Claire dela Fuente releases "Something in Your Eyes" album


Claire dela Fuente has recently released her 12-track album titled Claire dela Fuente: Something In Your Eyes under Viva Records.


Ilang beses naluha si Claire dela Fuente sa press launch ng kanyang bagong album sa ilalim ng Viva Records na Claire dela Fuente: Something in Your Eyes. Naging emosyonal daw siya dahil hindi ito makapaniwala na muling nabuhay ang kanyang recording career.

Malaki ang pasasalamat ni Claire sa international record producer na si Christian de Walden at sa pop music legend na si Richard Carpenter dahil dalawa sila sa naging dahilan kung bakit nagkaroon ulit siya ng pagkakataon na subukan muli ang mag-record ng album and this time pang-international release.

Nakilala si Claire bilang isa sa mga sikat na singers noong ‘70s at considered na immortal classic ang kanyang hit single noon na "Sayang." Nabansagan din si Claire bilang "Karen Carpenter of the Philippines" dahil magkatulad ang timbre ng boses nila ng yumaong pop singer.

Mas binigyan ni Claire ng panahon ang kanyang pagiging negosyante at paminsan-minsan ay nagsu-show din siya dito at sa ibang bansa. Pero hindi akalain ni Claire na darating pa ang isang pambihirang pagkakataon na makapag-recording siya ulit at nagkaroon pa siya ng chance na makilala ang kanyang matagal nang idolo na si Richard Carpenter.

"Pagpasensyahan n'yo na ako kung nagiging emotional ako. Because I never really expected that these things would happen to me. Sa edad kong ito, sino ba ang makakapagsabi na magkakaroon pa ako ng chance na magkaroon ng international album? Siguro nga, I never stopped dreaming. And dreams do come true," natatawang-naluluhang kuwento ni Claire.

MEETING RICHARD CARPENTER. Nagkakilala si Claire at ang record producer na si Christian de Walden sa pamamagitan ng Viva Records. Nang marinig daw ni Christian ang boses ni Claire, nagtanong ito kung bakit ngayon lang pinarinig sa kanya si Claire. Malaki raw ang potential nito na maka-penetrate pa sa international market dahil sa pareho silang ng singing voice ni Karen Carpenter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was Mr. de Walden who made the arrangement for me to meet my idol, Richard Carpenter. Sinasabi ko nga sa inyo, hindi ako makapaniwala na makikilala ko siya after all these years na paborito ko ang mga songs nila.

"Noong pumunta nga kami sa U.S. to meet Richard, akala ko it was in a fancy restaurant. Pero dinala kami sa bahay mismo ni Richard. Very warm ang pag-welcome sa amin ni Richard at ng wife niyang si Mary. I was on Cloud Nine during our stay there. Hindi ako makapaniwala na I was talking with Richard Carpenter!"

Sa mga ‘di pa pamilyar sa duo na The Carpenters, sila ang nagpasikat ng mga songs na "Top Of The World", "I Need To Be In Love", "We've Only Just Began", "Yesterday Once More", "Sing", "Close To You", "Superstar", "Merry Christmas Darling," at marami pang iba.

Dahil nga sa pareho ng timbre ang boses ni Claire at Karen, pinayagan ni Richard na muling i-record ang isa sa mga sikat na songs na sinulat ni Richard na "Something in Your Eyes."

"I was so flattered that Richard allowed me to record one of his best songs at talagang kinabahan ako noong recording day na. Ayoko kasing mapahiya. I respect the Carpenters so much. I want to give my best sa pag-interpret ko ng song niya. Pakiramdam ko tuloy nagsisimula ulit ako. It's like starting all over again."

Ayon nga kay Richard, kung nabubuhay pa raw ang kanyang sister na si Karen, malamang na maging magkaibigan ang dalawa dahil nakikita raw niya ang personality ng kanyang late sister kay Claire.

"Aside from the fact that they have the same range of singing voice, they are both fun to be with," ani Richard sa isang statement. "If Karen was alive today and heard Claire, they would have clicked together. They have so much similar personalities. They are both fun-loving people and very, very talented. For me, Claire is the real deal. Her talent should be admired by so many people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang album ni Claire ay may 12 cuts at ang carrier single nito ay ang "Something in Your Eyes." Kasama pa rito ang isang song na sinulat ng kanyang anak na si Gigo de Guzman titled "If I Dream Without You." Dagdag pa ni Claire na kung anuman ang mga magagandang nangyayari sa career niya ngayon, isa rin sa pinasasalamatan niya ay ang kanyang late husband na si Moises de Guzman na last year lang sumakabilang-buhay.

"When my husband died last year, alam ng lahat na malapit sa akin na sobrang lungkot ko kasi I lost someone who believed so much in what I can do. He was always there during my ups and downs. Kaya parang napilayan ako noong mangyaring mawala siya.

"Ngayon at kahit wala na siya, nararamdaman ko pa rin na nandiyan siya and still supporting me sa mga nangyayari ngayon. Kung may kinalaman pa rin siya sa nangyayari sa akin, maraming salamat dahil fulfillment ito nang matagal na naming pangarap. I only wish that he was still here para ma-share ko lahat ng kasiyahan ko ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN