung kailan ang shooting ng reunion movie nila ni John Lloyd Cruz na No Goodbyes sa Star Cinema.

Noong Disyembre 2020 pa iyon napabalita. Pero tuluy-tuloy ang mga proyekto ng mga Kapamilya para sa TV.

Andiyan ang teleseryeng 2GB2T nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na bahagi ng pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng KathNiel.

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla 2 Good 2 Be True

Continue reading below ↓

Matutunghayan ito sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Pagbibidahan ni Arjo Atayde ang teleseryeng The Rebirth of the Cattleya Killer.

Hango ito sa pelikulang Sa Aking Mga Kamay (1996) tungkol sa isang serial killer (Aga Muhlach) na pumapatay sa mga babaeng nagtataksil sa asawa.

KAPAMILYA MUSIC

Tuluy-tuloy rin ang pasiklab ng mga Kapamilya sa larangan ng musika.

Rumaratsada mga bagong awit nila sa iba’t ibang digital streaming music platforms.

May bagong single ang actor-singer na si Markus Paterson at Tarsier Records label head na si Moophs na pinamagatang “Real.”

Continue reading below ↓

Pangalawang kolaborasyon na ito ng dalawa ngayong 2021, kasunod ng Father’s Day single nilang “Every Day,” na inalay nila sa mga una nilang anak—kay Jude na anak ni Markus sa girlfriend na si Janella Salvador, at kay Odriana na anak ng mag-asawang Moophs at Alex.

Tungkol ang “Real” sa pagdedesisyong mag-commit sa hinaharap kasama ang espesyal na tao habang inaalam kung gaano ba ka-genuine ang kuneksyon nila sa isa’t isa.

Nag-ugat ang R&B, neo-soul single sa isang random guitar idea para sa ibang kantang tinugtog ni Moophs na may kakaibang chord progression, na kinalaunan ay binuo niya bilang hiwalay na kanta.

Oktubre 2020 nang ilabas ni Markus ang “B-Side” EP niya na sa ngayon ay meron nang mahigit 3 million streams sa Spotify.

Ilan naman sa mga pinakabagong proyekto ni Moophs ang “Shipwrecked” kasama si Bugoy Drilon, at “Afraid” kasama ang dating BoybandPH member na si Russell.

Walang humpay ang pagpapasaya ng P-Pop group na BGYO sa kanilang fans sa bagong awitin nila na "Kulay" na napapakinggan sa mga major streaming site simula Oktubre 1, Biyernes.

Continue reading below ↓

P-Pop boyband BGYO

Pagbibigay-pugay ito ng grupo sa mga taong bumago sa kanilang buhay. Ginamit ang “Kulay” sa national costume competition ng Miss Universe Philippines 2021.

Mahigit 1M views na ito mula nang mag-premiere sa YouTube channel ng Empire Philippines noong Setyembre 23, Huwebes.

Continue reading below ↓

Patok na patok pa rin ang nauna nilang awitin na "The Baddest" na lagpas isang milyong beses na pinakinggan sa Spotify mula noong inilabas ito noong Agosto.

Usap-usapan din sa social media ang partnership nila sa Louis Vuitton.

Kabilang ang BGYO at BINI sa performers sa grand gathering ng Gabay Guro 2021 ngayong Oktubre 2, Sabado ng 2:00 pm.

Mag-i-streaming ito sa Facebook page ng Gabay Guro at YouTube channel na PLDT Gabay Guro.

Bini

Continue reading below ↓

Back-to-back release ng album ng BGYO at BINI. Nakatakdang lumabas ang “The Light" ng BGYO sa Oktubre 7, Huwebes.

Ang album naman ng BINI na "Born To Win" ay sa Oktubre 14, Huwebes lalabas.

Sanib-pwersa rin sila sa One Dream: The BINI & BGYO Concert na magaganap sa Nobyembre 6 at 7.

Para sa mga gustong bumili ng SVIP tickets sa halagang P1950 o US39.99, pwedeng makasama ng fans ang parehas na grupo sa isang meet and greet at maari nilang mapanood ang dalawang shows.

Para sa VIP tickets na nagkakahalagang P1,490 o US$29.99 ay maari na nilang masilayan ang BGYO at BINI pati na ang surprise guests nito sa dalawang araw na concert.

Iba’t ibang emosyon na kumakatawan sa kanyang musical journey ang mararamdaman sa debut EP ng singer-songwriter na si KVN na “Night Drives.”

KVN

Continue reading below ↓

Gusto ng dating cruise ship singer na ipakita ang masayahin at sensitive side niya sa proyekto na may temang light at meron ding nagpapaalala ng mga tunog retro.

Swak itong pakinggan tuwing bumibiyahe o nagmamaneho.

“I'm from Laguna so talagang two to three hours travel whenever I record a song,” paliwanag ni KVN sa isang MYXclusive interview.

“It's a good playlist while you're driving especially kapag gabi with all the city lights. So sana pakinggan niyo habang nagd-drive kayo.”

Bukod sa mga nauna nang ini-release na single na “Komplikado,” “Bat Tayo Tanga,” “Magandang Dilag – Cursebox Remix,” at “Pwede Na Ba,” kasama rin sa EP ang mga kantang “Mekaniko Ng Puso,” “Sa ‘king Pagbabalik,” “His Love Song,” “Laging Nandito Ka,” at “Ako’y Sa Yo (Ben X Jim OST).”

Matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya, nag-viral ang kanta ni KVN kasama si JM Bales na “Magandang Dilag” noong 2020 Miss Universe Philippines competition.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are among the Kapamilya stars who still have projects despite the non-renewal of ABS-CBN broadcasting franchise.
PHOTO/S: ABS-CBN PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results