Garrett Bolden dreams of writing songs for Julie Anne, Alden, and Bea Alonzo

by Rommel Gonzales
Mar 6, 2022
Garrett Bolden
Upcoming singer, composer and The Clash season 1 alumnus Garrett Bolden speaks highly of his musical idol, Julie Anne San Jose: “Sobrang multi-talented po talaga niya and above all that, napakabait po niyang tao."

Noong October 2021 ay nagwagi si Garrett Bolden bilang Male Pop Artist of the Year sa 12th Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

At nito lamang katapusan ng January 2022 ay nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Garrett at tinanong namin kung ano ang naramdaman niya sa kanyang pagwawagi.

Garrett Bolden

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Yun pa lang na-nominate ako noong time na yun sobrang happy ko na po.

“Kasi nung nakita ko po yung mga kasama ko sa list ng nominees, alam ko naman na parang, ‘Naku, mahirap ‘to, parang hindi ako mananalo dito!’

“So kumbaga, happy na po ako and glad na na-nominate ako.

“Pero at that time I was hosting an online for The Clash, then pumasok sa akin yung balita po na nanalo ako for Male Pop Artist of the Year.

"Doon po hindi ko ma-express, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko at that time, kasi parang I thought it was impossible, but it did happen.”

Maituturing nga naman na isang malaking achievement ang pagwawagi ni Garrett dahil kahit maituturing na baguhan pa lamang siya sa music industry ay malalaking pangalan ang tinalo niya sa naturang kategorya, tulad nina Carlo Aquino, Iñigo Pascual, Matteo Guidicelli, at ang Kapuso male singer na si Ruru Madrid.

Continue reading below ↓

Ang ipinanalong kanta ni Garrett ay ang "Handa Na Maghintay" sa ilalim ng GMA Music.

GARRETT'S MUSICAL MOTIVATION

Ano ang mga pagbabagong naranasan ni Garrett mula noong nagka-award siya?

Saad niya, “Actually, an award po is supposed to be, kumbaga, a validation of being an artist.

"Pero for me, I treat it as something that will give me more drive to… you know, really pursue this career and bring more of myself and my music to everyone.

“Para po kumbaga, binigyan po ako ng mas lakas ng loob na nakikita ko po yung mga awards na naibibigay po sa akin at napapanalunan ko.

“It gives me more drive to do more po.”

GARRETT WISHES TO COLLAB WITH THESE ARTISTS

Dahil gumagawa rin si Garrett ng kanta, tinanong namin siya kung sino sa mga kapwa niya Kapuso ang nais niyang igawa ng kanta, bakit at ano’ng kanta ang isusulat niya (at kakantahin) para sa mga ito?

Continue reading below ↓

Garrett Bolden

Pahayag niya, “If I were to write a song, so far meron po akong dalawa sa aking isip at noong nakaraang-nakaraan ko pa po ito iniisip, isang singer po at isang loveteam.

“Sa singer po siyempre I wanted to write… alam ko naman na sobrang galing na songwriter ni Ms. Julie Anne San Jose, pero if I were given a chance I would really love to write a song for her.

Continue reading below ↓

“And kung meron naman po akong isusulat at kakantahin gusto ko po isang kanta na maibibigay ko po kay Bea Alonzo at kay Alden Richards po, yun po.

“Kasi parang when I met, I mean nakatrabaho ko na po si Alden pero nung na-meet ko po si Ms. Bea for the first time, the second tme, she’s really, really nice.

"And kahit po siyempre Ms. Bea Alonzo na po yun, parang siya pa po minsan yung mauunang ngingiti sa amin, magha-hi sa amin, so talagang I’m really inspired sa kanya.”

Una raw na-meet ni Garrett si Bea sa All-Out Sundays at pangalawa ay sa isang event ng Lazada.

GARRETT'S FAVORITE ARTIST

Kung sakaling matapos na ang COVID pandemic at bumalik na nang husto sa normal ang sitwasyon at magkakaroon ng major concert si Garrett, sino ang nais niyang maging special guest?

“Wala na pong pag-iisipan pa dun, si Ms. Julie Ann San Jose!”

Continue reading below ↓

Crush ba niya si Julie Anne?

“Lagi ko pong… nung umpisa pa lang po, Clasher pa lang po ako, we see her as someone na talagang pinaghirapan niya yung career niya.

“At tsaka sobrang multi-talented po talaga niya and above all that, napakabait po niyang tao.

“And gina-guide niya rin po kami na mga Clashers, as in to share a secret lang din po, sometimes when I write a song pag medyo natapos na po pinaparinig ko po sa kanya.

“And nanghihingi po ako ng advise, tinutulungan niya po kami. Hindi lang naman po ako, kumbaga kaming po mga baguhan sa industriya.”

Produkto si Garrett ng season 1 ng The Clash kung saan hosts sina Julie Anne at Rayver Cruz.

GARRETT'S SOUNDTRACK-WORTHY HITS

Samantala, ang bagong kantang isinulat at kinanta ni Garrett na "Pwede Pa Ba?" sa ilalim ng GMA Music ay available sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang mga digital platforms worldwide.

Continue reading below ↓

Ang naturang single ay agad nakarating sa third spot ng iTunes PH noong i-release ito nitong January 28.

Ang "Pwede Pa Ba?" ang unang attempt ni Garrett na sumulat ng isang Tagalog na kanta.

Si Garrett rin ang umawit ng theme songs ng iba’t ibang serye ng GMA tulad ng Agimat ng Agila, The World Between Us, at Stories from the Heart: Love on Air.

Ang una naman niyang isinulat na awitin, ang "Our Love" ay napiling maging official theme song ng primetime series na I Left My Heart in Sorsogon.

Target naman ni Garrett na makapag-release ng isang international song sa pamamagitan pa rin ng GMA Music.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Upcoming singer, composer and The Clash season 1 alumnus Garrett Bolden speaks highly of his musical idol, Julie Anne San Jose: “Sobrang multi-talented po talaga niya and above all that, napakabait po niyang tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results