Ken Chan comes up with funny song titles for leading ladies Rita Daniela, Bianca Umali

by Rommel Gonzales
Jun 1, 2022
Ken Chan and leading ladies Rita Daniela and Bianca Umali
Ken Chan's leading lady in Mano Po Legacy: Her Big Boss is Bianca Umali (L), while his perennial screen partner is Rita Daniela.
PHOTO/S: @bianxa @akosikenchan on Instagram

Para kay Ken Chan, maraming similarities ang kanyang mga naging love-team partners na sina Rita Daniela at Bianca Umali.

Una niyang nakapareha si Rita sa highly successful Kapuso series na My Special Tatay (2018), One of the Baes (2019), at Ang Dalawang Ikaw (2021). Nagkasama rin sila sa pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw (2021).

Kapareha naman niya ngayon si Bianca sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, na magtatapos na ngayong Huwebes, June 2, 2022.

Kuwento ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Rita saka si Bianca ay parehong maalagain.

“Sobra-sobrang maalagain silang dalawa. Alam nila kung gutom ka na, alam nila kapag malungkot ka, alam nila kung ano yung magpapasaya sa iyo.

“Magaling silang dalawang magluto. Magaling silang gumawa ng adobo, sinigang, yung mga typical Pinoy food, comfort food natin, alam nilang dalawang lutuin.

“Pareho silang magaling na aktres.

“Marami, marami e, yung similarities nilang dalawa.”

Ano naman ang pagkakaiba ng dalawang Kapuso actresses?

Continue reading below ↓

“And ang difference nila… ano nga ba’ng difference nila?

"Okay, eto ang difference ni Bianca at ni Rita, sa pagkain.

“Si Rita ay favorite niya lahat!

“Talaga, favorite ni Rita lahat," at tumawa si Ken.

“Si Bianca naman pagdating sa pagkain, very health-conscious talaga siya. Mapili talaga siya sa mga kinakain niya kasi noon pa man, talagang kilala ko na si Kikay, si Bianca, na talagang health-conscious siya.

“So yung mga dinadala niyang pagkain, tulad ng rice, ang dala niya adlai rice. Mahilig siya sa vegetables, ganyan.

“So yung mga pagkain niya, mostly ng mga snacks niya parang lahat yata binili niya sa Healthy Options! Parang mga ganun.”

Natatawang dagdag pa niya, “Si Rita kasi, parehas kami ni Rita, kahit ano kakainin namin! Taba, pork chop, chicken, so dun naman kami nagkakasundo talaga ni Rita.

“So iyon yung pinagkaiba talaga nilang dalawa.

“Ano pa bang pinagkaiba ni Rita at saka ni Bianca?

Continue reading below ↓

“Actually marami silang similarities dalawa, e, kaya nag-iisip ako kung ano pa ba’ng… kaya ang unang pumasok sa akin pagkain e,” at muling tumawa ang Kapuso and Sparkle artist.

SONGS FOR HIS LOVE-TEAM PARTNERS

Nakapanayam ng PEP.ph si Ken nitong May 27, sa Zoom mediacon para sa kanyang single na pinamagatang "Quaranfling."

Kung lilikha si Ken ng awit para kina Rita at Bianca, ano ang buod ng kanta at ano ang gagamitin niyang titles ng mga kanta?

“Gusto ko iyan! Ahhh for Rita, ang title nung kanta ay 'Si Choi At Si Chow.' Kasi ang tawagan naming dalawa, ang tawag ko sa kanya Choi, kasi tabatsoy,” at tumawa si Ken.

“Ang tawag naman niya sa akin Chow kasi nung maliit daw ako, nung bata pa ako, mukha raw akong Chow Chow.”

Ang Chow Chow ay isang breed ng aso.

“So gusto kong gumawa ng isang kanta mula doon sa Tsoy at saka sa Chow kasi maganda yung kuwento na yun e, kung bakit Tsoy at Chow yung tawagan namin at may kuwento yun kung bakit ganun.

Continue reading below ↓

”And nakakatuwa kasi hanggang ngayon Tsoy at Chow yung tawagan namin and naging love language namin ni Rita yung tawagan na yun e. So very important sa amin yung Tsoy at Chow na name.

“So iyon ang title ng kanta ko para kay Rita. Si Tsoy At Si Chow."

Ano naman ang kanta niya para kay Bianca?

“Kay Bianca naman, ang title ng kanta ko kay Bianca, 'Samgyeop!' Samgyeop,” ang muling natatawang sinabi ni Ken.

“Samgyeop kasi una kaming nag-date, I mean friendly date ni Bianca sa Samgyeop.

“So ang dami naming napagkuwentuhan dun sa… you know what, nag-umpisa kaming mag-Samgyeop ni Bianca alas-tres ng hapon, nag-Samgyeop na kami, hanggang mag-close ang Samgyeop ng siguro alas-diyes!

“Kasi hindi namin namalayan na habang nagsa-Samgyeop kami, ang dami na naming napagkuwentuhang dalawa. Ang dami na naming nalaman sa isa’t isa.

“Yung mga sikreto niya, yung mga sikreto ko nalaman na namin. So dun sa oras na nag-Samgyeop kami, nalaman namin yung buhay naming dalawa, at yung mga hilig namin sa buhay, nakapag-share kaming dalawa.

Continue reading below ↓

“And with that I think madali akong makakagawa ng kanta sa mga napag-usapan namin,” ang nakangiting pahayag pa ni Ken.

Bukod sa pag-aartista at pagkanta ay sumusulat rin ng mga kanta ang Kapuso actor.

Sino naman ang mas mahal niya kina Rita at Bianca?

“Parehas sila, parehas silang love ko talaga.

"And mahalaga sila sa akin talaga, and malaking bahagi sila ng buhay ko, hindi lang sa career ko pero behind the camera, napakalaking bahagi sila ng buhay ko.”

Ang bagong single ni Ken na "Quaranfling" ay sa ilalim ng GMA Music at available sa iba-ibang digital music platforms worldwide.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan's leading lady in Mano Po Legacy: Her Big Boss is Bianca Umali (L), while his perennial screen partner is Rita Daniela.
PHOTO/S: @bianxa @akosikenchan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results