Maymay Entrata, Angeline Quinto, SB19, Ben & Ben concerts to be streamed via KTX

by Jerry Olea
4 days ago
ktx concert
Some of the OPM artists who will stage an online concert, via KTX.ph, are (clockwise) SB19, Basil Valdez, Nina, Ben & Ben, Maymay Entrata, and Angeline Quinto.

Parami nang parami ang mga nagre-reopen na local cinemas, lalo pa’t palabas na ang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings umpisa ngayong Nobyembre 24, Miyerkules.

Sa Disyembre 1, Miyerkules, pa ipapalabas ang unang Pinoy film mula nang mag-reopen ang mga sinehan two weeks ago… ang musical na Yorme: The Isko Domagoso Story. Makikipagbakbakan ito sa marvelous Eternals.

Ratsada pa rin ang streaming ng bagong movies sa Vivamax — My Husband, My Lover sa Nobyembre 26, Pornstar 2: Pangalawang Putok sa Disyembre 3, at Dulo at Pagitan sa Disyembre 10.

Opo! Dalawang bagong pelikula ng Viva ang magsasalpukan for the first time sa Vivamax sa Disyembre 10, Biyernes.

Sabay ang Vivamax premiere ng hugot-romance movie nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na Dulo, at ng erotic drama ng mga baguhang sina Cara Gonzales at Jela Cuenca na Palitan.

Samantala, nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN sa global streaming service na iQiyi upang itaguyod ang mga kwento at talento ng Pilipino sa pamamagitan ng mga orihinal na produksiyong ilulunsad nila para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.

Continue reading below ↓

Kabilang sa kanilang ginagawang Pinoy serye para sa iQiyi ang Hello, Heart nina Gerald Anderson at Gigi De Lana, at ang Saying Goodbye at Lyric and Beat na parehong pagbibidahan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Streaming ang Saying Goodbye umpisa Disyembre 4. For next year pa ang musical series na Lyric and Beat kung saan co-stars ng SethDrea sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Nyoy Volante, Agot Isidro, Joanna Ampil, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, at Angela Ken.

MAYMAY'S MPOWERED

Ariba rin ang OPM concerts sa KTX bago magtapos ang taon.

Magpapayanig ang unang digital concert ni Maymay Entrata na MPowered sa Nobyembre 26, Biyernes.

mpowered poster

Continue reading below ↓

Bukod sa mga solo performance niya, ipapakita ni Maymay ang pagiging multi-talented kasama ang apat niyang panauhin.

Katuwang niya sa katatawanan si Mimiyuuuh, sa hataw na sayawan si AC Bonifacio, sa pasiklaban sa kantahan at sayawan si Darren, at sa mapusong pagkanta si Nyoy Volante.

Sa halagang P899, maaring mapanood ang concert at makasama sa Zoom after party with Edward Barber and DJ Jhai Ho.

TEN YEARS OF ANGELINE QUINTO

Tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng natitirang siyam na concerts ni Angeline Quinto sa 10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theater.

Panauhin ni Angeline si Vice Ganda sa Nobyembre 26, Biyernes, at si Erik Santos sa “Pangarap” episode sa Nobyembre 27, Sabado.

P3,000 ang season pass para sa natitirang concerts, samantalang P499 ang halaga ng kada concert.

angeline quinto 10q concert

Continue reading below ↓

SB19'S THE ZONE

Live mula sa Araneta Coliseum ang third anniversary concert ng SB19 na The Zone sa Nobyembre 27 at 28, Sabado at Linggo.

Sa mga gustong maging live audience at ma-stream ng live ang two-day concert, Live Sound Check, magkaroon ng P1,000 worth of Gift Card na pwedeng ipambili sa SB19 Official Online Shop, at isang raffle ticket para manalo special prizes, available pa rin ang Zone19 ticket sa halagang P5,500.

Sa halagang P4,000 o tinatawag na Zone B ticket, maari pa ring ma-enjoy ang nasabing perks maliban sa maging live audience member.

Sa mga gusto lang manood ng isang araw na concert, available ang tiket sa halagang P1,000.

sb19 our zone

Continue reading below ↓

NINA, BEN & BEN, other artists

Handog ni Nina ang Nina Live: The Divas Edition sa Nobyembre 30, Martes at Disyembre 1, Miyerkules.

Pasabog ang unang back-to-back online music festivals na 1MX Dubai at 1MX Manila sa Disyembre 3, Biyernes, sa halagang P499.

Tampok dito sina Bamboo, Moira dela Torre, Gigi de Lana, EZ Mil, BGYO, BINI, AC Bonifacio, Angela Ken, Carlo Bautista, FANA, Jayda, Jeremy G, Kritiko, Lian Kyle, Nameless Kids, Sab, at Trisha Denise.

Magpapakitang-gilas ang Ben & Ben sa kanilang unang major online concert na Kuwaderno, na mapapanood nang LIVE sa Disyembre 5, Linggo, sa Big Dome.

Pwedeng maharana ng Ben & Ben sa zoom at makapunta sa Ben & Ben house ang bibili ng Tinatangi ticket sa halagang P8,000. Isang virtual backstage tour ang kasama ng Mahiwaga ticket sa halagang P5,500. Meron namang libreng Ben & Ben merchandise ang bibili ng Magka-ibigan ticket sa halangang P3,500, o hindi kaya ang Kaibigan ticket kung saan magkakaroon ng access ang fans sa concert.

Continue reading below ↓

kuwaderno ben & ben

Live mula sa Los Angeles, California, USA, handog ng KTX ang Merry and Bright MusicFest sa Disyembre 5, Linggo (3:00 PM PST/6:00 PM EST). Tampok sina Mon David, Louie Reyes, Miguel Vera, at Annie Nepomuceno ang jazzy music festival na ito.

Buksan ang puso at isipan, paliparin ang kamalayan… Ang Muling El Bimbo: AHEB Homecoming Concert sa Disyembre 10, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Continue reading below ↓

Ito ang First LIVE concert na may audience sa NPAT. Ang KTX streaming nito ay sa Disyembre 12.

CHRISTMAS WITH THE STARS

Pangungunahan ng Kilabotitos na sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion ang Christmas fundraising concert na Christmas with the Stars sa Disyembre 11, Sabado, 7:00 PM.

Kabahagi rito sina Regine Velasquez- Alcasid, Martin Nievera, Jose Mari Chan, Lani Misalucha, The Company, Dingdong Avanzado, Noel Cabangon, Christian Bautista, Aicelle Santos, Ryan Cayabyab Singers, Lara Maigue, Gian Magdangal, Poppert Bernadas, Moira Lacambra, Krystle, Maestro Ryan Cayabyab, at iba pa.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa independent production workers.

christmas with the stars

Continue reading below ↓

Kabilang pa sa forthcoming concerts na mag-i-streaming sa KTX ang mga sumusunod:

Salubong: The Christmas Concert ng Sponge Cola, Aegis, at CLR sa Disyembre 10 at 11, Biyernes at Sabado.

Evoluxion ng Ex Battallion sa Disyembre 11, Sabado.

Holiday Serenade ng WWF sa Disyembre 17-19, Biyernes-Linggo.

Christmas with the Gs ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Disyembre 18, Sabado, 8:00 pm.

Sundin ang Loob Mo ni Basil Valdez sa Disyembre 18 at 19, Sabado at Linggo.

The Company: The Christmas Roadtrip ng The Company sa Disyembre 25 at 26, Sabado at Linggo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some of the OPM artists who will stage an online concert, via KTX.ph, are (clockwise) SB19, Basil Valdez, Nina, Ben & Ben, Maymay Entrata, and Angeline Quinto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results