Kakai Bautista recalls past criticism after hitting 40M views on YouTube

by Arniel C. Serato
Mar 3, 2022
Kakai Bautista celebrates milestone in her singing career
Kakai Bautista: "Mas gusto kong maalala ng tao ang boses ko at kung anong nararamdaman nila kapag pinapakinggan nila ako, kesa sa TINITINGNAN LANG NILA AKO habang kumakanta."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram

Masayang-masaya si Kakai Bautista dahil sa na-achieve niyang milestone sa kanyang singing career.

Ngayong March 3, 2022, umabot na sa 40 million views ang kanyang guest appearance sa Wish Bus ng Wish 107.5 FM may limang taon na ang nakararaan.

Dito ay kinanta niya ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita?" na orihinal na inawit ni Roselle Nava.

Kakai Bautista celebrates milestone in her singing career

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Facebook post, ibinahagi ni Kakai ang saloobin niya tungkol dito.

Pakiramdam ni Kakai, tanggap talaga siyang singer ng mga tao kahit mas nakilala siya bilang comedienne.

Muli ring bumalik sa alaala ng singer-comedienne ang palaging puna sa kanya noong nagsisimula pa lang ang singing career niya.

Lahad ni Kakai (published as is), “Sabe sa akin dati: ‘ipagawa mo yung ipin mo, may potential ka talagang maging sikat na singer” PAULIT - ULIT na SINABE KONG HINDI.

“Bakit? Dahil mas gusto kong maalala ng tao ang boses ko at kung anong nararamdaman nila kapag pinapakinggan nila ako, kesa sa TINITINGNAN LANG NILA AKO habang kumakanta. [laughing emoji]”

Wala raw pagsidlan ang kanyang kaligayan dahil hindi niya akalaing pakikinggan ng tao ang kanyang boses.

Biro pa niya, pakinggan na lamang nang nakapikit ang kanyang pagkanta upang manamnam nila ang “Bakit Nga Ba Mahal Kita.”

Ayon kay Kakai, “Naiyak ako sa saya nung Nakita ko tong tag ng Wish 107.5 sa akin today. 40 Million views! Naknampoooooooch!!!! Akalain nyo baaaa!!!!

Continue reading below ↓

“SO GUSYH kung pwede ko lang kayong yakapin lahat. Haaaaaaayyyy MARAMING SALAMAT!!! Ng wagas na wagas!!!!!!!!!!

“Pakinggan nyo ng Nakapikit, ramdamin nyo ang kwento ng awiting ito. [heart emoji]”

“I SING NOT TO PLEASE YOUR EYES”

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Kakai na kumakanta siya hindi upang i-please ang mga mata ng tao.

Continue reading below ↓

Patotoo niya, “REAL TALK.

“I SING NOT TO PLEASE YOUR EYES nor Your EARS, BUT to tell YOU A STORY and TOUCH YOUR SOUL.”

Kaya naman malaking bagay para sa kanya ang achievement na ito.

Pasalamat pa niya, “Para sa isang komedyante na ang realidad sa industryang ito ay maging komedyante nalang at hindi SINGER. Kase ganito, ganyan ka lang.

“Malaking Bagay kase PINAPAKINGGAN NYO AKO, kahit hindi ko sila kasing ganda at sikat.

“Pinaka-IMPORTANTE ay nakinig kayo.

“MARAMING SALAMAT!!!!!!!!!!!!!

“JUSKOW!!!!!! Sana wag kayong magsawang pakinggan lahat ng kwentong musika ko.

“Labyuh all.

“Thank you so much Wish 107.5 Sa Tiwala. [crying, praying hands emojis]

“*to God be The Glory.”

Continue reading below ↓

Tinagurian din si Kakai na "Dental Diva" dahil sa kanyang usling ipin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista: "Mas gusto kong maalala ng tao ang boses ko at kung anong nararamdaman nila kapag pinapakinggan nila ako, kesa sa TINITINGNAN LANG NILA AKO habang kumakanta."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results