JK Labajo writes breakup song for Maureen Wroblewitz?

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 1, 2022
JK Labajo's new song Kunwari
JK Labajo posts about the song titled "Kunwari" he has just written. His caption: “Written, recorded, mixed and mastered in a span of a few days. no plans, no intentions. from me, with love.”
PHOTO/S: @JUANKARLOS INSTAGRAM/ JUANKARLOS YOUTUBE

Isang bagong awitin ang inilabas ni JK Labajo ilang linggo matapos maisapubliko ang hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Noong June 30, 2022, ini-upload ni JK sa kanyang YouTube channel ang official lyric visualizer ng bago niyang kantang may pamagat na "Kunwari."

Ayon sa mga tagahanga ni JK, tila may gustong ipahiwatig ang ilan sa lyrics ng kanyang kanta: “Pwede bang kunwari, ika’y may pag-ibig sa akin / Pwede bang sabihin ko na ikaw ay akin / Ka-ibigan o kaibigan man, ako’y maghihintay.”

Sabi nila, maituturing itong breakup song ni JK para kay Maureen.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni JK ang kuwento sa likod ng bago niyang kanta.

Kalakip nito ang isang kuha sa kanyang nakaluhod sa damuhan na siya ring makikita sa official lyric visualizer.

Caption ng 21-year-old singer-songwriter (published as is), “written, recorded, mixed and mastered in a span of a few days.

"no plans, no intentions. from me, with love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, umabot na sa 13K views ang lyric visualizer ng "Kunwari" isang araw matapos itong i-upload.

FROM "MAGKA-IBIGAN TO MATALIK NA MAGKAIBIGAN"

Noong June 10, 2022, isinapubliko nina JK at Maureen ang kanilang hiwalayan nang pareho silang mag-post ng mensahe para sa isa't isa.

Halos tatlong taon din ang kanilang relasyon na nagsimula noong 2019.

Hindi man nila binanggit ang dahilan ng kanilang hiwalayan, nilinaw nina JK at Maureen na ito ay para rin sa kanilang “personal growth.”

Sa post ni JK sa Instagram noon, na ngayon ay burado na, sinabi niyang mula sa pagiging “magka-ibigan” ngayon ay “matalik na magkaibigan” na lang sila ni Maureen.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo posts about the song titled "Kunwari" he has just written. His caption: “Written, recorded, mixed and mastered in a span of a few days. no plans, no intentions. from me, with love.”
PHOTO/S: @JUANKARLOS INSTAGRAM/ JUANKARLOS YOUTUBE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results