KZ Tandingan, Maymay Entrata, Gigi de Lana, Ogie Alcasid release new songs, albums for Star Music and its labels

by Jerry Olea
Nov 5, 2021
star music artists
Star Music artists (top, from left) KZ Tandingan, Maymay Entrata, Gigi de Lana (bottom, from left) Rachel Alejandro, Ogie Alcasid, and Erik Santos release new singles and albums
PHOTO/S: Star Music

Mula nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN na nagbunsod upang tumigil ang pagbo-broadcast nito, walang duda ang pamamayagpag ng GMA Network sa telebisyon.

Ratings-wise at sa commercial load, waging-wagi ang Kapuso station. Kahit rerun o replay, panalo ang mga programa ng GMA.

Ngayong nalalapit ang eleksyon… siksik, hitik, liglig at nag-uumapaw ang mga patalastas sa Siyete.

Sa larangan ng pelikula, umariba ang Viva sa streaming ng mga bagong pelikula nang ilunsad ang Vivamax noong Enero 2021.

Break-out star ng Vivamax si AJ Raval na tampok sa mga pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Death of A Girlfriend, Nerisa, Taya, Shoot Shoot (Di Ko Siya Titigilan), at iba pang forthcoming movies.

Pito-pito man ang sensibility ng karamihan sa Vivamax originals, walang ibang film factory na nakasabay rito.

Mula Setyembre hanggang Nobyembre, linggu-linggo ay may bagong local movie ang Vivamax. Labu-labo sa promo, kina-cannibalize ang isa’t isa.

Sa Comscore ratings ng multicultural Asian households sa Amerika, nakaputong pa rin sa The Filipino Channel (TFC) ang korona.

Continue reading below ↓

TFC pa rin ang nangungunang Filipino channel sa USA. Ratsada nitong Agosto 30-Setyembre 26 sa bansa ni Uncle Sam ang Kapamilya shows sa pangunguna ng FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, TV Patrol Global Edition, Init sa Magdamag, at Marry Me, Marry You.

Sa larangan ng musika, tuluy-tuloy rin ang mga bagong awit mula sa mga label ng ABS-CBN. More and more din ang pa-concert ng mga Kapamilya, na lalong nagpapatibay sa KTX.

KZ TANDINGAN'S "11:59"

Pang-international ang bagong kanta ni KZ Tandingan, ang "11:59," na unang project niya sa Tarsier Records.

“It's the realization of a vision. Parang after my X Factor 2012 stint, the dream was always to go international, to represent the country on the world stage. And now I get to release this,” pahayag ng Asia’s Soul Supreme.

Itinuturing na KZ na ang nasabing soul single ang pinakamalapit na awit sa kung sino siya bilang artist.

Continue reading below ↓

“Out of all the songs I’ve released in the past, this I think is the closest to who I really am. This is really what I wanna do with my music, the sound I want to release out there,” sabi ni KZ.

kz tandingan 11:59

Nagpakitang-gilas ang "11:59" sa New Music Friday playlist ng Spotify sa 10 territories — Malaysia, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Taiwan, Vietnam, Thailand, Gulf, Korea, at Pilipinas — pagkatapos itong ilunsad noong Oktubre 22, Biyernes.

Continue reading below ↓

Sunod-sunod ang mga proyekto ni KZ ngayong 2021. Siya ang umawit ng unang full Filipino version ng Disney song na Gabay para sa animated film na Raya the Last Dragon.

Naglabas siya ng wedding EP na pinamagatang Simula kasama ang asawang si TJ Monterde.

Si KZ ang interpreter ng "Marupok" na Best Song sa Himig 11th Edition.

MAYMAY ENTRATA'S "AMKABOGERA"

Si Kisses Delavin, lumaban sa Miss Universe Philippines 2021 kung saan takaw-pansin ang kanyang pagrampa.

Ang kakontemporaryo niyang si Maymay Entrata, may sagot sa toxic na beauty standards sa single niyang "Amakabogera" mula Star Pop.

Pagmamatuwid ni Maymay, “Lahat ng tao, parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan.

“Itong 'Amakabogera,' kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”

maymay entrata amkabogera

Continue reading below ↓

Sa music video ng "Amakabogera," rumampa si Maymay sa runway, todo ang pagsayaw sa nakakaindak na choreo, suot ang nakakaakit na red dress.

May ‘just-woke-up’ look siya rito na nagpapakitang proud siya sa kanyang natural na ganda.

Ang unang digital concert ni Maymay na Mpowered ay mapapanood sa Nobyembre 26, Biyernes ng 8:30 pm (PHT) sa KTX, iWantTFC, at TFC IPTV.

Special guests sa virtual concert sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Mimiyuuuh, at Nyoy Volante.

P299 ang halaga ng tiket sa main concert.

P899 ang VIP ticket, at P1399 ang SVIP ticket, na may kasamang Zoom after party admission kasama sina Maymay, DJ Jhai Ho at Edward Barber.

May rerun ang Mpowered sa Nobyembre 27, Sabado ng 10:00 am (PHT).

“Maipagmamalaki ko po na labis ang paghahanda namin dito at marami kaming pasabog na ngayon ko lang gagawin,” pangako ni Maymay kaugnay sa mga dapat abangan sa kanyang concert.

GIGI DE LANA'S "SAKALAM"

Nasasaktan si Gigi de Lana kapag kinakanta ang debut single niyang "Sakalam."

Continue reading below ↓

Bahagi ng lyrics ng nasabing power rock ballad"

“Hinay ka lang, pusong maramdam/ Sakit ay sakalam/ Ito na ang gabing walang buwan

“Sana naman, iyong pakinggan/ Kahit masaktan, pusong humihiyaw/ Sumisigaw, ang hinahanap ay ikaw.”

Sabi ni Gigi, “Nilalagay ko yung sarili ko sa song kasi gusto kong kantahin na punung-puno ng soul. Sobrang nakaka-relate kasi sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay.”

Ini-record ni Gigi ang "Sakalam kasama" ang mga miyembro ng The Gigi Vibes band na sina Jon Cruz, Jake Manalo, LA Arquero, at Romeo Marquez.

gigi de lana sakalam

Continue reading below ↓

Bahagi si Gigi sa Filipino music festival na 1MX Dubai sa Disyembre 3, Biyernes, sa Trade Centre Arena ng Dubai, UAE.

Sa Disyembre rin ang kanyang digital concert na YouTube Music Night.

Bida rin si Gigi sa original series ng Asian streaming platform iQiyi na pinamagatang Hello Heart, kung saan leading man niya si Gerald Anderson.

ONE DREAM: BINI & BGYO CONCERT

Magpapasiklab ang sibling concert na One Dream: The BINI & BGYO Concert sa Nobyembre 6 at 7, Sabado at Linggo, sa KTX, iWantTFC, at TFC IPTV.

Sulit ang concert dahil mahigit 40 na awitin ang kakantahin ng BINI at BGYO, kabilang na ang mga awitin mula sa album nilang Born to Win at The Light. Magkaiba ang setlist sa dalawang show.

bini concertPanauhin sina AC Bonifacio, Kritiko, at KZ Tandingan sa Nobyembre 6.

Continue reading below ↓

Sa Nobyembre 7 naman, mas maraming live collaborations ang BINI at BGYO, at may sub-unit performances.

Ang SVIP tickets ay nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.

Mayroon ding VIP tickets sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.

bgyo concert

Continue reading below ↓

Sabik na sabik ang fan groups nilang BLOOMs at ACEs sa concert kaya sold-out agad ang limited edition concert merchandise nila sa loob ng sampung minuto nang maging available ito.

Afterwards, magpapayanig sa international fans ang BINI at BGYO sa 1MX Ultimate Music Festival sa Dubai, UAE sa Disyembre 3.

RACHEL ALEJANDRO'S FIRST ALBUM WITH STAR MUSIC

Hatid ni Rachel Alejandro ang bagong bersyon ng walong Original Pilipino Music (OPM) hits sa kanyang unang album sa Star Music, ang Rachel Alejandro: The Great OPM Songbook Vol. 1.

Bida sa album ang jazz version niya ng "Ang Pag-ibig Kong Ito," na orihinal na awitin ni Leah Navarro.

Kasama rin sa album ang mga kantang "Catch Me, I’m Falling," "Hanggang," "Ikaw," "Kahit Habang Buhay," "Kung Ako Ba Siya," "Kung Ako Na Lang Sana," at "Sabi Na Nga Ba."

rachel alejandro music

Continue reading below ↓

Tinagurian bilang orihinal na Queen of Heartbreak Songs, mahigit tatlong dekada na sa industriya si Rachel.

Ilan sa mga pinakatumatak niyang awitin ang "Paalam Na," "Nakapagtataka," "Kaytagal." at "Mr. Kupido."

Sumabak din siya sa pagiging aktres, producer, host, at entrepreneur.

Kasama si Rachel sa sa inaabangang Kapamilya teleserye na The Broken Marriage Vow.

OGIE ALCASID'S CHRISTMAS SONG

Tampok ang Christmas traditions ng mga Pilipino sa bagong kanta ni Ogie Alcasid na "Pasko ng mga Pinoy," na ni-release ng Star Music.

ogie alcasid christmas song

Continue reading below ↓

Bahagi ng lyrics, “Napapakinggan ang mga awitan/ Ng mga bata sa matatanda/ Ng Merry Merry Christmas

“Maghahanda ng noche buena/ Kahit lugaw ay okey na/ May pa-softdrinks man lang/ De latang give-away/ Basta’t kasama ang buong pamilya

“Ang Pasko ng mga Pinoy/ Ibang-iba, laging masaya/ Pagsapit ng December/ ‘Kala mo’y September/ Naririnig mo na ang Christmas in Our Hearts”

Humahaplos at kumukurot sa puso ang music video, kung saan kabahagi ang mga mahal sa buhay ni Ogie.

ERIK SANTOS'S "SIGAW NG PUSO"

Tagos sa puso ang pagsasamo ni Erik Santos sa worship song na pinamagatang "Sigaw Ng Puso."

Isang kolaborasyon ng Star Music at Wish FM ang "Sigaw Ng Puso" na tumutukoy sa panahon ng matinding kulungkutan at naglalahad ng pakiusap at pagtitiwala sa Diyos.

erik santos inspirational song

Continue reading below ↓

“This inspirational song composed by Kuya Daniel Razon is very timely,” sambit ng tinaguriang Pop Ballad Royalty at King of OPM Theme Songs.

“Napakasarap kantahin at pakinggan ng mga awitin na tulad nito lalo na sa panahon na kung saan na tanging ang Panginoon lang ang ating kakapitan.

“It gives so much hope and courage to all and I feel so blessed to have been given the chance to record this beautiful masterpiece.”

TIM PAVINO'S "WE WERE 16"

Nagbalik-tanaw si Tim Pavino sa isang young love, sweet love sa bagong single niyang "We Were 16" na ini-release ng Star Music.

Paliwanag ni Tim tungkol sa kanta, “It’s about a time in your life where you let go of your TOTGA (the one that got away) and you begin to reminisce the sweet memories as you move forward in life.

“I hope it can be a reminder that no matter what happens, good or bad, there is always something special to look back on and be thankful for.”

Continue reading below ↓

Isinulat ni Tim ang "We Were 16" kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus ng kanta.

tim pavino we were 16

JON GUELAS'S "DID I LET YOU GO"

Malalim ang hugot ng Filipino-British singer-songwriter na si Jon Guelas sa kantang "Did I Let You Go," na mapapakinggan simula Nobyembre 5, Biyernes, sa iba’t ibang digital platforms.

Continue reading below ↓

“The song was inspired by a breakup, thinking about a relationship I let just slip out of my hands,” saad ni Jon.

“I try to write from an honest and real perspective and I guess, heartbreak is really where most of that comes from.

“I’ve held onto this song for over a year now and I think it's finally time to let go and release it to the world.”

jon guelas did i let you go

Continue reading below ↓

Nagsimula si Jon ng kanyang singing career bilang contestant ng The X Factor UK noong 2018. Naging bahagi siya ng boyband na United Vibe, na nagbigay pagkakataon para makapag-perform siya sa iba’t ibang bansa.

Nilisa ni Jon ang grupo sa pagsisimula ng 2021, at sumabak siya bilang solo artist. Naglunsad siya ng mga awiting "Wonderland" at "Out of Love."

Itong heartbreak song na "Did I Let You Go" ang unang proyekto ni Jon sa ilalim ng Tarsier Records, isang record label ng ABS-CBN Music na naglalayong ibida ang tunog Pinoy sa buong mundo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Music artists (top, from left) KZ Tandingan, Maymay Entrata, Gigi de Lana (bottom, from left) Rachel Alejandro, Ogie Alcasid, and Erik Santos release new singles and albums
PHOTO/S: Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results