Chelsea Alley writes tribute song for the late Slapshock frontman Jamir Garcia

by Gorgy Rula
May 4, 2022
Chelsea Alley
Lean Ansing on Chelsea Alley's first single "Heneral": "Itong songwriting process nito, lahat kami may input, e... Nag-usap sina Chi at saka si John, napagkuwentuhan tungkol kay Jamir, ang then yung pagkukuwentuhan nila yun, pag-uwi ni John, iyun na-inspire sa kanya para maisulat yung lyrics." Seen on photo are Chi Evora, Lean Ansing, John Borja, and Ariel Lumanlan.
PHOTO/S: Gorgy Rula

Dinagsa ng fans ng disbanded nang grupong Slapshock ang The Elements sa Centris, Quezon City, noong Biyernes, April 29, 2022.

Dalawang miyembro ng sikat na OPM heavy metal band na sina Chi Evora at Lean Ansing ay kasali sa Chelsea Alley, ang bagong banda na nagpasasiklab doon.

Sila ang nakaisip ng pangalang Chelsea Alley sa binuo nilang grupo. Si Chi ang drummer, habang si Lean ang gitarista.

Paliwanag ni Chi tungkol sa pangalan ng kanilang banda, "Wala naman talaga siyang malalim na meaning.

"Ang Chelsea, dun ako lumaki. Street yun sa Fairview, e. Tapos yung Alley, street naman ni Lean yun sa Project 6, Alley 2.

"Kasi okay naman e, C.A., Chelsea Alley. Ang catchy ng sound, e. Parang kakaiba yung name, kakaiba yung vibe niya. Parang malawak yung music niya.

"Parang hindi mo siya makakahon sa kahit anong klaseng music. Hindi siya metal lang—puwedeng pop, puwede kang mag-alternative. Cool siya. Cool."

Continue reading below ↓

Kumumpleto sa Chelsea Alley band si John Borja, ang lead vocalist, at si Ariel Lumanlan, ang isa pang gitarista.

Si John ay kaibigan nina Lean at Chi mula sa ibang banda.

REMEMBERING GOOD FRIEND AND BANDMATE JAMIR

Binigyan nila ng tribute ang namayapang bokalista at leader ng bandang Slapshock na si Jamir Garcia.

READ: Slapshock frontman Jamir Garcia found dead at QC home

Ang first single pa ng Chelsea Alley, na pinamagatang "Heneral," ay inalay nila kay Jamir na tinatawag din naman ng fans na si Heneral.

Kuwento ni Lean, ang gitarista ng banda: "Itong songwriting process nito, lahat kami may input, e, which is kumbaga, para sa unang single, na unang magwu-work kami sa ganung aspect, exciting, nakaka-inspire kasi everybody’s working.

"Nag-usap sina Chi at saka si John, napagkuwentuhan tungkol kay Jamir, and then yung pagkukuwentuhan nila yun, pag-uwi ni John, iyon, na-inspire sa kanya para maisulat yung lyrics.

Continue reading below ↓

"Yung song na yun naging tribute namin for Jamir, tapos yung title si Ariel ang nakaisip. So, bale ang buong banda yung nag-effort."

Aminado si John na naantig siya sa kuwento ng pagkakaibigan nina Chi at Jamir kaya madali siyang nakasulat ng kanta.

Saad niya, "Sobrang laki nung impact sa akin. Kaya nung time na pag-uwi ko ng bahay, dala-dala ko siya.

"Since nung sinulat ko yung kanta tungkol sa dalawang magkaibigan, hanggang huli nagdamayan sila, nagkasama sila. Kahit nawala man yung kaibigan niya, nandiyan pa rin siya."

Dagdag ni Lean: "Emotional and masaya kami. Magical in a way, kasi nung nagawa yung song, parang lahat unanimous, e. Ito yun, pang-first single talaga. No doubt at karapat-dapat talagang unang ilabas.

"Everything fell into place, e, para dun sa song na yun. Unanimous, including the universe decided na ito ang una naming ilalabas na kanta."

Kaya sa paghahanda nila ng unang pagtuntong sa entablado ng Chelsea Alley, tiyak na mararamdaman daw nila ang presence ni Jamir na alam nilang masaya ito dahil nabuo ang binabalak nilang banda.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Lean: "Lagi kasi namin siya iniisip, e. 'What would Jamir do?' Yung mga ganung aspect. Hindi maiwasan talagang maramdaman mo yung presence niya.

"Kumbaga, ito yung iniwan niya… yung memories na kasama siya. Kung papa'no siya mag-work pag ganitong gagawin, sa writing man o doing a show.

"Maybe later pagtugtog namin feel namin kasama namin siya sa pagtugtog."

Ayaw na lang daw nilang ungkatin pa o pag-usapan ang di magagandang kuwento ng pagpanaw ni Jamir. Mas gusto nilang mag-move on, alang-alang sa namayapa nilang kaibigan.

Ani Lean, "Focus na lang kami sa music, kasi tingin namin, ito yung gusto niyang gawin namin, e. More than half of our lives kasama namin siya, e."

Dugtong ni Chi, "Yung bonding namin outside music, e. Lagi kaming nagba-basketball. May Monday club kami. Lumalabas kami. Mas madalas kaming magkita kesa sa gigs."

HOT STORIES

HOW CHI AND LEAN LOOKED FOR CHELSEA ALLEY MEMBERS

Nilinaw nina Lean at Chi na noong nabubuhay pa si Jamir ay na-disband na ang Slapshock at sinimulan na raw nila ang pagbuo ng bagong banda.

Continue reading below ↓

"Before na mawala si Jamir, disbanded na kami," pakli ni Chi.

"May binubuo na talaga kaming banda. Supposed to be talaga kasama si Jamir. Pero since nga ganun yung nangyari, nag-decide kami ni Lean na ituloy na since nahanap na namin si John.

"Pero nung time na yun na nahanap na namin si John, nandun lang kami nakatambay sa warehouse sa Bulacan. Nandun si Lean, sabi niya, 'Chi, napanood mo yung video ni John sa YouTube?'

"Pinanood niya sa akin yung video ni John sa YouTube na kinober niya yung song ng Linkin Park. Pagkatapos kong mapanood, sabi ko, 'Kontakin mo na ‘yan, ngayon na.'

"Kinontak si John, sumagot agad," dagdag niyang pahayag.

Hindi rin nag-atubili si John, at tinanggap kaagad ang posisyon dahil gustung-gusto na rin daw niyang bumalik sa pagkanta.

Ani John, "Kasi nagkaroon ako ng trabaho. U.S.-based yung work ko. Paano ko ma-manage yung work ko at passion ko sa music. Pero yun pa, dahil work from home’ako, sabi ko, 'Kaya ko ito.'

Continue reading below ↓

"Kasi gusto ko talagang bumalik sa music, e. Pabenta na ako ng mga gamit ko e, mga microphones ko, ayoko na. Yung nag-chat siya sa akin kasi gusto nilang bumuo ng bagong banda, game na ako.

"Kasi first love ko ang music. Matagal ko nang ginagawa ito. Dati, sa mga bar gigs lang ako tumutugtog, three sets, 40 songs a night, seven days a week. Iyon ang bale hanapbuhay ko, e, para sa pamilya ko.

"So,ngayon, siguro deserve ko na rin na makasama ko sila."

Nagpasalamat din ang dagdag sa grupo na gitarista rin si Ariel Lumanlan, na bilib sa pinanggalingang banda nina Chi at Lean.

Aniya, "Grateful siyempre kasi iba rin kasi ang followers ng Slapshock, e. Sobrang loyal sila from one up to dun sa last ano, last run nila.

"Sobrang blessed din, kasi nung binuo nila yung Chelsea Alley, sumunod lahat."

Kaya iba raw ang pakiramdam nila nang nagsimula na silang tumugtog kaharap ang mga loyal fans ng Slapshock, lalo na’t binigyan nila ng tribute ang namayapang bokalista na si Jamir.

Continue reading below ↓

WORKING ON A FULL ALBUM

Ngayong mayroon na silang single, ang target ng Chelsea Alley ay makabuo ng album ngayong taon.

Sabi ni Chi, "Hindi naman kami nagmamadali. Ang importante sa amin, may single na kami. Kung makabuo kami ng album bago matapos ang taon, ilalabas na namin."

Malaking challenge daw ito kina John at Ariel na hindi sila dating taga-Slapshock, ngayon ay susuportahan sila ng mga loyal fans ng dating banda.

Pahayag ni John, "May pressure din sa akin. Malaking shoes yung [ipi-fill] ko, e. Pero nangingibabaw pa rin sa akin yung excited ako dahil gusto ko kumanta. Eto na, e. Tuluy-tuloy na."

Mensahe naman ni Ariel sa solid supporters ng Slapshock: "Sa lahat na sumusuporta from Slapshock up to Chelsea Alley, thank you. Sana tuloy pa rin ang suporta sa aming apat. Abangan niyo ang mga ilalabas pa naming kanta."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lean Ansing on Chelsea Alley's first single "Heneral": "Itong songwriting process nito, lahat kami may input, e... Nag-usap sina Chi at saka si John, napagkuwentuhan tungkol kay Jamir, ang then yung pagkukuwentuhan nila yun, pag-uwi ni John, iyun na-inspire sa kanya para maisulat yung lyrics." Seen on photo are Chi Evora, Lean Ansing, John Borja, and Ariel Lumanlan.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results