Anji Salvacion reveals how Martin Nievera, PBB housemates motivated her not to give up singing

by Melba R. Llanera
Apr 29, 2022
Anji Salvacion
Anji Salvacion (left) on Albie Casino's (at the beach) advice to her: "Kuya Albie told me din to always choose my happiness. Do whatever makes me happy without nakakaapak ng ibang tao." She also cited words of wisdom that she learned from Martin Nievera, Alyssa Valdez, and Samantha Bernardo.
PHOTO/S: Martin Nievera / Alyssa Valdez / Samantha Bernardo / Albie Casino Instagram

Aminado si Anji Salvacion, 19, na may punto sa buhay niyang nawalan siya ng pag-asa sa pag-abot ng kanyang pangarap bilang isang mang-aawit.

Si Anji ay Celebrity Top 2 housemate ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

"That was during the pandemic, and the [ABS-CBN] franchise was closed.

"The second time that I was doubting myself when I was about to go home and everything is tearing apart...

"These challenges almost got me to the point that I wanted to stop," bungad ni Anji sa mediacon ng The Feels Concert kunsaan siya ang headliner.

Dugtong niya: "At the end of the day, I want to thank God na nahimasmasan ako. Na He gave talaga a sign for me na, 'You should stay.'

"Grabe talaga ang prayers, I'm so thankful na God is really there for me even at the lowest point of my life."

Mapapanood na ng kanyang mga tagahanga si Anji sa first major virtual concert niya, ang titled Anji Salvacion, The Feels Concert, ngayong April 30, 2022.

Continue reading below ↓

MARTIN NIEVERA

Nagpapasalamat si Anji dahil marami ang nagpapalakas ng loob niya.

Isa na rito si Martin Nievera na nakausap ng dalaga tungkol sa pangarap niyang maging singer.

"I remember din Sir Martin, sabi niya, kinausap niya kami when we were newbies pa sa ASAP.

"Sabi niya, 'What are you doing here? Why are you performing?'

"Sabi ko, 'I love this, I love what I am singing, I love performing and I love to entertain people with my performance.'

"Sabi niya, 'That's a good answer.'

"Kasi, don't go daw to do something you feel you don't love kasi mapapagod ka. Tumatak din yun sa isip ko, na you should do something you love kasi in the long run hindi ka mapapagod."

ALYSSA VALDEZ

Tinuruan naman siya ni PBB Kumunity Season 10 Celebrity Top 1 winner na si Alyssa Valdez na huwag magpaapekto sa bashers para sa ikabubuti ng kanyang mental health. Si Alyssa ay kilala ring professional volleyball player.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anji: "What she told me lang is, sa Bahay pa ito, she told me, 'Make the bashers' negativity as noise. Make them your stepping stone towards achieving your dreams.'"

Huwag daw niya isipin kahit gaano kasakit ang mga salitang ibinabato sa kanya.

"See it in a positive perspective. It will help you, like, gain more self confidence to achieve your dreams more."

SAMANTHA BERNARDO

May payo rin sa kanya ang kapwa PBB housemate na si Samantha Bernardo, na isang beauty queen.

"Kay Ate Sam, na di ko talaga makakalimutan, sabi niya, 'Magpakatotoo ka lang sa sarili mo, kasi in this industry, mahirap din talaga.'

"She told me na, 'Once you're real to yourself lang, hindi ka mahihirapan, and you don't have to please people.'"

ALBIE CASIÑO

Isa pang PBB housemate na napalapit kay Anji ay si Albie Casiño na itinuturing niyang kuya sa showbiz.

Lahad ni Anji: "Me and Kuya Albie, we're actually messaging each other. These days, Kuya Albie is busy din, he's going to have his new project again and I'm so proud of him.

Continue reading below ↓

"Our relationship is really great and I'm so glad that I have a kuya like Kuya Albie.

"He's one of the people din who is always there for me.

"Kuya Albie told me din to always choose my happiness. Do whatever makes me happy without nakakaapak ng ibang tao.

"He's one of the best kuyas that I could ever have. He's one of the truest and genuine people na I really want to put in my life."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anji Salvacion (left) on Albie Casino's (at the beach) advice to her: "Kuya Albie told me din to always choose my happiness. Do whatever makes me happy without nakakaapak ng ibang tao." She also cited words of wisdom that she learned from Martin Nievera, Alyssa Valdez, and Samantha Bernardo.
PHOTO/S: Martin Nievera / Alyssa Valdez / Samantha Bernardo / Albie Casino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results