Watch Now

Shanti Dope, Flow G hands off in Skusta Clee-Zeinab Harake controversy

by Melba R. Llanera
Jun 17, 2022
Shanti Dope, Flow G
Shanti Dope (left) and Flow G (right) are thankful to Skusta Clee for supporting the launch of their music collab "Kamusta," a rap song which tackles mental health.
PHOTO/S: @shantidope.younggod / @plojiflowg Instagram

Iwas sina Shanti Dope at Flow G na magbigay ng opinyon sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang kapwa rapper na si Skusta Clee.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Shanti at Flow G sa launch ng bago nilang music collab na "Kamusta," na inilunsad ang MTV sa SM Megamall Cinema 2.

Kabilang sa mga dumalo sa event si Skusta Clee.

Kamakailan lang ay napabalitang na-'Boo!' si Skusta sa isang event sa Clark, Pampanga, at may hiwalay pang okasyon kunsaan nag-walkout umano ito.

Marami ang naiinis kay Skusta dahil sa diumano'y panloloko nito kay Zeinab Harake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin sina Shanti at Flow G kung paano nila sinusuportahan si Skusta, halatang ayaw ng mga itong panghimasukan ang personal na buhay ng katrabaho.

"Lahat naman ng projects niya sinusuportahan ko, dun tayo makakatulong. Pero yung personal, personal nila yun," iwas na sagot ni Flow G.

Sabi naman ni Shanti Dope, "Isang napakalaking karangalan ang sumuporta sa amin dito si Skusta.

"Sa totoo lang, high school pa lang ako sina-sound trip ko na sila. Ngayon nakikita ko sobrang bilis ng mga pangyayari kasama ko na ang mga idol ko.

"Nakaka-motivate."

SONG ABOUT MENTAL HEALTH

Malalim ang tema ng collaboration song ng rappers na sina Shanti Dope at Flow G, ang "Kamusta."

Released by Universal Records, ang kantang ito ay umiikot tungkol sa kahalagahan ng pag-intindi sa mga mahal sa buhay na may hinaharap na mental health issues.

Sa music video, ipinakita ang iba-ibang sitwasyon ng mga taong may depresyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kina Shanti Dope at Flow G, kahit sila ay dumaan sa anxiety ngayong pandemya katulad ng iba pang Filipinos.

Ani Flow G: "Kasi malala talaga ang ganyang problema, kasi social media na ang panahon ngayon.

"Lahat gustong pumasok sa buhay ng bawat isa, lahat nag-aabang sa iyo, at ang inaabangan nila ay mga mali, yung mga tama di nakikita.

"Nagiging common problem siya ng mga tao kasi social media, lahat na puwedeng magkomento sa personal mong buhay, kaya napili din namin na ito ang i-tackle."

Sabi naman ni Shanti Dope, "Anxiety, overthink lang naman yun sa akin. Parang normal naman yun, parang lahat naman ng tao dumadaan siguro sa ganun.

"Buti na lang may music, nakaka-escape yun sa reality ng social media, trabaho, pagsubok o ano pa man."

Kaya nakatulong daw ang pagbuo nila ng kanta para ma-release ang anumang dala-dala nilang problema.

Sabi pa ni Shanti Dope, "Ako nakakaranas din ako niyan, kagaya namin kung ang mga topic nga ng kanta nae-elaborate namin yung mga lyrics sa isip namin, ganun din sa problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan ganun lang ang problema pero dahil ang isip namin masyadong artistic, napapalaki namin sa isip namin. Nae-elaborate namin."

Dagdag ni Flow G, "Kasi, kami sa sarili namin, parang nag-confess lang din kami. Ganun lang din kami, siyempre hindi namin naipapakita yun."

Pagdating sa music video, hinayaan nina Shanti at Flow G ang direktor na magdesisyon kung paano ang execution nito.

May mga cut-to-cut ng couple, mag-ina, at iba pang karakter na dumadaan sa depresyon.

Ayon kay Shanti Dope, "Umokey naman kami kasi yun ang pinaka-common dun. Music video 'yan, five minutes lang, sobrang igsi para maibigay ang istorya. Ang ginawa, kinuha ang pinakamage-get."

Inamin ni Shanti Dope na hindi na sila kumonsulta sa eskperto pagdating sa pagtalakay ng depresyon sa music video.

Paliwanag niya, "Lahat naman ng tao dumaraan sa pain. Iyan ang totoo sa mundo, kani-kaniyang pain lang iyan.

"Parang gusto namin ipakita yung totoong side ng buhay na ito, pero gusto naming sabihin na nandito kami, masasabihan mo kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON support from "MASTER" GLOC-9

Isa rin sa dumalo sa MTV launch at media conference ng "Kamusta" ay ang mahusay na rapper na si Gloc-9.

Lubos itong ikinatuwa nina Shanti Dope at Flow G.

Sabi ni Shanti Dope: "Kay Sir Gloc naman, priceless. Sa totoo lang, hindi ko rin expected, Gloc-9.

"Tinitingnan ko na lang na baka arrangement na ito ng Diyos para sa akin.

"Tinitingnan ko na lang siya as positive na sign siguro ito para ipagpatuloy ko lang. Ngayon kasama ko na ang mga idol ko.

"Dati natutulog lang ako sa lapag, ngayon nandito na ako. Ganun ko na lang tinitingnan ang mga pangyayari.

"Sobrang nakaka-inspire. Hindi mawala ang gutom ko na mag-strive pa nang solid."

Sang-ayon ni Flow G, "Priceless din, Master Gloc iyan.

"Grabe ang workload niyan sa isang araw, pero nandito siya. Parang movie yung nilu-lauch, e, five minutes video lang. Priceless."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shanti Dope (left) and Flow G (right) are thankful to Skusta Clee for supporting the launch of their music collab "Kamusta," a rap song which tackles mental health.
PHOTO/S: @shantidope.younggod / @plojiflowg Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results