Keifer Sanchez no longer part of It's Showtime management; is he still part of TNT Boys?

by Melba R. Llanera
Nov 3, 2021
Keifer Sanchez on being part of TNT Boys together with Mackie Empuerto and Francis Concepcion: "Kahit nasa ibang management ako, nasa ibang management sila, di kami naapektuhan. Magkakasama pa rin kami."
PHOTO/S: @keifersanchezofficial Instagram

Kahit wala na sa It's Showtime management, na siyang bumuo ng TNT Boys, siniguro ni Keifer Sanchez na buo pa rin ang grupo nila at suportado ng mga kagrupo ang desisyon niyang lumipat ng bagong management.

"Solo artist po ako sa management na ito, pero magkakasama-sama pa rin kami," bungad ni Keifer sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I mean, kahit nasa ibang management ako, nasa ibang management sila, hindi kami naapektuhan. Magkakasama pa rin kami.

"Like, last time, nag-Magandang Buhay kami na kaming tatlo tapos Showtime."

Hindi raw isyu samga kagrupo niyang sina Mackie Empuerto at Francis Concepcion ang paghiwalay niya ng management.

Paglilinaw ni Keifer, "Tampo? Ay hindi, supportive sila sa akin. Hindi ko binanggit sa kanila pero nalaman nila nung mag-meeting ang mga parents namin.

"Dun nila nalaman na mag-iibang management ako, pero wala silang sinabi na iba sa akin. Nagsu-support sila sa akin."

Nakapanayam ng PEP.ph si Keifer nang pumirma siya ng kontrata sa MAK Entertainment Services noong October 23 sa Avelina's Kitchen restaurant sa Quezon City.

Ang MAK ay isang talent management company na nagproprodyus din ng concerts.

Continue reading below ↓

Inamin ni Keifer na hindi siya nagpaalam sa Showtime management nang lumipat siya sa MAK.

Ang It's Showtime management ang humahawak sa career ng winners mula sa iba't ibang competition segments ng noontime show.

"Wala akong sinabi sa kanila since wala na akong contract sa kanila. Wala na, tapos na," simpleng saad ni Keifer.

ON PURSUING SOLO ACTS

Ang desisyong mag-explore at subukang gawin ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa ang mga rason na ibinigay ni Keifer kung bakit siya nagdesisyong pumirma sa MAK Entertainment Services.

Ayon kay Keifer, marami siyang bagay na gustong subukan na hindi pa niya nagagawa sa loob ng mga taong itinakbo ng kanyang karera bilang isang singer.

"Siguro gusto kong mag-explore, since marami akong gustong gawin, nag-explore ako ng mag-ibang ganap.

"Gusto ko magkaroon ng single album, mag-play ng piano habang kumakanta. Hindi ko pa nagagawa yun. Gagawa ako ng one-man band."

Nang tanungin kung kaninong career path ba ang gusto niyang gayahin o sundan, agad na nabanggit ni Keifer ang international singer na si Harry Styles.

Continue reading below ↓

"Gusto ko mala-Harry Styles. Nakukyutan ako sa styles niya and gusto ko ang mga songs niya. The way siya na manamit, super cool "

Ayon pa kay Keifer, nasa planning stage pa ang mga proyektong gagawin niya sa MAK Entertainment at hinihintay niya lang ang mga ito.

"Planning pa sila sa ibang ganap sa akin, hindi pa nila sinabi sa akin.

"Out of the country? May nabanggit silang ganun pero hindi ko pa alam kung kailan.

how keifer handled change in his SINGING VOICE

Isa sa kadalasang nagiging problema ng mga batang singers ay ang pagbabago ng timbre ng kanilang boses pag pumapasok na sila sa adolescence year

Napagdaanan ito ni Keifer, na 16 years old na ngayon.

Kuwento niya, "Nag-start ang transition ng boses ko, 2019.

"Pagkatapos ng world tour namin, sobrang nag-voices kami ng ilang weeks, tapos kumanta kami uli.

"Yung ibang songs na kinakanta namin na original na pitch, binabaaan namin ng half or whole, pero di nahahalata yun kasi mataas pa rin naman ang boses namin.

Continue reading below ↓

"Pero nung 2020, pandemic yun, walang mga ganap, hindi kami nakakakanta sa iba't ibang places.

"Nagpa-practice ako para bumalik ang boses ko at makakanta ako ng mga bagong songs na panlalake talaga.

"Nagbago ako sa mga kinakanta, naninibago ako sa the way ako kumanta ngayon. The way kasi ako kumanta noon, birit talaga, pero ngayon chill-chill lang."

Pero para sa TNT Boys member, mas gusto niya ang timbre ng kanyang boses ngayon.

"Siguro yung ngayon. Okay na yung birit-birit noon, marami na kami ginawa sa mga birit-birit namin, yung mga high notes naabot na namin.

"Ngayon, gusto kong malaman kung gaano kataas ang boses ko ngayon na nag-transition na."

MUSICAL IDOLS

Inisa-isa rin ni Keifer ang singers na gusto niyang ma-collaborate kung mabibigyan siya ng tsansa.

Sabi niya, "Sa international, si Bruno Mars. Sa local, sila Erik Santos and Jed Madela sa lalake; sa babae, si Ate Morissette. Idol ko siya talaga nung una pa."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keifer Sanchez on being part of TNT Boys together with Mackie Empuerto and Francis Concepcion: "Kahit nasa ibang management ako, nasa ibang management sila, di kami naapektuhan. Magkakasama pa rin kami."
PHOTO/S: @keifersanchezofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results