Marion Aunor tries her luck as composer; proud of success of Kathryn Bernardo's gold single

Marion Aunor asserts that her songwriting won't get in the way of her singing career. She clarifies, “Puwede naman po pagsabayin. Yung end goal ko po talaga, maging singer-songwriter, so, okay lang po na pagsabayin siya.” After establishing herself as a singer, the niece of Nora Aunor tries her luck as a songwriter. To date, Marion has written songs for other singers such as Kathryn Bernardo and Alex Gonzaga.



Pinagsasabay ngayon ni Marion Aunor ang pagiging singer at composer. Pero bukod sa paggawa ng kanta para sa sarili, mas napapadalas ang paglikha ni Marion ng kanta para sa ibang artists.

Una munang ginawan niya ng kanta ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo para sa self titled-album nito. Pinamagatang “You Don’t Know Me,” ito ang naging carrier single ng album ni Kath na sa loob lamang ng isang araw ay naging gold na agad.

Pagkatapos ni Kath, si Alex Gonzaga naman ang ginawan ng kanta ni Marion.

“Ginawan ko rin po ng song si Alex, ang title nito ay 'Goodbye Kiss.'

“Hindi po ito about sa love, it’s about blowing a goodbye kiss to your worries,” saad ni Marion nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook last February 24.

Nabanggit din niyang isinulat niya ang kanta para kay Janella Salvador dapat

“But then ibinigay nila yung song kay Alex. I was happy with the result. Actually, kasi parang bumagay naman sa personality niya.”

May iba pa ba siyang artist na gagawan ng kanta?

“Pinapasulat din po ako kay Kim Chiu and Erik Santos kung kaya raw ho,” lahad pa sa amin ng singer-songwriter.

BEST OF BOTH WORLDS. Hindi kaya mas mag-concentrate na si Marion ngayon sa pagku-compose?

Ayon sa pamangkin ni Nora Aunor, “Puwede naman po pagsabayin. Yung end goal ko po talaga, maging singer-songwriter, so, okay lang po na pagsabayin siya.

“Actually, kahapon galing po ako sa meeting with Sir Jonathan Manalo para pag-usapan yung line-up ng second album ko. Start na po kami mag-record next week dahil target date po ay April.

“Nag-request po kasi ako na baka puwedeng i-release for my birthday ng April 10. And sa album po, baka magkaroon ako ng collaboration with KZ Tandingan and Yeng Constantino.”

BIRTHDAY CONCERT. Nasabi rin ng dalaga ni Maribel Aunor na magkakaroon siya ng birthday concert sa April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May birthday concert po ako sa April 10 sa Teatrino, details to follow po.

“So far, possible guest yung Harana Boys.

“Bagong boy group sila na finorm ng Star Records, which include Michael Pangilinan, Joseph Marco, Marlo Mortel and Bryan Santos,” kuwento pa ni Marion.

SONG FOR KATHRYN. Sa next album ni Kathryn, gusto ba niya muling gawan ng kanta ang teen superstar?

“Yes of course! And natutuwa ako na nagustuhan naman niya and ng fans niya yung song na ginawa ko.

“Nung nagkita kami sa ASAP, sabi ni Kathryn sa akin, ‘Doon kami nag-shoot ng music video sa room mo.’ Dito kasi sila sa bahay namin nag-shoot ng 'You Don't Know Me' and 'Mr. DJ.'

“Iyon yung nasa Dumaguete pa ako, dapat kasi may segment doon sa video na nagdya-jamming kami sa piano ni Kath.

“Sayang nga po. Kaya sila rito nag-shoot, para nga hindi na ako mahirapan since iyon yung time na aalis din ako for Canada the next day para sa shows.

“'Tapos biglang cancelled yung flight sa Dumaguete. Hahaha!

“Ako pa yung nawala. Pero okay lang, at least nagamit nila sa music vids yung place namin,” mahabang kuwento pa niya.

So dapat talaga may part-2, dapat gawan mo ulit si Kathryn ng kanta?

“Yeah! I-push natin 'yan! Hahahaha!” sagot pa sa amin ni Marion.

Kapag may free time siya or nasa mood siyang mag-compose ng mga kanta, naiisip ba ni Marion yung tipo ng kantang gusto niyang gawin para kay Kathryn?

“Actually, yung process ko most of the time, naiisip ko na lang po kung sino puwedeng kumanta ng song ‘pag tapos na.

“Pero kung sakaling gagawan ko ulit si Kathryn ng song, baka mas upbeat na. Like yung 'Blank Space' ni Taylor Swift, parang ganoon po,” dagdag niya.

BASHERS. Inusisa rin ng PEP si Marion ukol sa ilang bashers, na nagsimula dahil sa ginawa niyang cover ng song na “You Don’t Know Me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa version ko po ng 'You Don't Know Me,' natuwa naman ako sa mga compliments ng tao, sana lang huwag na i-compare yung version ko kay Kathryn dahil iba naman po kami ng style.

“Honor nga para sa akin na ginawang carrier single ni Kathryn yung song ko and dahil naman sa kanya kaya nakilala yung song.

“So ayaw ko lang na may negative comments na kung kanino yung mas maganda or something.

“And kaya lang naman ako gumawa ng cover niyon, kasi maraming fans din ang nagre-request na gusto nilang marinig yung version ko,” paliwanag pa ng singer.

THANKFUL TO KATHNIEL FANS. Nilinaw din niyang hindi galing sa KathNiel fans ang ilang nang-bash sa kanya.

“Yes po, hindi galing sa KathNiel fans yun.

“Sa totoo lang po, very proud ako kay Kathryn and grateful na ginawa nilang carrier single yung composition ko.

“Sa kanya po nag-start yung pagbigay ko ng songs sa ibang artists.

“So for her record to be gold on the first day, nakaka-encourage na ipagpatuloy yung pagku-compose hindi lang para sa sarili ko, but for other artists as well.

“Very grateful din ako sa KathNiel fans. Noong unang time na pinerform ni Kathryn ng live yung song ko, memorize na nila lahat yung lyrics and sinasabayan siya.

“'Tapos nag-number-one pa sa MYX charts yung video para sa song na yun. So malayo kaagad yung narating ng song dahil kay Kathryn and sa fans niya, kaya thank you sa kanila,” pagpapasalamat ni Marion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN