Barbie Almalbis releases new album, My New Heart


Nagbabalik sa music scene ang isa sa tinaguriang icon ng Pinoy rock music na si Barbie Almalbis.

Nakilala si Barbie dahil sa bandang Hungry Young Poets noong 1997 at pinasikat nila ang mga OPM hits na “Torpe” at “Firewoman”.

Noong magpalit ng name ang banda at gawin itong Barbie’s Cradle in 1998, nagkasunud-sunod ang kanilang hits tulad ng “Tabing Ilog”, “Langit Na Naman”, “Limang Dipang Tao”, “Pangarap” at “Good Day”.

Sinulat at inawit din ni Barbie ang ilang TV commercial jingles.

Ang huling studio album ni Barbie ay noong 2011 pa na Goodbye My Shadow.

Paminsan-minsan ay napapanood siyang nagpe-perform sa Sunday show na ASAP ng ABS-CBN.

Ngayon ay pormal nang ni-launch ang kanyang bagong studio album titled My New Heart kunsaan sinulat niya ang walong original songs at may isang cover version siya ng Christmas song na “Joyful, Joyful”.

“The album came out last December 2014. It was already in the music stores noong Christmas kaya may nakasamang Christmas song.

“Now lang kami nagkaroon ng formal launch and it’s been three years na nga na wala akong bagong album.

“It took me that long kasi nga all the songs in album, except for Joyful, Joyful are all originals.

“Many thought nga that I would make an album na puro revival ang songs since yun ang uso pa rin.

"Okey lang 'yon but I would rather put more effort on an album na pinaghirapan kong isulat ang mga songs.

“That for me is a lot more fulfilling and since it’s alike a comeback album, mas may reason na maglabas tayo ng new album with new songs, ‘di ba?” ani Barbie nang makapanayam namin siya sa album launch ng My New Heart sa Dulcinea Restaurant along Tomas Morato, Quezon City.

Kinuwento ni Barbie na sa bahay nila sa Marikina City siya nag-record ng kanyang mga sinulat na songs para sa bagong album.

Through the help of modern technology ay napag-aralan ni Barbie na mag-recording ng maayos na hindi na kailangan pang pumunta pa ng recording studio.

“Most of the work in the album sa bahay ko na lang ginawa.

“At least hindi na ako pupunta pa sa studio unlike before na for the next six months ay nasa studio ka parati.

“We would spend long hours sa studio. Nandoon kami ng morning tapos uuwi kami umaga na rin.

“Yung set-up ko sa house are just acoustic panels. It’s all for recording lang. May mga instruments na ako and the panels are semi-soundproof.

“And it’s cheaper pa kasi wala kaming nire-rent na studio. Per hour kasi ang bayad sa mga recording studios, eh.

“Tsaka wala akong hinahabol na oras kasi nasa bahay lang ako and I can always work on it anytime I want.”

Malaking tulong raw ang YouTube kaya natuto si Barbie sa tamang pag-recording within her own environment.

“It’s through YouTube that I learned how to record my songs at home lang.

“I started noong 2011 para pag-aralan ko lahat. I took it as an experiment muna.

“Puwede naman pala. Na-achieve ko naman ng maayos. Maganda naman ang result kaya tinuloy ko na siya.

“A lot of artists do their recording sa bahay na lang. Mas mabilis kasi and it’s not time consuming.

“Madali namang i-match ang quality ng studio sound, e. You just have to find the right equipment na gagawa no’n.

“Ngayon kasi it’s all available na for download sa Internet. Kailangan clean lang ang pag-record ko.

“When I submit my recorded songs, kailangan walang ingay at nagawa ko naman iyon.

“Yung mixing, sa iba na namin pinagawa. Kailangan professional na ang gagawa noon.

“Kaya when I heard the finished product, natuwa ako kasi parang hindi ako napagod in doing the recording unlike noon.

“Kaya nasabi ko na hindi na ako aapak pa sa recording studio kasi puwede naman pala ma-achieve iyon in my own home.”

Pabor kay Barbie ang kanyang work-at-home style dahil dalawa na nga ang anak niya mula sa kanyang mister na si Martin Honasan. Ito ay sina Stina (7) at Liam (4).

Napagsasabay nga ni Barbie ang kanyang duties as an artist and as a mother dahil sa bagong set-up ng kanyang pagtrabaho.

“Nakagaan talaga na sa bahay ko lang natapos ang ibang trabaho sa album. Hindi pa ako pagod and I get to be with my kids more.

“Tuluy-tuloy lang ang trabaho ko sa bahay. I work on the songs when the kids are in school. Kapag nakauwi na sila, stop muna ako para asikasuhin ko sila.

“Kaya multi-tasking ako sa house and it’s better this way kasi I don’t leave the house at hindi ako naiipit sa sobrang tindi ng traffic.

“I see my kids off to school at ako pa rin ang madadatnan nila when they come home.

“Naka-calendar naman lahat ng gagawin ko kaya it took me a year to finish this album.

“Okay lang kasi pareho ko namang naalagaan—both my new album and my kids,” ngiti pa niya.

Pareho nga raw sila ng kanyang hubby na si Martin na sa bahay din ang trabaho kaya pareho silang hindi nami-miss ng kanilang mga anak.

“Martin kasi is a painter and he works in his own place sa bahay.

“Right now, he’s preparing for an art show sa CCP in May. Kaya medyo busy rin siya parati sa pagtapos ng mga artworks niya.

“But when the kids are at home naman, pareho kaming nag-aasikaso sa kanila.

“We all eat at the table together. Happy family lang kami.”

Parati rin daw nakikita ng kanyang mga anak ang kanilang lolo na si Senator Gregorio “Gringo” Honasan II.

“He’s a doting lolo to his grandkids.

“Minsan darating siya sa bahay namin to visit the kids. Apat na kasi ang mga apo niya and he divides his time with all of them.
“He’s very present in our kids lives kaya love na love siya ng mga bata.”

Nakikitaan na ni Barbie ng hilig sa music ang dalawang anak nila ni Martin.

“Oh yes, both Stina and Liam loves to sing.

“Pero it’s too early to give them formal training. Pakanta-kanta lang sila with us. Si Martin kasi, he also sings.

“Someday when they say that they want to be a singer like their mom, full support ako diyan,” ngiti pa niya.

At 37 years old, Barbie does not look her age.

Maraming nag-aakala na nasa early 20s pa lang ang singer dahil sa mukhang bata nga ito despite having two kids.

“Wala kasi tayong stress masyado and I am happy with my life now as wife and a mother.

“There is really no secret to my youthful looks. I just exercise when I have the time.

“Actually, taking care of two kids ay parang nag-workout ka na rin!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN