Singer Jona: "Hindi effective yung lagi ka na lang silent or nagpapaapi."

by Melba R. Llanera
May 6, 2022
Jona, The Broken Marriage Vow
What Jona learned from The Broken Marriage Vow: "I hope yan din ang ma-embody nating mga napanghihinaan ng loob especially ng mga kababaihan, na if sobra na talaga, I think we need to fight back na rin."
PHOTO/S: @jona Instagram

Isa si Jona sa singers na may kanta na kabilang sa playlist ng The Broken Marriage Vow, ang "Tinatapos Ko Na."

Mula ito sa Himig Handog 2018 song entry ni Sarah Jane Gandia at pinerform noon ni Jona. Kabilang din ito sa OST ng Tagalized version ng The World Of The Married Couple.

Sa mediacon ng The Marriage Broken Vow, natanong si Jona kung sino sa mga karakter sa serye ang gusto niyang gampanan kung siya ay maging artista.

"Siyempre yung character ni Ms. Jodi, ni Dr. Jill," sagot agad ni Jona na ang tinukoy ay ang bidang doktor na ginampanan ni Jodi Sta. Maria.

Gusto raw niya ang konsepto na hindi ito nagpaapi sa gitna ng dinanas na betrayal ng asawa.

"Kasi sobrang fearless niya talaga at napakamabuti niyang ina. Kahit na nagkakaproblema silang mag-asawa gusto pa rin niya na i-secure or i-assure ang anak niya na everything will be alright.

Continue reading below ↓

"Kahit minsan na out of control na talaga yung mga pangyayari, inuuna pa rin niya ang mararamdaman ng anak niya. Talagang palaban yung character niya ni Ms. Jodi, si Dr. Jill.

"I hope yan din ang ma-embody nating mga napanghihinaan ng loob especially ng mga kababaihan, na if sobra na talaga, I think we need to fight back na rin."

Diin ni Jona, hindi raw uso ang martir.

"Hindi kasi effective yung lagi ka na lang silent o nagpapaapi. Heto nabasa ko lang ito recently sa social media, na kapag tatahimik ka lang at wala kang gagawin, ibig sabihin you're on the side of the oppressor.

"Importante talaga you speak up and you fight back kapag kinakailangan na talaga na ipaglaban ang pamilya o yung pagmamahalan.

"Hindi puwede na humantong sa pagiging broken family, ilaban natin hanggang kaya natin."

READ: Jodi Sta. Maria reacts to TikToker's spoof of her line: “Papunta pa lang tayo sa exciting part.”

Continue reading below ↓

ON pouring the right emotions in a song

Naniniwala din ang singer na malaki ang tulong ng theme songs na nilalapat sa isang pelikula o serye para mas maging epektibo at madadala nito ang emosyon ng mga manonood.

Tig-1M views ang tatlong video ng nakakadurog ng puso na "Tinatapos Ko Na" ni Jona sa Star Music YouTube.

"Para kasi sa akin, ang pagiging isang singer-performer ay pagiging actor din. You are using your voice to project the emotions na kailangan para dun sa lyrics ng kanta.

"Siyempre when you are singing broken-hearted songs, siyempre ityu-tune mo yung voice mo na papaiyakin mo siya. Pag kumakanta ka naman ng like romantic happy love song, iba din naman yung atake na gagawin mo dun.

"For me napakahalaga ng itong mga theme songs na ito na mailagay sa mga serye o mga movies para ma-enhance yung eksena or yung emotions na gusto nating i-convey as a whole sa audience.

Continue reading below ↓

"For me yun ang pinaka-important na trabaho ng isang singer na mailagay niya yung tamang emotions at mai-deliver niya through her voice yung hinihingi na emotiona ng kanta."

READ: Jona recounts milestone since moving to ABS-CBN: "First time ko nagkaroon ng platinum album!"

STORY OF THE SONG "TINATAPOS KO NA"

Natanong din si Jona kung ano sa palagay niya ang pinagkaiba ng kanta niyang "Tinatapos Ko Na" sa ibang mga kanta na kabilang sa playlist ng The Broken Marriage Vow.

"Siguro masasabi ko na difference ng song na ito sa iba sa playlist, kahit yung topic ng song na ito is about being broken-hearted, in the end, nandun yung hope na para matapos na ito.

"Ako na mismo ang tumatapos sa sitwasyon na ito kasi gusto ko ng maka-move on. Gusto ko na uling sumaya, at matapos na yung phase ng kalungkutan at kapighatian na naramdaman ng puso ko.

"Another thing that separates the song from other songs in the playlist, medyo chill lang ang song na ito, wala siyang birit or belting part. Talagang nung ni-record lang namin ang song na ito, gusto lang namin iparamdam yung puso ng kanta mula umpisa hanggang dulo.

Continue reading below ↓

"Dalawa ang nabibigay ng emotions na ito, yung first part talagang pinaparamdam mo na sobrang nasaktan ka sa lahat ng pangyayari. Nasaktan ka ba, niloko ka, pero towards the end nandun naman yung mensahe na being hopeful and looking forward.

"Sa pinakadulo ng lyrics, 'hanggang dito na lang, tinatapos ko na.' Parang nandun din yung feeling of empowerment na ikaw naman ang magdedesisyon sa sarili mo na mag-move on para sumaya naman."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What Jona learned from The Broken Marriage Vow: "I hope yan din ang ma-embody nating mga napanghihinaan ng loob especially ng mga kababaihan, na if sobra na talaga, I think we need to fight back na rin."
PHOTO/S: @jona Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results