Is Jeric Gonzales' song Hihintayin Kita for Rabiya Mateo?

by Rommel Gonzales
Mar 19, 2022
Jeric Gonzales
Jeric Gonzales' single Hihintayin Kita will be launched on TV this Sunday, Mabrch 20, 2022.
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram

Hindi na nga itinatago nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang kanilang relasyon.

Nitong buwan ng Marso ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang monthsary sa isang restaurant sa Greenbelt.

At dahil ang bagong single ni Jeric ay may pamagat na "Hihintayin Kita," tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso hunk kung may nagsabi na ba sa kanya ng, "Hihintayin kita”?

Tila nahihiya at nakangiting sagot ni Jeric, “Wala pa nga, e. Naghihintay nga din ako, e!”

Si Jeric daw ay wala pa ring sinasabihan ng “hihintayin kita!”

Nakapanayam ng PEP.ph via Zoom si Jeric nitong Martes, March 15, 2022.

Kinabukasan, March 16 ng gabi, ay naglabasan ang mga Instagram posts nila ni Rabiya na nagkukumpirma ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng mga larawang kuha sa bakasyon nila sa Bohol.

Ito ay matapos ang media conference para sa "Hihintayin Kita" na single ni Jeric sa ilalim ng GMA Music.

Ito rin ang theme song ng pelikula ni Jeric na Broken Blooms, ang nag-iisang Filipino film na napiling ipalabas sa 41st Oporto International Film Festival sa Portugal.

Continue reading below ↓

Ang Broken Blooms ay sa direksiyon ni Louie Ignacio na siya ring sumulat ng "Hihintayin Kita" at director rin ng music video ng kanta ni Jeric.

Bukod kay Jeric ay nasa Broken Blooms din sina Therese Malvar at Royce Cabrera.

LOOKING BACK

Si Jeric ang hinirang na Male Acoustic Artist of The Year sa 12th Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club) noong November 2021 para sa kanta niyang "Taksil" sa ilalim rin ng GMA Music.

Iyon ang pinakaunang award niya bilang singer.

Lahad niya, “First award ko siya, and masayang-masaya naman ako at na-appreciate ako at nabigyan ng recognition ng PMPC, of course.

“Bata pa lang talaga ako kumakanta na ako, tumutugtog na ako so masayang-masaya ako na napansin nila yun, napansin nila.”

Ano ang pakiramdam ni Jeric hindi lamang siya kinikilala bilang artista, bilang actor, kundi bilang isang mang-aawit din?

“Very proud talaga ako sa sarili ko and then worth it talaga yung paghihintay.

Continue reading below ↓

"Kasi may mga ibang single na rin naman ako na na-release and then itong last ko, na-recognize nila ako so I’m very grateful talaga and blessed.

“And nai-inspire talaga ako na isa ako dun sa mga dapat na kumanta, na gumawa pa ng ibang mga songs, para mag-compose. Na-inspire talaga ako.”

Bago ang pandemya, uso na kapag may bagong kanta ang isang artist ay may mga mall tour at mall shows. Nahinto nga lamang ito dahil sa banta ng panganib ng COVID-19.

Ngayong medyo lumuluwag na ang quarantine restrictions, isasalang na na ba si Jeric ng GMA Music sa mga perfomances sa mga malls?

“Right now, more on ano pa rin siya, online pa din siya, lahat ng promotion namin. Pero I’m hoping na since nag-alert level 1 na tayo, excited na din ako, e, na bumalik yung dati.

"Yung mga mall shows kasi, ang saya nun! Yung mga tour ganun, sa radio, and sa lahat ng mga TV and radio stations, parang ganun.”

Continue reading below ↓

MORE SONGS TO WRITE

Sumusulat si Jeric ng mga kanta; kung sakaling gagawa siya ng kanta para sa sarili niya, ano ang kuwento nito at titulo?

“Kung gagawa ako ng kanta, I think siguro it’s about ano pa rin, patience pa rin kasi marami pa akong gustong gawin dito sa industry.

“I believe na there’s a lot of... parang naghihintay dito sa akin sa industry. So kung bibigyan ko siya ng title, siguro, 'Go on," parang ganun.”

Ano kaya kung “Maghihintay Ako” ang gamitin niyang titulo?

Sinang-ayunan naman niya ito at sinabing, “Siguro ganun, more on inspiration siya, more on inspiration pa rin yung song na gagawin ko.”

Samantala, ang “Hihintayin Kita” ay ilo-launch sa All-Out Sundays sa Linggo, March 20, at ngayon ay available na sa iba-ibang digital platforms worldwide.

Tungkol naman sa acting career ni Jeric, kasali siya sa cast ng Philippine adaptation ng South Korean series na Start-Up, na pagbibidahan nina Bea Alonzo, Alden Richards, at Yasmien Kurdi.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Jeric Gonzales, Rabiya Mateo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales' single Hihintayin Kita will be launched on TV this Sunday, Mabrch 20, 2022.
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results