What National Artist Ryan Cayabyab means when he says "laos na kami"

by Melba R. Llanera
Jul 25, 2022
Ryan Cayabyab
Ryan Cayabyab on challenge to keep up with the new generation of musicians: "Yung mga seniors we have to evolve into something else. I'm so happy na yung mga trabaho na pinaghirapan from the start nabigyan na ng halaga."
PHOTO/S: Ryan Cayabyan Facebook / PEP Spotlight

Hindi matatawaran ang naiambag ni Ryan Cayabyab sa OPM scene kaya siya nailuklok bilang National Artist for Music sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Si Ryan ay kilala rin bilang Mr. C sa larangan ng showbiz.

Ayon kay Mr. C, suwerte na nananalo ang mga komposisyon niya sa maraming pagkakataon, pero hindi raw iyon ang motivation niya sa paggawa ng musika.

Binigyan din ng credit ni Mr. C ang singers na ka-collaborate niya para magtagumpay ang kanyang mga kanta.

Pahayag niya, "Hindi ko iniisip ang mga awards. Alam ninyo, for example, we’ve gone to Tokyo Music Festival, nanalo yung kantang dala-dala ko. Hindi ko ine-expect yun, pero kasi ang galing ng Smokey Mountain na nag-perform ng kanta ko.

"When we went to Seoul, Korea to do the Seoul Music Festival, nanalo din kami dun. Ang galing ni Hajji Alejandro, kinanta niya yung ‘Kay Ganda Ng Ating Musika.’

Continue reading below ↓

"Lahat yun, hindi naman namin ine-expect."

Para kay Mr. C, ang pinaka nae-enjoy niya ay iyong mismong live performance kunsaan nabibigyang-buhay ang kanyang likha.

Balik-tanaw niya: "Pero alam mo, pag nandun kami sa front competition, lahat sila mararamdaman mo. Parang feeling mo malakas ang kanta namin, iba ang reaksiyon ng audience, iba yung reaction ng orchestra. Dun mo makikita yung reaksiyon pag nakahalubilo mo yung artista.

“Kasi in both cases nandun ako, nakilala ko yung nagkukumpas. Sa isang contest ng Smokey Mountain na sinalihan namin, ako yung kumumpas, so alam ko kung ano yung nangyayari sa orchestra, yung musicians.

“Iyan ang reasons kaya feeling ko masaya ako, nararamdaman ko immediate reaction ng musicians sa music ko.

“Nung 1978, feeling ko nganga sila sa areglo ng ‘Kay Ganda Ng Ating Musika.’

"I'm talking in the past kasi siyempre yun ang style nun. Kung yung style na yun gagamitin ko ngayon, talo na yun kasi siyempre makaluma."

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. C sa media tour sa Calatagan South Beach, isang leisure tourism estate na pag-aari ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan.

ON NEXT GENERATION'S TIME TO SHINE

Sa kabila ng pagiging isang National Artist for Music at mahusay na singer/kompositor/arranger, tanggap ni Mr. C na nakalipas na ang panahon niya.

Panahon na raw para sa bagong henerasyon ng composers na kuminang sa OPM scene.

"Kami laos na kami, katotohanan lang yun," kaswal na pahayag ni Mr. C.

"Ang gusto ko lang sabihin, hindi na namin kayang maki-one-on-one dun sa mga batang composers. Unang-una kasi, ang style ng music ngayon ay style nila.

“Yung kanilang sinasabi sa music nila, yung mga nuances ng music nila, kanila yun."

Hindi raw maaaring maikumpara ang henerasyon noon sa henerasyon ngayon dahil magkaiba ng genre, taste, at trend sa music.

Paliwanag pa ni Mr. C, "Hindi namin magawa yung ginagawa nila kasi iba ang isip namin. Parang feeling namin, ‘Sige, puwede kong gawin iyan pero di ako iyan, e.’

Continue reading below ↓

“Parang di totoo na gagawa ako ng ganun, pero puwedeng pilitin ko ng ganun.

"Pero mangingiwi ako dahil lagi kong sinasabi, ang mga bata, sila Jonathan Manalo, time na nila.

"Gusto ko lang sabihin sa lahat ng professionals na ganun talaga yun. We have to accept."

Gayunman, ipinunto ni Mr. C na may market pa rin para sa classics at ang hamon ay kung paano mag-evolve ang isang batikang musician.

Saad niya, “But di ko naman sinasabi na laos, as in ayaw na namin. Kasi sa totoo lang, mayroon akong alam na di nila alam, e. Mayroon akong na-experience na hindi nila na-experience.

"Pero patas lang dahil mayroon silang experience na hindi ko na-experience.

“In this world where we move around, patas lahat. But you have to understand kung nasaan ka. Ano ba ang iyong posisyon ngayon?

"That's why we are always saying na laos na kami."

Paliwanag pa niya, “Kasi, first of all, kunwari tatawag, ‘Mr. C, mayroon akong recording sa bagong artist ko, si ganito. Bago siya, ang galing niya, 18 years old, ganyan.’

Continue reading below ↓

“Wala nang tumatawag sa akin para gumawa ng kanta para dun sa bago. Siyempre ang tatawagan nila yung mga bata kasi yun ang akma dun sa music."

Masaya naman si Mr. C dahil hanggang ngayon ay nabibigyang-halaga ang ambag sa OPM ng veteran musicians katulad niya.

"Yung mga seniors, we have to evolve into something else. I'm so happy na yung mga trabaho na pinaghirapan from the start, nabigyan na ng halaga," pahayag niya.

ADVICE TO NEW MUSICIANS

May payo rin si Mr. C sa mga bagong kompositor, arrangers o musicians na gumagawa na rin ng pangalan at tatak sa industriya ng musika.

Hindi raw solo ng isang composer-arranger ang journey to stardom, dahil katuwang nito ang singer.

"Kaya lagi kong sinasabi sa mga musicians sa umpisa, ‘Mr. C, paano kayo umabot sa stature niyo?’ Sabi ko lagi, ‘Kung music arranger kayo, producer, hanap kayo ng kasabay ninyo na artista na kukunin kayo lagi. Sabay kayong mag-work paakyat.’

Continue reading below ↓

“Kasi it's always a tandem, a collaboration, and ang ka-collaboration ko si Basil Valdez. Specialized na yung concerts niya, hindi na siya papantay dun sa concerts ng mga baguhan ngayon.

“Parang katulad nung mga time nila Gary Valenciano, sila rin yun, hindi na nila mapapantayan si Basil.

“Pero at a certain point in time, siyempre may mga bagong aangat. Tatanggapin na lang natin, mag-e-evolve na lang kami."

Higit sa lahat, wala raw tatalo sa hard work at passion sa craft.

Ayon kay Mr. C, "Being a National Artist, ang summary ko na lang sa mga tao, pagbutihan ninyo lagi ang ginagawa ninyo.

"Isipin ninyo lagi kung ano ang puwedeng maganda, magaling na puwede niyong gawin kasi eventually mapapansin pala yun.

"Kasi yung ginagawa ko, di ko naisip na mapapansin, iniisip ko lang na gusto mo ang ginagawa mo, na maganda ang ginagawa mo."

HOT STORIES

ON NORA AUNOR BEING HAILED AS NATIONAL ARTIST

Ikinagalak naman ni Mr. C ang pagkakahirang kay Nora Aunor bilang National Artist for Film And Broadcast Arts nitong Hunyo 2022.

Continue reading below ↓

"As a matter of fact, nung 2018 na-nominate na siya, nai-elevate na yata sa President. Kasi ang President ang huling pipirma, parang Presidential award siya, e.

"Hindi lang siya pinirmahan ni Presidente Duterte nung nakaraan, pero this time pinirmahan na niya, so masaya kaming lahat na finally nabigay na sa kanya.

“Tingnan niyo naman, talaga namang dapat na ipagkaloob sa kanya.

"Pero kung sa artista din, marami ring magagaling, di ba? Kahit na yung previous stars kay Nora like Charito Solis, Gloria Romero, nandun silang lahat."

Paano nga ba nakakamit ang National Artist Award?

Sabi ni Mr. C, “Pero napansin ko rin, kailangan mayroong grupo na advocate nung artista na gusto nilang i-elevate.

"Kung gusto niyo na maging National Artist ang isang tao, kailangan mayroon kayong isang grupo na magpu-push ng lahat ng kanyang achievements, lahat ng nagawa niya sa bansa, ano ang mga kontribusyon niya na katangi-tangi na hindi naibigay ng iba or nakaangat siya sa iba.

Continue reading below ↓

“Para sa akin, na-realize ko na hindi lang siya puwede, ‘A, ano, dapat manalo as National Artist’ or kunwari isang eskuwelahan lang ang mag-e-endorse na dapat National Artist si ano.

“Hindi pala siya ganun kasi matagal na ring may nag-e-endorse sa akin na eskuwelahan o grupo, pero hindi pala ganun, di pala ganun lang.

“Yung endorsement, hindi yun ang pinakaimportante. Ang pinakaimportante yung research na ginawa nung grupo na gusto talagang i-push ka kasi kailangang malinaw yung requirements.

“Yun lang ang gagawin ng grupo na yun. Hahanapin lahat ng puwede nilang ungkatin sa artista para makahanap ng achievements niya para ma-satisfy. Parang limang categories yun na kailangan ma-satisfy lahat."

NOT A POPULARITY CONTEST

Ipinunto rin ni Mr. C na marami talagang talentadong mga Pilipino na karapat-dapat mabigyan ng National Artist recognition.

May iba na hindi gaanong popular, pero malaki ang ambag sa industriyang kinabibilangan nito.

"Ngayon siyempre, you have to understand that sa pelikula, mas maraming tao ang sumusubaybay kasi yung personality niya mas kilala sa masa, mas kilala sa buong bansa.

Continue reading below ↓

“Yung mga ibang kinds of artists, for example manunulat, may manunulat na very academics, maraming journals na na-produce, maraming libro. Siyempre, hindi naman alam ng publiko yun, so feeling mo, ‘Paano siya nanalo na National Artist hindi naman siya kilala?’

“Hindi naman popularity contest dito. Ito talaga kung ano ang naiambag niya, kontribusyon niya sa bayan in terms of art, ganun din katulad ng dance.

“Alam ninyo, yung bagong National Artist ng Fashion Design, si Salvacion Lim... I don't know kung kilala niyo yun compared to Pitoy Moreno, Joe Salazar, kilala silang lahat. Lahat iyan puwede mong i-elevate as National Artist.

“Pero dahil sa research, siya ang napili, importante yun, e. For example, kay Nora Aunor habang tumatagal, lalong dumadami yung achievements niya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Cayabyab on challenge to keep up with the new generation of musicians: "Yung mga seniors we have to evolve into something else. I'm so happy na yung mga trabaho na pinaghirapan from the start nabigyan na ng halaga."
PHOTO/S: Ryan Cayabyan Facebook / PEP Spotlight
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results