Dr. Manny Calayan performs with Faith Cuneta on March 1


Faith Cuneta will have Dr. Manny Calayan as her guest in her March 1 show titled Faith Cuneta Sings Sinatra at the Mandarin Hotel.


Hinahanap-hanap ni Dr. Manny Calayan ang kanyang ginawang pagkanta noong sumali siya sa Celebrity Duets ng GMA-7. Sa naturang reality singing competition, ang lifestyle columnist na si Tessa Prieto-Valdes ang nanalo.

Palibahasa ay hilig niya ang pagkanta at inamin na niya mismo na may mga pagkakataong hindi niya maiwasang kumanta or even just hum a tune habang nag-oopera siya sa kanyang clinic.

Kaya nga muling babalikan ng sikat na celebrity cosmetic surgeon ang kanyang "other love" dahil siya ang special guest ni Faith Cuneta sa show nito dubbed Faith Cuneta Sings Sinatra.


Kakantahin nina Dr. Manny at Faith bilang duet ang "I've Got a Crush on You." Ibibigay rin ni Dr. Manny ang interpretation niya ng "Moon River" at "The Nearness of You."

Ayon kay Dr. Manny, malaki ang naitulong sa kanya ng pagsali niya sa Celebrity Duets dahil pakiramdam niya ay nahasa ang kanyang boses at mas nagkaroon siya ng confidence at lakas ng loob bilang mang-aawit para mag-perform sa harap ng maraming tao.

Gaganapin ang nasabing show ni Faith sa Captain's Bar ng Mandarin Hotel sa Makati City, ngayong Sabado, March 1, at 8:30 pm. Sa mga gustong bumili ng ticket, tumawag sa 891-9999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN