JBK recounts bad experience with a popular OPM band: "Nakakabastos."

by Melba R. Llanera
Jan 8, 2022
JBK boy band
Boy band JBK talks about bad experience with a popular band when they were just a newbie, what they learned from X-Factor U.K, and how overjoyed they are to win an award at the 69th FAMAS. JBK is comprised of (L-R) Joshua Bulot, Bryan del Rosario, and Kim Lawrenz Ordono.
PHOTO/S: JBK Facebook

Unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa music industry ang grupong JBK, na ang komposisyong "Maibalik" para sa pelikulang Us Again ay nanalong Best Original Song sa nakaraang 69th FAMAS Awards.

Pero nakaranas din sila ng hindi magandang karanasan mula sa ibang nauna sa kanila sa industriya.

Ang JBK ay binubuo ng mga miyembrong sina Joshua Bulot, Kim Lawrenz Ordoño, at Bryan del Rosario.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Joshua at Kim sa UPLIVE Worldstage presscon sa Monet grand ballroom ng Novotel Hotel kamakailan.

Dito nila ibinahagi ang kanilang engkuwentro sa isang sikat na banda na nakasama nila sa isang event nung nagsisimula pa lang sila.

Kuwento ni Joshua, "Nung mga first year namin sa music industry, mga bata pa kami, habang nagpe-perform kami, nagsa-soundcheck sila sa likod.

"E, may music, di ba? Bastos naman yun porke't big artist na banda ka na. Ayoko nang magsabi ng pangalan."

Simula pa lamang daw ng kanilang set nang biglang sumampa ang sikat na banda sa stage.

Patuloy na lahad ni Kim, "Siyempre bata kami. Wala kaming instruments na hawak so bumababa kami ng stage.

Continue reading below ↓

"Yun ang way namin para mag-show. Siyempre, starting pa lang kami, grabe yung hype namin.

"Magugulat na lang kami na pabalik na kami ng stage, hindi na kami nakabalik the whole show. Nasa baba lang kami kasi nandun na sila sa stage, nagsa-soundcheck.

"Naramdaman namin na nakakabastos yun. Hindi sila nagtaray, nakaka-disrespect lang talaga."

Pero hindi ito naging sagabal para magsumikap ang JBK.

JBK'S SONG WINS AT 69TH FAMAS AWARDS

Pinarangalan ang kanta ng JBK na "Maibalik" sa 69th FAMAS Awards noong December 2021.

Ginamit itong theme song sa pelikulang Us Again na pinagbidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Ayon kila Kim at Joshua, di nila inasahang mananalo ang kanilang kanta lalo't ilang taon na rin nila itong nagawa at nailabas.

Masayang saad ni Joshua, "Nakakagulat yung experience kasi yung 'Maibalik,' four years ago nung sinulat namin yun and nai-release, biglang nanalo ngayon sa FAMAS."

Malaki rin ang pasasalamat ni Kim.

Continue reading below ↓

Aniya, "Nakakatuwa din sa pakiramdam namin dahil kami mismo ang nagsulat sa kanta na yun tapos nandiyan pa yung nanalo sa FAMAS.

"Hindi namin ine-expect na kaya naming manalo ng award kasi sobrang tagal na nung song.

"Nag-usap-usap nga kami, 'Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ito. Kasi sobrang tagal na nung song, e, kaya pa ring manalo ng award at may mga tao na nakaka-appreciate,'" ani Kim.

Sana raw ay nanalo sila noong wala pang pandemya para personal nilang natanggap ang FAMAS award.

Lahad ni Kim, "Kasi kami, nung ginawa namin, lahat kasi ng mga nominated hiningan ng acceptance speech, 'For example, nanalo kayo, ano sasabihin niyo?'

"Siyempre kami, hindi naman namin ine-expect na mananalo so easy lang. 'Thank you, FAMAS,' ganun lang, tapos nanalo pala kami.

"Parang gusto mong pumasok sa cellphone, 'Hindi, kunin ko yung award.'

"Kinabukasan pa namin na-realize, 'Uy, nanalo tayo sa FAMAS, 'no?"

Continue reading below ↓

Ganoon daw sila kasaya sa natanggap na recognition.

Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Kim, "Ilang beses na rin kasi kaming na-nominate—Aliw Awards, Best Music Video yung 'Maibalik.' Tapos yung 'Sana Naman' for World Recording—tapos natalo kami.

"Kaya dito sa FAMAS sabi ko, 'Ah, wala, FAMAS pa, ah.'

"Yung mga hitsura namin dun, 'Thank you so much po.' Kasi di po namin alam. Then, nung napanood namin, kasi medyo delayed yung show ng FAMAS nun, alas dose.

"Kami, medyo, 'Baka, baka tayo.' Nung in-announce yung pangalan namin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

"Parang nakangiti ka lang the whole time habang pinapanood yung paano mo sinabi yun."

Mas inspirado raw sila ngayong gumawa ng mga orihinal na kanta.

Ayon kay Joshua, "Yes, kahit pandemic, yung kagrupo namin na si Bryan ay nasa Iloilo, nag-record na kami ng kanta last week lang.

"Nag-record kami dito sa Manila, si Bryan ka-Zoom meeting namin, nagre-record siya sa Iloilo in a different studio."

Para naman kay Kim, mahirap ang sitwasyong nasa Iloilo si Bryan dahil sa pandemya. Pero hindi ito hadlang para makagawa pa rin sila ng mga sarili nilang komposisyon.

"Medyo mahirap siya kasi iba pa rin yung tatlo kami na nasa studio," pag-amin ni Kim.

Continue reading below ↓

"Iba kasi yung naririnig mo talaga na nasa studio ka na versus yung maaano ni Bryan na, 'Ulitin mo nga uli.'

"Pero iba yung quality na nun pagdating sa kanya versus kami talaga yung nandun na, 'Okay na siguro iyan.'

"Mas matagal yung naging process kasi kailangan na naming mag-record ng mga harmonies, kami na ang tatapos. Kasi sa part ni Bryan, sasabayan na lang niya yung mga kulang."

HOT STORIES

HOW JBK STARTED IN X-FACTOR U.K.

Noong 2017 ay sumali ang JBK sa reality talent franchise na X-Factor sa United Kingdom. Ang mga hurado roon ay sina Simon Cowell, Nicole Scherzinger, Sharon Osbourne, at Louis Walsh.

Umabot hanggang 6th chair challenge stage ang grupo.

Para kina Joshua at Kim, marami silang natutunan sa ginawang pagsali sa kompetisyon, at ito ang nagsilbing inspirasyon nila kung kaya't puro orihinal na komposisyon na ang ginagawa nila.

Pahayag ni Joshua, "Kasi nung time na yun, ang mentor namin is Simon Cowell. May mga advice siya sa amin at ang pinakanatutunan namin is 'Be original.'

Continue reading below ↓

"Kasi, usually, yung batch namin, mga kinakanta namin is all-original, e. Kami, mga cover songs ang kinakanta namin. Nung pag-uwi na pag-uwi namin after X-Factor, gumawa agad kami ng originals."

Dagdag ni Kim, "Natutunan namin makisama sa iba't ibang lahi kasi hindi lang naman kami ang galing sa ibang bansa.

"Yun ang natutunan namin dun, matutong makisama sa lahat ng mga tao at matutong magsulat."

Tinanong din namin ang dalawa kung may balak pa silang sumali sa ibang international singing competition pagkatapos ng pagsali nila sa X-Factor U.K.

Pagbabahagi ni Joshua: "Napag-iisipan namin iyan. Dapat nga nung 2018.

"Pero sabi namin, 'Hindi, wag muna. Magsulat muna tayo ng original songs saka na lang tayo mag-establish ng bagong competition.'

"Saka kami sumali uli pag established na yung original songs namin. Para yun ang puwede naming ipanlaban dun. Malay mo naman, di ba?

"So, if magdyo-join kami ng another competition, siguro level ng X-Factor or bigger pa. Di ka puwedeng sa mas mababa pa sumali.

Continue reading below ↓

"Mawawala yung branding and quality nung sinalihan mo."

Bukas din sa posibilidad si Kim.

Aniya, "Depende talaga sa sitwasyon, pero di namin sinasara yung chance.

"Minsan kasi biglaan na lang, 'Guys, gusto niyo sumali?' Kasi ganun lang din yung nangyari dati.

"Sa X-Factor bigla na lang, 'Send tayo ng video.' Tapos tinawagan kami. Ganun lang siya. Di namin planong sumali na pinaghandaan muna yung audition.

"Although dun na sa U.K., pinaghandaan talaga namin. Pero yung pinasa namin na [audition] video, 'Sige, record natin saka pasa natin. Malay naman natin.'

"Siguro ganun lang din ang mangyayari kung biglaan kaming mag-decide gaya sa X-Factor UK or sa ibang competition."

ON UPLIVE APP AND UPLIVE WORLD STAGE COMPETITION

Regular na napapanood ang JBk sa UPLIVE app kung saan mapapanood ang kanilang mga orihinal na komposisyon.

Ipinagpapasalamat ng dalawa ang malaking tulong ng UPLIVE para maka-survive sila ngayong pandemya.

Saad ni Joshua, "Ako, sobrang thankful ako sa UPLIVE. Nasa UPLIVE na kami for almost two years na. Ito yung nagsu-sustain sa amin financially, mentally.

Continue reading below ↓

"Buti nga ginawa namin ito na nag-join kami sa UPLIVE, kasi ang akala ng lahat, 'Three months lang 'yan, mawawala din 'yan.' Tingnan mo, magtu-two years na," pagtukoy niya sa pandemya.

Dagdag pa niya, "Kung di namin pinasok ang UPLIVE, ano ang kakainin namin? Bigas na lang, di ba?

"So, maraming-maraming salamat sa UPLIVE dahil sinustain kami ng UPLIVE.

"Hanggang ngayon, parang work from home lang ang dating. You make new connections, friends...

"And napo-promote din ang songs namin globally, ha, not just in the Philippines."

Ipinagmalaki rin ni Kim na umabot ng ibang bansa ang kanta nilang "Sana Naman."

"Yung song namin na 'Sana Naman' plinay sa Brazil. Natulungan kami ni UPLIVE para ma-promote sa Brazil. Plinay siya sa mga radio stations dun.

"Tsine-check namin ang Spotify namin, marami talaga ang nakikinig sa ibang bansa. Kahit di nila naiintindihan, isipin niyo, OPM, Tagalog, ipe-play sa ibang bansa.

"Like, sa Brazil na hindi nila nage-gets yung meaning.

Continue reading below ↓

"Parang nakaka-proud na mayroon tayong song na OPM na nagpe-play din sa ibang bansa," lahad ni Kim.

Sa UPLIVE app, matatagpuan ang UPLIVE Worldstage, formerly known as Singing For The World, isang annual global livestreamed singing competition.

Isa sa judges ay ang Emmy at Grammy winner na si Paula Abdul. Ongoing pa rin ang singing competition at magtatapos sa January 23, 2022.

Ibinahagi ni Kim ang naging karanasan niya rito kung saan sumali siya nung nakaraan taon, at ang itinanghal na grand champion ay ang Filipino singer na si Zandy Storm.

Aniya, "Sumali ako, kalaban ko si Zandy Storm sa grand finals.

"Maganda itong way para sa mga nagdi-dream din na magkaroon ng song international.

"Pupunta sila ng U.S., recording contract ang makukuha nila plus may money pa.

"Kahit nasa bahay ka lang, puwede kang sumali sa competition hanggang grand finals."

Ang kagandahan ng UPLIVE World Stage, ayon pa rin kay Kim, ito na mismo ang nag-aasikaso pati visa ng mananalong contestant. Sa X-Factor U.K. daw noon ay ang JBK ang nag-ayos nito.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Kim patungkol sa UPLIVE World Stage, "Ang main goal dun ay maka-penetrate tayo international, ito yung isa sa best way.

"Ako, nag-ano lang, sabi ko, 'Sali ako dito, wala naman akong ginagawa.' Pandemic din nun.

"Masaya kasi ang gagaling, ang dami mo ring makakausap.

"Sana i-download niyo ang UPLIVE at sumali din kayo dun sa Sing For A World.

"Masaya dun pati mga party live, ito ang best way para kumita din."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy band JBK talks about bad experience with a popular band when they were just a newbie, what they learned from X-Factor U.K, and how overjoyed they are to win an award at the 69th FAMAS. JBK is comprised of (L-R) Joshua Bulot, Bryan del Rosario, and Kim Lawrenz Ordono.
PHOTO/S: JBK Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results