Angeline Quinto gears up for 10-part concert series

by Julie E. Bonifacio
Oct 16, 2021
Angeline Quinto promises a truckload of revelations and other surprises in her 10-part 10Q concert series, which kicks off on October 29, and ends in February 2022.

Inamin na ni Angeline Quinto ang tunay na estado ng kanyang lovelife ilang araw bago ang kanyang nalalapit na 10-part concert series na pinamagatang 10Q bilang pagdiriwang sa kanyang ika-sampung taon sa showbiz industry.

Non-showbiz ang bagong boyfriend ni Angeline at mahigit isang taon na ang kanilang relasyon. Isa raw sa napakaraming sorpresang magaganap sa 10Q concert ni Angeline ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Oo, isa siya. Pero may ibang bagay pa rin ako na surprise para sa mga tao,” pahayag ni Angeline sa ginanap na mediacon ng 10Q via Zoom at kasabay na napanood ng live sa Facebook page ni Angeline last Monday.

Pag-amin pa ni Angeline, mas inspired siyang kumanta ngayon dahil masaya ang kanyang puso.

“Ay, masaya po ako ngayon. Isa po iyan sa nagpapasaya sa akin ngayon. Walang kasing saya, kung tutuusin. Masasabi ko napakasaya talaga.

“‘Tsaka syempre, sa lahat ng mga tao na nandiyan. Siguro ang sagot ko na lang diyan, kung magpapanood niyo ang concert ko baka, baka ano…..masabi ko lahat. Marami po akong sorpresa doon na maisi-share ko sa lahat.

Continue reading below ↓

“Napakarami ko pong announcement at sorpresa sa concert ko.

“At kahit ako mismo talagang excited ako na mai-share sa lahat ng mga tao ang napaka-espesyal na sasabihin ko.

“Basta! Ayoko munang anuhin i-announce,” pabitin na sabi ni Angeline.

May malaking pasabog din daw si Angeline sa concert niya.

“Meron!” kumpirma pa ni Angeline.

Ano ang profession ng bagong lalaki sa buhay niya?

“Secret! Hahahaha!”

At bago pa man yumao ang kinikilalang ina ni Angeline na si Mama Bob ay na-meet na nito ang kanyang bagong karelasyon.

“Oo, kinikilig nga siya [Mama Bob], e. Para ngang siya ang dyowa e,” biro pa ni Angeline.

ANGELINE STILL GOOD FRIENDS WITH EX-BF ERIK SANTOS

Dahil live sa Facebook ang ginanap na mediacon for her concert, mabilis na nakarating kay Angeline ang reaksyon ng fans nila ni Erik Santos base sa mga naka-post sa comment-section.

Agad namang nagbigay ng mensahe si Angeline para sa mga nalungkot na fans nila ni Erik.

Paglinaw niya, “May mga bagay din kasi sa amin ni Erik na sa amin lang. Yung masyadong personal siyempre, kumbaga, hindi naman lahat kailangang ipaalam sa tao. Pero yung sa amin ni Erik kung ano meron kami ngayon, maayos po kami bilang magkaibigan.

“Pero sobrang mahal namin ni Erik Santos ang aming fans. At lagi naming pinag-uusapan. Kumbaga, alam din naman ng mga tao siguro na kung hindi man nag-work yung sa amin before, siguro may mga dahilan din ang bawat isa.

“Pero gusto ko lang din sabihin sa kanila na never nagkaroon sa amin ni Erik ng samaan ng loob. Walang ganoong nangyari.

“Kumbaga, siguro talagang, wala na naman kaming ibang… ano pang magagawa namin kung hanggang magkaibigan lang talaga kami? So, hindi na namin pinilit."

“Para rin sa kaalaman ng lahat. May mga nagtanong kasi sa akin kung nagkaroon ba ng samaan ng loob.

“Walang ganoon. Sobrang okey kami ni Erik. Kasi unang-una, kung siya naman ang may karelasyon, okay lang ako. Kung meron akong ka-relationship, alam niya. So, ganoon.

Continue reading below ↓

“Actually, kaming tatlo iyan ni Erik at saka ni Yeng [Constantino]. Silang dalawa ang nakakaalam niyan. So, ayun.

"Wala namang dapat ikasama ng loob ang ‘AngErik’ babies. Kasi maayos pa rin naman kaming magkaibigan at magkatrabaho, e. Ever since naman,” paniniyak pa ni Angeline.

ANGELINE PROUD OF STAR-STUDDED LINEUP FOR SPECIAL SHOWS

Ang 10Q concert series ni Angeline ay gaganapin sa new and improved MET Theater (dating Metropolitan Theater) simula October 29-30, November 26-27, December 25-26 this year hanggang January 28-29 and February 18-19, 2022.

Si Angeline din ang producer ng 10Q. Dahil dito, may nag-iisip na ang yaman-yaman na ni Angeline para makapag-produce ng concert not just for a night, kundi sampung gabi na may iba-iba pang theme/concept bawat show.

"Grabe naman!” react ni Angeline.

“Hindi naman marami. Pero dapat lang. Tsaka, bakit naman hindi?

“E, since may pandemic po, at mahirap gumawa ng show ngayon.

"Sampung taon kasi. Kumbaga, kapag lumipas ang sampung taon na ito, hindi ko na mababalikan, e. Tingnan niyo, kahit na may nangyayaring ganyan sa paligid natin, marami pa rin talagang dapat ipagpasalamat, di ba?"

Continue reading below ↓

Sa unang gabi ng concert, ang Asia' s Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang special guest. Ang iba pang guests ni Angeline sa kanyang 10-part concert series ay sina Vice Ganda, Luis Manzano, Andrew E at marami pang iba.

ANGELINE quinto MAKES MUSIC HISTORY

Si Angeline ang kauna-unahang music artist na magku-concert sa newly renovated at makasaysayan ring MET Theater.

Pagbabalik-tanaw ni Angeline, nadadaanan daw niya ang MET dati noong nakatira pa sila ng kanyang Mama Bob sa Sampaloc, Manila.

“Si Mama Bob talaga yung nagku-kuwento sa akin kung ano ba yung Metropolitan Theater dati.

"So, sa kanya ko nalaman na doon pala nagpe-perform ang mga sikat na artista katulad nila Ms. Nora Aunor, si Vilma Santos. Talagang nagku-concert daw doon. So, Sabi ko, 'Talaga, Ma?'

“Sabi ko, 'Para siyang Music Musem dati?' 'Oo, ganung kasikat ang lugar na yun! Kaya lang, kapag madadaaanan namin iyan ni Mama Bob dati, naabutan ko kasi siya sarado na, e. Marami ng yerong nakaharang sa labas. Yun na yung naabutan ko, e.

Continue reading below ↓

“Pero sabi ko sa sarili ko, sayang. Napaglipasan na ng panahon. Tapos, kung kailan ako nabigyan ng chance maging performer din at eto't yung trabaho ko, maging singer, hindi na ako nakapag-perform doon.

“Kaya sabi ko, kung mabibigyan ng pagkakataong mabuksan ito ulit, pero alam kong impossible. Ganoon ang nasa isip ko talaga. Imposible na. Kasi sino ba ang gagawa ng paraan para mabuksan 'to? Ganoon yung nasa isip ko dati.

“E, one time nakita ko sa Facebook parang may nag-post na nabuksan siya ulit. Tapos, ang ganda-ganda na, kasi naayos. Tapos, biglang tumayo ang balahibo ko kasi naalaala ko si Mama Bob.

“Sabi ko, kung sakaling buhay ang Mama at ipapakita ko yun, alam na alam kong naririnig ko kay Mama Bob unang-una, 'Sana makakanta ka diyan.' Alam ko na ganoon ang masasabi niya.

“Tapos, tingnan mo, ang galing-galing. Parang lahat ng plano ng Diyos sa akin parang naka-ano talaga, nakaplano lahat.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, naka-tadhana. Hindi ko in-expect na yung sampung taon ko, yung selebrasyon ko magaganap sa Metropolitan.

"Kaya nung nagre-rehearse ako doon, talagang walang ibang nasa isip ko kundi yung kapag dumadaan kami ni Mama Bob na naka-jeep, tinitingnan ko.

“Tapos, nung time na rehearsal namin, nasa loob na ako. Nandoon ako sa stage kumakanta. Grabe yung pamiramdam na iyon. Sabi ko, 'Mama Bob, para sa 'yo 'to. Alam kong tinulungan mo akong mangyari ito.'

“Kaya I'm sure, kung nasaan man ang Mama ngayon, masayang-masaya siya,” pagbabalik-tanaw ni Angeline.

Ang 10Q concert series ay sa ilalim ng direksyon ni Dido Camara at si Marvin Querido naman ang musical producer.

Mabibili na ang tickets para sa 10Q via www.ktx.ph. Ang single ticket ay nagkakahalaga ng P499 at ang 10Q pass naman ay P3,499.

Mapapanood ang 10Q online exclusively sa KTX, iWantTFC, at TFC IPTV.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto promises a truckload of revelations and other surprises in her 10-part 10Q concert series, which kicks off on October 29, and ends in February 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results