Watch Now

Ronnie Liang dedicates his Christmas songs to families this pandemic

by Rommel Gonzales
Dec 18, 2021
ronnie liang army singer
Ronnie Liang encourages everyone to get vaccinated against COVID-19: "Sa mga kababayan ko po, huwag po tayong matakot. Dumaan po ito sa masusing pag-aaral. And totoo po yung it's not a guarantee na with this vaccine hindi ka na magkaka-COVID, but at least you will have a resistance and magkakaroon tayo ng antibodies to combat this virus."
PHOTO/S: @ronnieliang on Instagram

Isa sa pinakamasipag na celebrity frontliner si Ronnie Liang.

Sa ikalawang taon ng pandemya na dulot ng COVID-19, ano ang maituturing ni Ronnie na "highlights" ng kanyang buhay simula March 14, 2020, ang araw kung kailan nagsimula ang lockdown at iba-ibang level ng quarantine sa Pilipinas at sa buong mundo?

"Yung pagsi-serve natin sa bayan as a reservist ng Philippine Army," sagot ni Ronnie, na 2nd Lieutenant ang ranggo bilang isang Army reservist.

"Usually ang ginagawa ko talaga, yung hatid-sundo para sa mga health workers, susunduin namin sila, ihahatid. And then pag-out nila, ganun din, pi-pickup-in namin sila, ihahatid sa drop points.

"Then, pagpapakain sa mga LSI [locally stranded individuals], pagtse-checkpoint, iyan din yung madalas, pagpa-pack at pagdi-distribute ng mga food packs.

"Then, pangalawa," patuloy ni Ronnie, "kahit na pandemya, tuloy pa rin yung mga pagre-record ko ng mga songs. Tuluy-tuloy pa rin yung pagpo-produce ko ng mga kanta.

"Para at the same time, at least I still have something to offer sa mga supporters ko, sa mga fans ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kagaya nitong recent release ko, yung mga Christmas songs, kasi thru this way, ma-uplift ko yung morale, yung kalooban ng mga kababayan natin by serenading them with my Christmas songs.

"Yung 'Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko,; I like the message of the song.

"'Ngunit kahit na anong mangyari, Ang pag-ibig sana'y maghari, Sapat nang si Hesus ang kasama mo, Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko,'" pa-sample na pagkanta pa ni Ronnis ng isang stanza ng naturang awitin.

"Tsaka yung 'Sana Ngayong Pasko,' the message din yung, 'Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako.'

"Well, although that song was designed para sa magkasintahan na itong panahon ng Pasko magkasama-sama, pero ako ginawan ko siya ng ibang message na, 'Sana ngayong Pasko, bawat pamilyang Pilipino magkasama-sama.'

"And lalo na nung panahon ng pandemya we were all divided or pinaghiwa-hiwalay tayo ng pandemya, hindi tayo makabisita sa mga mahal sa buhay, walang Christmas party.... at least nga ngayon meron na, hindi nga din tayo makagawa ng ganito, yung pocket interview or yung face-to-face.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero thank God, the message nung pagsasama-sama bilang iisang pamilya, kahit hindi pamilya, magkakaibigan, magkakasama sa work, nangyayari especially this... ngayong pababa na yung trend ng pandemya, plus yung araw ng Kapaskuhan.

"Kasi ako, naniniwala ako na ang Pasko hindi lang about sa regalo, hindi lang about sa mga bonus, but yung parang reunion ng mga magkakapamilya, pagsasama-sama ng mga pamilya, yung mga OFW [overseas Filipino workers], kaya ginawa din namin yung 'Sa Paskong Darating.'

"Sana ngayong Pasko higit pa sa regalong matatamo, pag-ibig mo ang hinahanap ko, ang mahagkan at mayakap kita sa araw ng Pasko," muling pagsa-sample ni Ronnie, this time ng orihinal na Christmas song na "Sa Paskong Darating."

Dagdag pa ng singer-actor, "Yung message pong yun ginawa ko naman po siya ni-release ko po para din po sa mga OFWs na siyempre, nagsasakripisyo sila, lalo na yung iniwan nila yung pamilya nila para makapaghanap-buhay para sa pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sa Paskong darating iyon nga, magkasama-sama talaga."

Isang seaman ang sumulat ng "Sa Paskong Darating."

"He submitted me the song and ginawan namin ng areglo and ni-release namin siya and ang lakas po niya sa online ngayon.

"It was first released same season last year, pandemic na rin."

Maaaring i-download ang mga nabanggit na kanta ni Ronnie sa sari-saring online music platforms.

RONNIE ON AVOIDING COVID-19

And still on the pandemic, tinanong namin si Ronnie, dahil siya ay isang frontliner na palaging exposed sa iba-ibang mga tao, mabuti na lamang at hindi siya nagkasakit ni minsan ng COVID-19?

"Awa ng Diyos, God is good! Sa kabila ng, siyempre frontliner, naka-duty ako lagi, nasa checkpoint, tapos kinakantahan ko yung mga locally stranded individuals, hatid-sundo, never akong nagkasakit, by the grace of God!" pahayag niya.

At wala pang bakuna noong mga panahong naka-duty si Ronnie at kasagsagan ang pananalasa ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Vitamin C, tubig tsaka dasal," sambit niya.

"Takot din ako siyempre, nag-aalala, pero kasi yung mga kasamahan kong frontliners din, nai-inspire daw sila na tumutulong tayo sa kanila.

"But at the same time, humuhugot din kasi sila ng lakas sa amin.

"So, kung papakitaan mo sila ng pagkabahala, siyempre it might affect the flow of the operation. So, ganun din ako, nai-inspire din ako sa kanila sa pagse-serve din nila sa bayan as frontliners.

"Pare-pareho kaming nagkukuhanan ng lakas sa isa't isa."

Wala raw pumilit kay Ronnie na maging isang frontliner.

"Nag-show ako ng intent, as an Army Reservist.

"And actually, nung panahon na yun, nagpadala ako ng message sa headquarters, kung paano ako makakatulong, hanggang iyon na, may natanggap na akong order na, 'If you're willing, would you like you join the movement...'

"Hatid-sundo sa mga health workers was the first mission and then pagdi-distribute ng mga food packs sa mga matinding tinamaan ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung ayuda na mga pagkain. Nagsasandok din ako ng kanin, ulam."

May pagbabago na raw sa mga kaganapan.

Ayon kay Ronnie, "Ang pagkakaiba kasi ngayon, may bakuna na. And although maraming banta kahit noon pa, mas matindi ang banta noon kasi walang bakuna.

"Pero ngayon, madami nang mga naglabasang mga vaccines, thank God sa ating mga scientist, an answered prayer, and kumpleto na rin ho ako ng vaccines, at tsaka flu and pneumonia vaccine."

ON IMPORTANCE OF COVID VACCINES

Tapos na rin ang pagpapa-booster shot ni Ronnie para karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19. Sinovac ang brand ng unang dalawang vaccine shots ni Ronnie at Pfizer naman ang kanyang booster shot.

Hiningan namin si Ronnie ng mensahe para sa mga taong patuloy na nag-aalinlangan o natatakot magpabakuna.

Pahayag niya, "Sa mga kababayan ko po, huwag po tayong matakot. Dumaan po ito sa masusing pag-aaral.

"And totoo po yung it's not a guarantee na with this vaccine hindi ka na magkaka-COVID, but at least you will have a resistance and magkakaroon tayo ng antibodies to combat this virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na siya aabot sa severe or critical stage. Kung magkakaroon man tayo, mild na lang, na hindi na niya kayang mag-replicate o mag-reproduce at makapanghawa sa mga kababayan natin.

"Isipin po natin yung mga loved ones natin, yung mga mahal natin sa buhay na uuwian natin. Siyempre lalabas po tayo lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

"We cannot avoid na mamalengke, pumunta sa grocery, hindi natin alam kung sino doon ang carrier.

"But at least kung vaccinated na po tayo, we have that kind of protection, mas less yung risk na magka-COVID tayo at makapanghawa ng mga mahal natin sa buhay, lalo na yung mga high-risk kagaya po ng mga senior citizen at mga bata or meron ibang pre-existing condition or comorbidities.

"Tayo po ay magtulung-tulong at magsama-sama para sa bayan, para sa laban sa COVID-19."

Bilang isang pilot naman ay private pilot license holder si Ronnie.

"But I am now on my journey on becoming a commercial pilot license holder so tinatapos ko pa rin siya ngayon sa Lingayen, Pangasinan naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hopefully, kumbaga, ang New Year's resolution ko po, by God's will matapos ko siya hanggang next year.

"Pero kung hindi ho nagpandemya, 2020 natapos ko na siya. "Kasi nag-lockdown din pati yung mga airports pati ang mga control towers, walang lumilipad for more or less two years din.

"So, ngayon pa lang kami sa general aviation nagre-recover.

"Like, ako sa Lingayen I fly every day. Two weeks lipad ako dun, then pahinga to do my other schedules," lahad niya.

Regular na napapanood si Ronnie bilang isa sa mga hurado ng Sing Galing! ng TV5 at Cignal Entertainment na umeere Monday, Tuesday and Thursday (6:30 p.m.- 7:15 p.m.) at tuwing Saturday, 6:00 p.m.-7:30 p.m.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang encourages everyone to get vaccinated against COVID-19: "Sa mga kababayan ko po, huwag po tayong matakot. Dumaan po ito sa masusing pag-aaral. And totoo po yung it's not a guarantee na with this vaccine hindi ka na magkaka-COVID, but at least you will have a resistance and magkakaroon tayo ng antibodies to combat this virus."
PHOTO/S: @ronnieliang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results