Watch Now

Idol PH judges Moira, Regine, and Gary make their own rendition of "Don’t Touch My Birdie"

by Khryzztine Joy Baylon
Jun 29, 2022
Idol Judges PH Regine Velasquez, Chito Miranda, Gary Valenciano and Moira dela Torre
Idol Philippines judges Moira dela Torre, Gary Valenciano, and Regine Velasquez make their own version of fellow judge Chito Miranda's song "Don't Touch My Birdie" during their break.
PHOTO/S: @moira Instagram

Tila nakatuwaan nina Idol Philippines judges Moira dela Torre, Regine Velasquez, at Gary Valenciano na i-cover ang sikat na kanta ng banda ng kasamahan nilang judge na si Chito Miranda.

Noong June 26, 2022, ipinost ni Moira sa kanyang Instagram account ang tila malungkot at kakaibang rendition nila ng Parokya ni Edgar's hit song na "Don't Touch My Birdie."

May caption itong "'Don’t Touch My Birdie' - @parokyaniedgar Cover by @idolphilippines s2 judges [heart and laugh emoji]."

Sa video makikita sina Moira, Gary, Regine, at Chito sa judges table na tila nire-review ang papel na nasa kanilang harapan.

Inumpisahan ni Moira ang madamdaming pagkanta ng "Don't Touch My Birdie" na agad namang sinundan nina Gary at Regine.

Nag-blend pa ang mga ito kung saan sa dulo ay tila bumirit pa ang Asia’s Songbird na si Regine.

Sa paulit-ulit na linyang "Don't Touch My Birdie," nakabuo sila ng magandang rendition nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REACTION OF CHITO

Hindi na napigilan ng co-judges nilang si Chito na matawa.

Sa video, makikitang napailing pa si Miranda at napayuko habang nakangiti.

Matapos ang kantahan ay nagtawanan at nagpalakpakan ang mga judge at kasamahan nila sa studio.

REACTION OF NETIZENS

Humanga ang mga tagasuporta at malalapit na kaibigan ng Idol Philippines judges.

Tila Good vibes din ang hatid nito sa mga kapwa nila artista katulad nina Maymay Entrata, Bianca Gonzalez, at Mimiyuuh nang mag-comment sila.

"Panalo [laugh emoji] Talagang high note pa rin ni Ate Reg and dulo [hands up emoji]" comment ni Bianca

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 500K views ang nasabing video.

Noong June 25, 2022, nagsimula ang Idol Phippines Season 2 kung saan pinakilala sina Chito Miranda at Gary Valenciano bilang mga bagong hurado.

Pumalit sila sa dating judges na sina Vice Ganda at James Reid.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idol Philippines judges Moira dela Torre, Gary Valenciano, and Regine Velasquez make their own version of fellow judge Chito Miranda's song "Don't Touch My Birdie" during their break.
PHOTO/S: @moira Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results