Rachel Alejandro reveals dad Hajji's 'prediction' about COVID-19

by Rommel Gonzales
Jul 22, 2022
Rachel Alejandro concert
Rachel Alejandro is excited about her first live concert here in Manila. She says, “Kasi in the past two years halos puro mga online-online and iba talaga yung feeling na nandiyan yung audience so, so far nakaka-ten shows na ako sa U.S."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Pagkatapos ng dalawang taon ay matutuloy na rin ang na-postpone na concert ni Rachel Alejandro dito sa Pilipinas dahil sa pandemya.

Kaya naman, eto, tuwang-tuwa ang singer-actress, “My gosh, I am so excited 'tsaka sobrang saya na this concert, finally matutuloy na after ma-postpone nga siya for more than two years.”

Ang tinutukoy ni Rachel ay ang Rachel Alejandro: Live In Concert sa July 30, 2022, Saturday, 8 p.m.

Magaganap ito sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila sa likod ng SM San Lazaro.

Sa kuwento ni Rachel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 14, sa presscon ng concert, regular daw ang communication nila ng concert director niyang si Vergel Sto. Domingo maski nung nasa States pa siya.

Ani Rachel, “Na, ‘Ano puwede na ba? Puwede na ba? Hindi pa rin?! ‘Kumusta ba ang COVID situation sa Pilipinas?’

“And maybe some of you know in the past two years, medyo nag-stay po ako nang matagal sa U.S.

Continue reading below ↓

"And I am currently doing a U.S. concert tour at karamihan din ng mga show na yun sa U.S. ay nakaplano pa nung 2020 din.

“So parang ngayon, biglang natuloy lahat itong mga concert na ito, of course, thankful ako sa lahat."

Sa sobrang saya ni Rachel, ang taas ng kanyang energy habang pinapasalamatan ang mga nagtulong-tulong para labanan ang pagkalat ng COVOD-19.

"Of course to God, and of course sa scientists, mga doktor at mga frontliners na talagang sila yung mga heroes during this time.

“And, of course, I would like to think that we’re over the worst, that kahit papaano, yung mga nandito, I’m very grateful na nandidito pa rin tayong lahat.

"And that we are here na nabigyan tayo ng opportunity na ito to share music once again at magkasama-sama at magkita-kita sa mata.

“Kasi in the past two years halos puro mga online-online and iba talaga yung feeling na nandiyan yung audience so, so far nakaka-ten shows na ako sa U.S."

Continue reading below ↓

At kaya naman pala excited na excited si Rachel, "So ito yung pang-eleventh show ko na performing… very first dito sa Philippines.

"Dito sa Pilipinas ito ang pinaka-una kong concert kaya pagpasensiyahan nyo na kung medyo gigil po,” at tumawa ito.

THRILLING LIVE CONCERT

Naturally, looking forward si Rachel sa pagtuntong niyang muli sa stage in a live concert. Marami daw siyang na-miss.

Bulalas niya, “Everything about it! As in siguro yung nakikita ko yung reaction ng tao.

“Kasi di ba marami tayong mga naging guestings, na parang online-online concert pero nakikita ko parang isang dot na ganyan sa phone mo or sa iPad.

"So yung makita talaga yung mukha ng mga tao, to see their reaction, and yung nakikita ko yung tuwa nila.

“And ang pinakamasarap na sound sa tenga ng isang singer ay yung pag kinakanta ng mga tao yung mga kanta mo, when they sing along with you.

Continue reading below ↓

“Sa Amerika sa mga concerts ko, ang goal ko lagi is mapatayo sila and mapasayaw kasi iyon yung matagal naming hindi nagawa, di ba?

“Ako kasi mahilig akong sumayaw, di ba, kaya itong concert na ito, sa July 30, is gonna be no different.

"Kasi ang goal ko talaga is by mga three-fourths into the show, e, parang dance party na, para na tayong clubbing. Naks!

“Pero kumbaga kasi yung mga kanta na kakantahin ko ay mga songs that will bring them back to more carefree times"

Dagdag pa niya, sabay halakhak, "In other words, in other words, yung mga kapanahunan natin!”

A WORD FROM DAD HAJJI ALEJANDRO

Ang payo ni Rachel sa mga manonood ng concert niya sa July 30 ay magsuot ng kumportableng sapatos.

Aniya, “Because it’s not going to be a show na nakaupo lang na pinapanood ako. It’s going to be interactive, it’s going to be singing and dancing with the audience.”

Continue reading below ↓

Umamin si Rachel na dahil sa pandemya ay may mga pagkakataon na nagduda siya kung muli pa siyang makakapag-perform ng live sa isang concert.

“May point na talagang as in there was a dark time. I think for us, kaming mga performer, hindi mo alam kung anong mangyayari sa live entertainment, di ba?

“In fact, two years ago, nakakatawa nga, e, kasi sabi ng dad ko, siya talaga yung naka-predict, sabi niya, ‘Ate’, sabi niya, ‘two years tayong walang work!’

“Prinedict niya yun. Sabi niya, Two years tayong walang work.’ Sabi ko, ‘Sobra ka naman! Sobra ka namang nega. ‘Hindi naman siguro.’

“Pero na-predict ni fadir, di ba? In fairness to him, para siya talagang may crystal ball.”

Ang ama ni Rachel ay ang music icon na si Hajji Alejandro na ayon pa kay Rachel ay katatapos lang din kamakailan ng U.S. concert tour.

Taong 1989 ni-release ang unang album ni Rachel na Just A Minute kung saan kabilang ang mga hit songs niyang "Mr. Kupido," "K.S.P (Kulang Sa Pansin)," at "Kaytagal."

Continue reading below ↓

Samantala, magsisilbing mga guests ni Rachel sa Rachel Alejandro: Live In Concert sina Maria Laroco (of The X Factor UK 2018) at Lance "The Crooner" Carlos.

Ang concert ay produced ng VCSD Productions at ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver).

Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachel Alejandro is excited about her first live concert here in Manila. She says, “Kasi in the past two years halos puro mga online-online and iba talaga yung feeling na nandiyan yung audience so, so far nakaka-ten shows na ako sa U.S."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results