Julie Anne San Jose admits there are things in her life that still need "healing"

by Rose Garcia
Nov 19, 2021
Julie Anne San Jose Limitless Part 2: Heal
Julie Anne San Jose on how she copes with her inner wounds: "It doesn’t matter gaano katagal, at least, nagpu-progress ka, you’re getting there, you’re getting by, ina-acknowledge mo yung mga challenges and issues sa buhay mo na kailangan mong bigyan ng resolve."
PHOTO/S: @myjaps Instagram

Isa si Julie Anne San Jose sa mga Kapuso artist na tila protektado hindi lang ng sariling pamilya kundi maging ng GMA Network.

Pero hindi maiaalis na makaranas pa rin siya ng mga bagay na nakakasakit sa kanya

May bahagi ba ng buhay niya na kailangan ng "healing" o nahilom na ba siya sa bagay na ‘yon?

"At this point in time, I would say that I’m still in that phase,” pag-amin ni Julie Anne.

"Kasi, may mga things kasi tayo sa buhay natin na hindi talaga nabibigyan ng resolution.

"Like, for example, may pinagdaanan tayo na lilipas na lang, hindi nare-resolve yun."

Ipinunto ni Julie Anne na isa itong proseso na tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung tapos na ang paghilom.

"Marami akong mga ganung klaseng bagay sa buhay ko.

"Nang magpunta ako ng Siquijor... Well, not necessarily na kailangan kong mag-heal agad-agad. I mean, it takes time.

"It doesn’t matter gaano katagal, at least, nagpu-progress ka, you’re getting there, you’re getting by, ina-acknowledge mo yung mga challenges and issues sa buhay mo na kailangan mong bigyan ng resolve."

Continue reading below ↓

Hindi idinetalye ni Julie Anne kung anong partikular na aspeto ng kanyang buhay ang tinutukoy niya.

Sabi lang niya, "Hindi ka naman puwedeng mag-heal na agad-agad na, 'Okay na 'ko.' Pero paggising mo, hindi ka pa pala okay.

"So, every single day naman, process kasi siya. That’s why napakaimportante ng healing sa buhay ng tao talaga."

what to watch for in LIMITLESS PART 2: HEAL

Kung anuman ang hugot ni Julie Anne, posibleng mahinuha ito sa ikalawang yugto ng online trilogy concert niya, ang Limitless Part 2: Heal, ngayong November 20.

Kung sa Limitless Part 1: Breathe, ipinakita ng Asia’s Limitless Star ang kagandahan ng kabundukan ng Mindanao, sa ganda naman ng karagatan sa Visaya dadalhin ni Julie Anne ang mga manonood sa Limitless Part 2: Heal.

At kung marami ang humanga at nagkagusto sa part 1 ng Limitless, sinisigurado ni Julie Anne na mas marami ang magkakagusto at makaka-relate sa part 2 ngayon.

Continue reading below ↓

Mas fun at energetic ang vibe nito kumpara sa una na mas may hugot.

"Para siyang celebration, e, and it’s full of mystery. Grabe, hindi rin namin ine-expect. Kasi, when we were actually shooting, we experienced some challenges. Actually, ang dami ngang challenges.

"Pinakaunang challenge namin was the weather. At ang pinaka-highlight ay yung nag-piano ako sa sandbar. Isa rin yun sa pinaka-major challenge ng shoot, kasi nga, kailangang ilagay ang piano sa gitna ng sandbar.

"Tapos siyempre, kailangan na hindi namin maabutan ang high tide. Ang sunset, kailangan na maabutan din namin. Talagang nagdarasal kami. Umuulan siya, high tide, but it ended beautifully."

Makakasama rin ni Julie Anne ang mga Kapuso na sina Rayver Cruz at Jessica Villarubin.

At sa mga gusto pang makabili ng ticket, available ito sa gmanetwork.com/synerg.

THANKFUL TO SUPPORTERS AND GMA NETWORK

Masaya si Julie Anne dahil sa magandang feedback ang natanggap niya sa first part ng online concert.

Continue reading below ↓

Na-enjoy niya ang trabaho pati na ang paglibot sa iba't ibang lugar sa bansa.

Lahad ni Julie Anne: "Sobrang overwhelming, of course. Hindi talaga namin lubos-maisip na nakagawa kami ng ganitong klaseng project. May halong risk and, at the same time, excitement din na na-feel kami dito sa project na ‘to.

"Actually, ever since it was born, we never really expected it would be this good and, really, only aim for world class and high quality.

"I guess, it’s really one of the things that I’m proud of.

"Bukod sa nakakanta ko ang mga songs ko dito, nasu-showcase ko rin ang aking mga talents at mas nakikita at naa-appreciate din natin ang ganda ng Pilipinas.

"And sobrang happy rin ako, ang tagal ko rin hindi naka-travel and travelling is also something that I love.

"Kumbaga, all-in-one na rin siya. May performances, documentaries, and it’s like you watch a travel show."

Continue reading below ↓

Marami raw siyang natutunan sa proyektong ito.

"I’m also very thankful kasi nandiyan ang GMA Synergy, binigyan nila ako ng ganitong klaseng opportunity.

"To find myself din and rediscover kung ano yung mga dapat ko pang i-discover sa sarili ko."

At ang mapapanood nga ngayong November 20 ay Part 2 pa lamang ng Limitless trilogy kaya mas lalo raw siyang nae-excite.

DREAM PROJECTS

Sa huli, natanong si Julie Anne kung ano pa ang iba niyang dream projects.

Nasa bucket list niya ang makasama ang ilang sikat na international singers na hinahangaan niya

"Actually, parang dream nga ‘yon!” natawang pag-amin niya.

"I want to have a collaboration with an international artist. Gusto kong magkaroon ng collaboration with Rihanna, Beyonce, or probably to star in a Hollywood movie.

“I mean, that’s just my dream. Anything is possible. So, I’m hoping and praying that one day [it will happen].

"Since ano naman, Limitless, so i-limitless na rin natin ang mga pangarap natin."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on how she copes with her inner wounds: "It doesn’t matter gaano katagal, at least, nagpu-progress ka, you’re getting there, you’re getting by, ina-acknowledge mo yung mga challenges and issues sa buhay mo na kailangan mong bigyan ng resolve."
PHOTO/S: @myjaps Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results