Alamat members learn Chavacano for cover version of "Porque"

by Jojo Gabinete
Nov 8, 2021
alamat porque
Filipino sing-rap-dance boy group Alamat's latest single is "Porque," first popularized by Zamboanga-based alt-pop band Maldita in 2011.
PHOTO/S: @alamat_official on Instagram

Ang "Porque" ang bagong single ng Alamat, ang octet sing-and-dance-group nina Taneo, Mo, Jao, Tomas, R-Ji, Valfer, Gami, at Alas na madalas na ikinukumpara sa mga sikat na K-pop group.

Hindi naging madali sa Alamat na i-record ang "Porque" dahil nag-aral pa sila ng Chavacano, ang pinaghalong Spanish at Visayan dialect ng mga kababayan natin sa Zamboanga.

Wala ni isa sa walong miyembro ng Alamat ang marunong magsalita ng Chavacano kaya pinag-aralan nilang mabuti ang wastong pagbigkas ng mga salita ng mga Zamboangueño.

Ipinakanta sa Alamat ang "Porque" na may mid-tempo "ballad" dahil ang isulong ang iba’t ibang dialect sa Pilipinas ang isa sa mga adbokasiya ng grupo na itinatag ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

Hindi ang Alamat ang original singer ng "Porque" dahil una itong pinasikat ng Zamboanga-based alt-pop band na Maldita.

Big hit noong 2011 ang "Porque" na inawit ng Maldita sa Chavacano dialect, pero nagkaroon ng Tagalog version dahil sa tagumpay ng kantang nagustuhan nang husto ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Para sa cover ng Alamat sa "Porque" ngayong 2021, pinagsama ang mga Tagalog at Chavacano dialect at gustung-gusto ng grupo ang resulta ng kanilang pinaghirapan na kanta.

Itinatag ni Jason ang Alamat noong 2020 habang pinoproblema ng buong mundo ang coronavirus pandemic.

Pormal na ipinakilala sa publiko ang mga miyembro ng Alamat noong March 2021 na itinuturing nilang highlight ng kanilang singing career.

Sabi ni Mo, “We were able to show the whole country, actually, the world that we have what it takes to raise our style of multilingual pop and hip hop dance music into the mainstream.”

Popular sa millennials ang "k-bye" at "kasmala," ang dalawa sa mga hit song ng Alamat na naging kontrobersiyal nang ilunsad sila walong buwan na ang nakalilipas dahil matindi nga ang pagkukumpara sa kanila sa ibang mga sikat na K-pop band.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino sing-rap-dance boy group Alamat's latest single is "Porque," first popularized by Zamboanga-based alt-pop band Maldita in 2011.
PHOTO/S: @alamat_official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results