Mikee Quintos admits being insecure in front of Julie Anne San Jose

by Rose Garcia
Oct 2, 2021
julie anne san jose and mikee quintos
“Si Julie, dyusko! Sa Studio 7 taping, meron po talaga ‘kong gano’n feeling," admits Mikee Quintos (main photo) about her insecurity whenever she would see and hear Julie Anne San Jose (inset) perform.
PHOTO/S: @mikee (main), @myjaps (inset) Instagram

Nag-Top 1 sa iTunes Philippines chart nang unang araw pa lang ng labas nito noong September 24 ang first single ng Kapuso Star na si Mikee Quintos, ang "Just Enough."

Hindi nag-sink-in agad kay Mikee noong malaman niyang nag-Top 1 ang first single niya.

At dahil nagbago siya ng look at style para rito, tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung tingin niya, nakadagdag din sa kuryosidad ng publiko ang “blonde hair” niya sa inilabas na teaser.

“Feeling ko naman kahit paano, yung gano’ng pa-blonde na pakulo, may nadagdag din sa pagka-curious ng mga tao.

“Kumbaga, para saan ‘to?” natawang sabi niya.

FOLLOWING GOD'S PLAN

Kahit na singing ang alam na pasaporte ni Mikee noong pinasok niya ang showbiz, nalinya siya sa pag-arte sa iba’t ibang serye at programa ng Kapuso network.

Naniniwala raw siya na tama lang din na sa acting muna nga siya naisabak.

“Oo naman, ako kasi, firm believer ako, naniniwala ako kay God at mas tama yung plan niya for me,” positibong lahad ni Mikee.

Continue reading below ↓

“Mas tama ang gusto niya for me kesa sa gusto ko. That’s how I go about my everyday life.

“Sa mga shows, yun ang pinipili kong mindset. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. Kung hindi, hindi. May plan sa ‘yo si God.

“And even with music, gano’n ang nararamdaman ko.”

At inamin ni Mikee na ang 'Just Enough' na single daw niya ay ni-record niya ng dalawang beses.

“We had to re-record the song twice. Ni-record ko siya ulit kasi noong una, hindi ko siya ramdam.

"So ngayon nari-realize ko na para rin siyang acting,” sabi ni Mikee.

Kailangan din daw talaga ng emosyon.

“Kailangan nandoon ka rin sa emosyon habang kumakanta ka para maramdaman ka ng nakikinig.

"Kung hindi, parang acting din. Kung hindi mo ramdam, hindi mo mapi-feel, hindi mararamdaman ng taong nanonood.

“So I think, it’s really perfect na acting muna yung binuhos ko bago singing para magamit ko yung mga natutunan ko.”

Continue reading below ↓

MIKEE'S INSECURITY

Isa pang naging pag-amin ni Mikee, ang insecurity niya raw pagdating sa pagkanta.

“Na-realize ko po, ang lakas ng insecurity ko pagdating sa singing,” pagtatapat niya.

“As in sa music ko, akala ko, akala ko rin confident ako. Kahit paano, ano ba ‘yan, ang tagal ko nang kumakanta buong buhay ko. Pero hindi pala.

“Yun palang gano’n kong attitude, yun pala ang wall ko. Tinatago ko ang insecurity ko sa music.

"So ngayon pa lang talaga ‘ko nakakaramdam na nagiging matapang about it. So, ito na yun. Ito na ang bunga ng realization ko, finally I signed with GMA Playlist.

“Ang tagal na po, years na rin naming pinag-uusapan ‘yan at ngayon po, nangyari na. So I think, it’s perfect timing din.”

Pagdating daw sa insecurity niya, inamin din ni Mikee na nasa proseso pa siya rito.

“I’m still working on it,” saad niya. “Nasa gitna po ako na—siyempre, hindi naman siya yung switch lang na on and off, ‘di ba? Tatrabahuhin niyo po yun.

Continue reading below ↓

“’Di ba, sayang din po yung mga oras na nagdaan na iniwan ko yung sarili ko na nandoon, sa feeling na yon. Ngayon ko pa lang nakikita.”

Saan nanggagaling ang insecurity niya sa singing?

“Kapag artist ka po kasi, marami kang iniidolo na kapwa mo artist.

"Feeling mo sa sarili mo, hindi mo kaya yun. Hindi mo deserve na maging singer. Hindi mo deserve na tawaging recording artist.

"Na parang, ‘Ano ba ang talent ko sa talent niya? Parang sa kanya na lang, sa kanya na lang yung industriya.’ Parang may gano’n na feeling, insecurity ko.”

Natatawang inamin ni Mikee na si Julie Anne San Jose raw ang isa sa kapag naririnig o napapanood na niyang kumanta, nawawala ang kumpiyansa niya.

“Si Julie, dyusko! Sa Studio 7 taping, meron po talaga ‘kong gano’n feeling. Pero in fairness po kasi yung mga ganitong feelings ko, nasasabi ko ‘to kay Julie or sa mga taong ina-idolize ko.

Continue reading below ↓

“Sila mismo yung nagsasabi na 'Huwag kang masyadong mag-isip, go lang!'

"May mga gano’n silang comforting words and yun din po ang nakatulong sa pagpu-push sa akin to finally do it.”

HAPPY AND CONTENTED LOVE LIFE

Positibo at mukhang masaya naman nga si Mikee ngayon pagdating sa kanyang love life.

Nang kamustahin kasi namin ang puso niya, nakangiti at mabilis na sabi niya, “Okay naman po ako. I’m happy. I’m very contented.”

May nagpapasaya naman pala sa kanya?

“Parang gano’n na rin po siguro pero hindi pa talaga fully. Pero, I’m taking my time. I don’t believe in labels.”

Kailan niya pala masasabing “just enough” na sa kanya sa isang relasyon?

“Siguro kapag may singsing na akong suot. Masasabi kong okey na ‘ko.

"Sa ngayon, wala pa, wala talaga. Parang hopeful pa ang pagiging just enough for me in my love life.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Si Julie, dyusko! Sa Studio 7 taping, meron po talaga ‘kong gano’n feeling," admits Mikee Quintos (main photo) about her insecurity whenever she would see and hear Julie Anne San Jose (inset) perform.
PHOTO/S: @mikee (main), @myjaps (inset) Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results