REO Brothers of Tacloban bring back nostalgic hits via debut album



Ni-launch na ng Star Music ang debut album ng all-brothers band na REO Brothers of Tacloban. Binubuo ang bandang ito ng magkakapatid na Otic na sina Reno, Ralph, Raymart at RJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tinawag nga silang REO Brothers dahil may kinalaman ang mga letrang R, E at O sa kanilang magkakapatid.

“Yung R ay dahil lahat ng names naming magkakapatid ay nagsisimula sa letrang iyon.

“Yung E ay sa maiden name ng mother namin na Evasco.

“Yun O naman Otic na siyang family namin,” paliwanag ng band leader nilang si RJ sa album launch nila sa Cowboy’s Grill sa Quezon City.

Very inspiring ang kuwento REO Brothers dahil kabilang sila sa mga naging survivors ng super Typhoon Yolanda na tumama sa kanilang hometown in Tacloban noong November 2013.

Dahil sa kanilang angking talino sa musika, nagawa nilang ikabuhay ito.

Nagsimula ang kanilang banda sa Tacloban noong 2009 pa at pormal silang pinakilala sa publiko via the ABS-CBN Christmas Special noong 2013.

Kuwento ni RJ: “Sobra kaming kinakabahan noon kasi first time naming tutugtog sa harap ng maraming mga artista dito sa Manila. Tapos sa Araneta Coliseum pa.

“Nasanay lang kami sa probinsya at gamay na namin ang mga tao roon.

“Pero ginawa namin ang best namin at nabigyan pa kami ng standing ovation.”

Ang specialty ngang tugtugin ng REO Brothers ay ang mga nostalgic songs from the ’60 and ’70s. Paborito nila ay ang mga hit songs ng mga classic bands na Beach Boys, Dave Clark 5, Gary Lewis & The Playboys at ang number one favorite nila na The Beatles.

Sa katunayan ay mina-market sila bilang “Pinoy Beatles” at sa mga nakapanood na sa kanila, kuhang-kuha nga nila ang performance ng original Beatles.

“Ngayon po ay ang mga tinutugtog namin ay mga OPMs naman tulad ng mga songs ng VST & Company, Hotdogs at Juan dela Cruz Band. Yung tinatawag nga nila na Manila Sound.

“Depende po kasi sa crowd na tinutugtugan namin. At least, marami po kaming alam na tugtugin kapag may nag-request,” sey pa ni RJ.

Ang kanilang debut album na REO Brothers of Tacloban ay may apat na revivals (Awitin Mo Isasayaw Ko, Manila, Titser’s Enemy Number One, Pinoy Ako) at dalawang original songs (O Bakit?, Ako’y Tinamaan) na gawa ni Vehnee Saturno.

Available na nationwide sa lahat ng music stores ang album ng REO Brothers of Tacloban for P199. Puwede ring ma-download ito via online music stores on iTunes and Mymusicstore.com.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN