Ogie Alcasid reveals a nurse inspired him to write the song "Bayaning Tunay"

by Jerry Olea
Nov 30, 2021
ogie alcasid instagram
Ogie Alcasid: "The reason why I wrote this song, 'Bayaning Tunay,' is because there was a time na yung ating frontliners, talagang… napabayaan, 'no? I felt… I felt that since the pandemic is… I can’t say it’s coming to an end, but it feels like, ahhh, things are getting better, I think. Parang huwag natin silang kalimutan na pasalamatan sa mga nagawa nila."
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram

Nagsanib-puwersa ang OPM artists sa kantang isinulat ni Ogie Alcasid para sa frontliners na pinamagatang "Bayaning Tunay."

“It’s being edited right now. Andiyan sina Bamboo, sina Ely [Buendia], Rico Blanco,” sabi ni Ogie sa virtual mediacon nitong Nobyembre 29, Lunes.

ASAP artists are also there. Mga Kapuso din, sina Lani Misalucha, sina Christian Bautista.

“The reason why I wrote this song, 'Bayaning Tunay,' is because there was a time na yung ating frontliners, talagang… napabayaan, 'no?

“I felt… I felt that since the pandemic is… I can’t say it’s coming to an end, but it feels like, ahhh, things are getting better, I think.

“Parang huwag natin silang kalimutan na pasalamatan sa mga nagawa nila.

“And especially me, because when my father passed away, na-witness ko talaga virtually just how hard they were.

“And I remember when my dad was dying in the hospital… ay, ang hirap na hirap akong makipag-communicate sa kanya…

Continue reading below ↓

“Dahil hindi na nga siya… mahina na siya… hindi na niya makontrol yung phone niya.

“So, I had to look for a nurse. And during that time, ang taas-taas ng kaso ng COVID. Walang umooo sa akin.

“And there was this guy… parang sabi niya, ‘Sige, Sir, gagawin ko po 'yan. His name is William Gonzaga, hindi ko makalimutan yung pangalan niya.

“And parang siya ang nagsilbing angel, ‘no? Siya yung go-between ko, between me and my dad.

“Siya yung nagpapaligo sa daddy ko. Tapos, siya yung nagbi-video, ganun.

“And hanggang nung namatay na yung father ko, nung cremation — nandun pa rin siya!

“Sabi ko, ‘Grabe ‘tong taong ‘to! Grabe yung dedication niya, kaya hindi ko siya makakalimutan.

“That’s why itong mga panahong ito na feeling ko, hindi natin pwedeng kalimutan ang mga frontliners. That’s why I wrote that song.

“That song could be out, I think, next week.”

Continue reading below ↓

COLLABORATION WITH OPM ARTISTS

Madali ba niyang napapayag ang OPM artists na nakipag-collab, o mahirap dahil sa sitwasyon ngayon?

“Ako kasi, I did personally call them. Like, iisipin mo — Bamboo, Rico Blanco, Ely — parang ang hirap pagsamahin ng mga yun, di ba?” pagngiti ni Tito Ogie.

“But magugulat ka. Bamboo, I think, is in the middle of a tour in the States. Si Ely is in the middle of so many… doing so many things also.

“Pero wala… nag-submit sila. Hihintayin mo nga lang, hihintayin mo kung kailan sila pwede. But I’m really, really thankful.

“Was it hard? Ahhhm… parang hindi,” sambit ni Ogie habang kinakalikot ang kaliwang taynga.

“Kasi, parang… ang dali nilang kausap.”

FUNDRAISING CONCERT WITH IAN

Frontliner si Tito Ogie at ang kapwa kilabotito na si Ian Veneracion sa online fund-raising concert na Christmas with the Stars, na mag-i-streaming sa Disyembre 11, Sabado ng 7:00 p.m. sa KTX.

Continue reading below ↓

Sama-sama rito ang mga Kapuso, Kapamilya, at maging artists na hindi affiliated sa alinmang TV network.

Kabilang sa mga panauhin dito sina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, at Jose Mari Chan.

Kabahagi rin dito ang The Company, RJ de la Fuente, Krystle, Moira Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano, at Maestro Ryan Cayabyab.

ogie ian concert

Continue reading below ↓

Magkatuwang ang Ortigas and Company at ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management) sa paghahatid ng concert.

Ilalaan ang malilikom na pondo para sa IPWG (Independent Production Workers Group), na kinabibilangan ng freelancers na nagtatrabaho sa live events at concerts.

“Itong mga artists na umoo po sa atin, e, wala rin pong bayad,” matamang lahad ni Ogie.

“Kusa po silang nagbigay ng kanilang serbisyo dahil kaibigan po nila lahat ng mga ito… Kaming mga performers, hindi kami makakapag-perform nang mabuti kung wala sila [IPWG members].

“They work behind the scene and they’re really, really important. So, mahal na mahal sila ng performers.”

Pinatotohanan ng concert director na si Paolo Bustamante na agad umoo ang lahat ng OPM artists na nilapitan nila upang makibahagi sa Christmas with the Stars.

Walang humadlang sa proyektong ito na tulung-tulong ang mga Kapuso at Kapamilya. Walang hidwaan dito ang GMA 7 at ABS-CBN!

“Sobrang nakakatuwa, ‘no. I think, sa mga panahon ngayon, parang… talagang pag nagkaroon pa ng hidwaan, mali, e! Di ba?!” bulalas ni Tito Ogie, na presidente ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Continue reading below ↓

“Kailangan, magkaisa tayo. Magtulungan. Hindi lang dahil may pandemya tayo pero dahil siyempre, next year, may eleksyon.

“So, it’s also important na magkaroon tayo ng pagkakaisa — in mind, in spirit, you know.

“And marami pa ito siguro. Feeling ko, simula pa lang ito ng marami pang mga events na mag-o-organize tayo para makatulong.

“Kasi, talagang andaming ahensya, ‘no? Ang daming departments in the entertainment industry na talagang naapektuhan.

“So, I’m happy that this is finally being done, especially during the time where giving is important and celebrated, ‘no, like Christmas.

“So, it’s a fun time to do something like this, and at the same time, it gives it more meaning, especially alam natin na yung grupo ng freelance workers ang makikinabang.

“So, nakakatuwa na wala kaming ano. Talagang nabuwag lahat ng sinasabing network affiliations.”

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid: "The reason why I wrote this song, 'Bayaning Tunay,' is because there was a time na yung ating frontliners, talagang… napabayaan, 'no? I felt… I felt that since the pandemic is… I can’t say it’s coming to an end, but it feels like, ahhh, things are getting better, I think. Parang huwag natin silang kalimutan na pasalamatan sa mga nagawa nila."
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results