Chynna Ortaleza speaks up about husband Kean Cipriano "disengaging" from Callalily band

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2022
Chynna Ortaleza on Kean Cipriano disengaging from Callaliy
Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano reportedly leaving Callalily: "He just left the format of the band. He did disengage with his former bandmates but the name Callalily stays with Kean Cipriano.”
PHOTO/S: Courtesy: @chynsortaleza on Instagram

Pinabulaanan ni Chynna Ortaleza na iniwan ng kanyang asawang si Kean Cipriano ang banda nitong Callalily.

Lumabas ngayong araw ang usap-usapang iniwanan na ni Kean ang kanyang banda matapos ang labing-pitong (17) taong pagiging bokalista nito.

Kapansin-pansin kasi sa Facebook page ng banda na mula sa Callalily ay naging Lily Music ang pangalan nito ngayon.

Ayon sa exclusive interview ng GMA News Online ngayong June 23, 2022, sinabi ng asawa ni Kean na si Chynna na hindi umalis ang asawa sa banda kundi nag-disengage lamang.

Ipinaliwanag ni Chynna na ang pagpapalit ng banda ng pangalan mula Callalily sa Lily ay dahil kay Kean naka-copyright ang pangalan nito.

Si Chynna ang vice president ng O/C Records, ang music label na pag-aari nila ng asawang si Kean.

Sabi niya, “He did decide to leave the set-up of being in a band. However, Callalily kasi was always under his intellectual property. The brand stays with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If I look kasi into how it’s being phrased at the moment, siyempre it’s easy to say na, 'O, he left Callalily.'

"But he just left the format of the band. He did disengage with his former bandmates but the name Callalily stays with Kean Cipriano.”

“WE KNOW THE TRUTH”

Sa mga sumunod na salita ni Chynna, mahihinuha na may di pagkakaunawaan sa pagitan ni Kean at ng mga kabanda.

Ani Chynna, nais ni Kean na ipalisensiya sa dating mga kasamahan sa banda ang pangalan ngunit parang hindi raw nila ito maintindihan.

Sabi pa niya, “But I don’t think they understood what that meant. And it’s being loosely thrown in social media na he stole [the name]."

"Sabi ko nga, we know the truth naman and if they cannot understand what happened, I guess that’s just how the story is. And they have more years ahead of them to learn about the rights and the business of music."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ninais daw nilang maayos ang naging gusot ng asawa sa dating mga kabanda.

"Sino ba naman yung gustong to leave things in the air na hindi siya plantsado?

"We really wanted to fix things legally with them, like a proper label release was something that I was thinking of doing with them," dagdag ni Chynna.

Makailang beses daw ninais ni Kean na makipag-meeting sa mga ito pero hindi daw ito natutuloy.

Ito marahil ang ibig sabihin ni Chynna kung bakit nasabi niyang hindi tama ang espekulasyon sa social media na iniwan ni Kean ang banda nito.

Saad niya, "[Kean was] actively trying to set a meeting with them because he had the best intentions for his bandmates as well.

"It was more of a decision of progressive growth for each member than a solo decision na ‘I want out.’ Hindi siya ganun."

“NOT ON GOOD TERMS”

Kuwento pa ni Chynna, matagal na raw pinag-isipan ni Kean na kumalas sa grupo at maging solo singer ngunit hindi daw kaagad ito nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang dumating ang punto na naramdaman na lamang niya na panahon na upang gawin ito.

Lagad niya, "It’s just very unfortunate that his bandmates didn’t want to talk to us anymore despite the continued efforts of trying to get in touch with them because we want to fix things.”

Diretso namang inamin ni Chynna na hindi “on good terms” si Kean sa mga dati nitong kagrupo.

Sabi nito, "No, they’re not. Kasi parang Kean was really trying his best to reach out but he just kept on getting no replies, e. They didn’t want to talk to him."

"But I guess that’s just how their response is and we really can’t do anything about it.

"Kean naman is very open-minded and you can’t force a certain kind of reaction sa mga taong hindi ready or hindi nakikita yung paths [for growth]."

Naging sikat at aktibong banda ang Callalily mula noong 2005. Kinagiliwan ng mga music lovers ang mga kanta nilang “Stars,” “Magbalik,” at “Pansamantala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, maglalabas naman daw ang Lily ng official statement sa mga susunod na araw.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano reportedly leaving Callalily: "He just left the format of the band. He did disengage with his former bandmates but the name Callalily stays with Kean Cipriano.”
PHOTO/S: Courtesy: @chynsortaleza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results