Alex Gonzaga downplays comparisons to "concert sweetheart" Anne Curtis: "Ayoko kasing ikumpara yung sarili ko kasi masyadong maganda si Anne..."



Big leap sa career ni Alex Gonzaga ang magkaroon ng sariling concert this April.

Nakatakdang gawin ang kanyang April 25 concert sa Smart Araneta Coliseum.

Titled AG From the East: The Unexpected Concert, ito ay produced by Joed Serrano, CCA Productions at MGM Productions.

"Actually pinag-pray ko po 'yan at ilang beses naming pinagisipan. Nangulit si Kuya Joed [Serrano, producer] pati daddy ko na convince niya," kuwento ni Alex sa presscon kahapon na ginanap sa Max's Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

"Kaya naman inisip namin na baka blessing ito talaga. We accept naman challenges and at the same time nagpapasalamat talaga ako kay Kuya Joed kasi nagtiwala talaga siya.

Sundot na biro ng koemdyana, "Sino pa ba ang magkakatiwalaan kung hindi tayong mga Pilipino, so magtiwalaan na lang tayo sa isat isa."

Dagdag pa ng ABS-CBN actress: "Hindi para naman sa akin po, pinag-pray ko naman ito, hindi naman kami po yung nagplano, si Kuya Joed po.

"So nung sinasabihan ko na siya nang Kuya Joed parang medyo mahirap, masyadong malaki yung venue, okay na kami sa mas maliit.

"Parang deadma lang siya, very persistent siya, kaya naman inisip ko na baka naman si Lord na yung gumagamit sa 'yo. Sige why not?

"Kung hindi kumita alam mo na kung sino ang gumamit sa 'yo. Hahaha! Wag naman sana!

"Ako naman kasi gusto ko namang mag-perform. Gusto kong umawit...

"Alam n'yo naman alagad ako ng sining, kung anong hinihingi ng sining binibigay ko.

"Ibinigay nila sa akin ang pagkakataong ito kaya naman ibibigay ko."

Sino ba ang magiging guests ni Alex sa concert niya sa Big Dome?

Biro ni Alex, "Ayaw ko pang sabihin kung sino ang mga guets ko kasi magagamit ako. Hahaha! Wala pa kasing umuoo. Hahaha! Yun po ang katotohanan.

"Meron po kaming nasa isipan..."

Pawang pagbibiro pa rin ni Alex: "Pwede na ba tayong magsabi? Meron kasing upcoming actor, actress and dancer na may talento din kaya isama ko na sa concert si Maja Salvador."

Ang older sister ba niya na si Toni Gonzaga ay kasama sa lineup ng concert?

"Pinag-iisipan, pinag-iisipan kasi ayoko na kasing maraming .... Nagagasgas na rin, e.

"Hindi, siyempre ang ate ko part na rin yan, kasama po siya."


Kuwento pa ng actress-turned-singer: "Lumabas na po yung single ko yung 'Panaginip Lang.'"

May mga dream artists siya na gustong makasama pero aniya, "Actually yung mga dream ko na makasama yun yung inaayos namin.

"Hopefully sana lahat sila pumayag."

Kinakabahan ba siya sa pag-perform niya sa Araneta Coliseum?

"Siyempre may kaba pero excited. Mas excited po talaga kasi hindi naman ako magpe-perform kasi ayoko namang nagpe-perform kasi sobrang galing ko kasi kailangan talented ako.

"Ang ipapakita ko lang dito kung ano talaga ako at yung mag e-enjoy yung lahat.

"Siyempre ayoko naman na yung mga tao mainggit kasi sobrang talented ako. Hahaha! Kaya ang ipapakita ko yung mga mistakes na puwedeng mangyari sa concert.

Kakanta ba siya ng live or lip sync?

"What is lip sync? Ang tagal ko na sa industriya...kailan ako nag lip sync? Hahaha!

"Kailan naman ako nag concert. Hahaha! Siyempre ita-try natin na hindi tayo mag lip sync.

Nais ba niyang kabugin si Anne Curtis pagdating sa concert scene?

"Ayoko kasing ikumpara yung sarili ko kasi masyadong maganda si Anne, e. Amerikana siya. Asyana lang ako.

"Pero siyempre iba naman yung ipapakita natin sa ipinapakita niya so, pero ayoko naman sabihing...pero definitely kung kakabugin ko siya baka lahat ng artista makabog."

Ano ang ginagawa niyang preparations for the concert?

"Magvo-vocal training ako kay Foster [referring to David Foster]. Hahaha!"

Pagpapatuloy ng Inday Bote lead actress: "Most probably baka yung mga nakakasama ko sa ASAP and then, yung mga makakasama ko dito magpapa dance lesson ako sa G Force.

Choices of Repoirtoire "Meron na po kaming napili and every week and everyday napapalitan kasi maraming nadagdag na gusto naming gawin,

"So kung gagawin namin lahat baka mga eight hours yung concert ,meron na po kaming mga naka line up, may mga konti lang na mababawasan at may konti din na madadagdagan, pero kumpleto na yung flow ng show,


Ilang songs ang gagawin niya sa concert? "Kung ano ang clamor ng tao ibibigay ko. Gusto n'yo ba? Kung gusto n'yo ibibigay ko 'yan.

Ano ang advice ng older sister niya na si Toni na may matagal nang experience pagdating sa performing onstage?

"Parang two days ago pinapagalitan niya ako kasi nakahilata ako, pero nanonood kasi ako ng mga concert nina Beyonce, Ariana [Grande].

"Nagagalit siya pag-uwi niya galing taping, kasi bakit daw hindi niya ako nakikita na nagti-training.

"Dapat daw nagsi-swimming ako, sabi ko magsi-swimming two am? Dapat daw nagti-treadmill ako kasi ganun daw siya.

"Siyempre bilang ate marami siyang gustong ipagawa sa akin, pero yung time na yun gabi na talaga kaya hindi ko nagawa.

"The next day naman nag treadmill na ako parang kailangan ko din kasi ng endurance, stamina para magkaroon ng energy sa concert."

Ano ang concept ng AG From the East?

"Its really unexpected, expect the unexpected, that's the expectation.

"Opening pa lang namin its very unexpected and it might raise eyebrows, not only in Philippine showbusiness but in the Philippine government, I am telling you," ani Alex.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alex Gonzaga in Ariana Grande mode earlier at the press conference of The Unexpected Concert.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onFeb 26, 2015 at 8:19am PST






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN