Ex Battalion concert has 80 slots left for PHP35K ticket, a.k.a. "Atin ang Gabi" package

by Rose Garcia
5 days ago
ex battalion members
Ex Battalion will hold its major concert EVOLUXION on December 11, 2021, and the tickets range from PHP300 to PHP35K.
PHOTO/S: PR

Hindi papipigil ang Ex Battalion sa pagkakaroon ng concert ngayong pandemya.

EVOLUXION ang title ng digital concert ng grupo na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong December 11, 2021, at mai-stream nang live sa ktx.ph.

Kapansin-pansin ang halaga ng tickets—mula sa Troop 1 na nagkakahalaga ng PHP300 hanggang Troop 7 na nagkakahalaga ng PHP35,000 bilang ito ay para sa mga VVIP.

Sina RS Francisco at Sam Verzosa ang producers ng concert.

Ang tanong: Maa-afford kaya ang PHP35,000 ticket given na pandemya ngayon?

Karamihan rin sa fans ng grupo ay mga kabataan o estudyante.

THE PHP35K "ATIN ANG GABI" PACKAGE

Sulit daw ang perks na makukuha ng fans sa VVIP tickets.

Saad ni RS, “...ako ang may sabi na maglagay tayo ng VVIP kasi meron talagang gustong maki-bonding and all.

“Ngayon, as of now, doon sa one hundred na yun, meron ng twenty percent sold. So meron na lang eighty slots kasi limited.

Continue reading below ↓

"Binigyan ko po talaga ng premium yung true-blue fans ng Ex Battalion. At talagang literal, up close na experience with them.

"Kasi, normally, kapag VIP... ang ikina-VIP noon, e, nandoon ka lang sa harap, nakilala mo lang, pero hindi ka pa rin nakilala ng artist.

"Hindi mo pa rin sila naka-bonding. Hindi mo rin masasabing naka-dinner mo sila.

"‘Eto talaga, literal, kapag nakuha mo ang ‘Atin ang Gabi’ package worth PHP35,000.

"Bukod sa marami ka ng Ex Battalion merchandise, masasabi mo talaga at ma-My Day mo pa yung dinner mo with them. Yun talaga ang literal na bonding.”

Sa halagang PHP35,000, may printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via Zoom, signed EXB poster, EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt, at jacket.

Meron ring exclusive dinner with the EXB at exclusive access sa Listening party featuring never-before-heard tracks ng grupo. May cocktails pa!

THE PHP300 REDUCED TICKET PRICE

Alam naman ni RS bilang producer na hindi lahat ng fans ng EXB ay maa-afford ang five-digit amount, kaya ang PHP300 ay reduced price na na.

Continue reading below ↓

Aniya, “Actually, ang pinakamurang ticket lang namin dapat ay PHP600. Pero kami na mismo ni Mr. Sam ang nagsabi na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mapanood kayo.

“Kaya babaan natin nang PHP300.

"Of course, kinonsulta po namin ito sa lahat, sa buong Ex Battalion bilang co-producers po sila, e. Lahat ng papasok na revenues, hating-kapatid po ang Front Row at Ex Battalion po dito.

"So, in a nutshell, binigyan ko ng VVIP tickets na medyo pricey and luxurious, pero yung PHP600 tickets, binabaan ko rin naman po para yung mga batang gustong mapanood sila.

“Masasabi ko rin po, kahit yung PHP300 ang ticket, masasabi na grabe, hindi lang PHP300 yung value."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex Battalion will hold its major concert EVOLUXION on December 11, 2021, and the tickets range from PHP300 to PHP35K.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results